Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 12/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Balarila ng Makata
  • Pusong Wasak
  • Pag-aanunsiyo
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1986
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 12/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Balarila ng Makata

Siyang-siya ako sa pagbasa sa “Nabighani ang Sydney sa Malaking Naglalayag ng Bapor” (Setyembre 8, 1988). Gayunman, inaakala ko na dapat kong itawag-pansin sa inyo ang hindi kawastuan ng sinipi buhat sa tula ni John Masefield na “Sea-Fever” na inilimbag sa kahon. Ito ay dapat sanang kabasahan (sa Ingles): “I must go down to the seas again.” Inilakip ko ang isang kopya ng pinagkunang materyal.

D. S., Inglatera

Ang aming pinagkunan na walang “go” ay ang Britanong “Oxford Dictionary of Quotations” (Oxford University Press) at ang “Familiar Quotations,” ni John Bartlett. Ang mga autoridad ay nagsabi sa amin na ang orihinal na pagbasa nang walang “go” ay nasa ilalim ng “poetic license.”​—ED.

Pusong Wasak

Kababasa ko lamang ng “Paano Ko Makakayanan ang Isang Pusong Wasak?” (Enero 22, 1988) Ang lahat ng sinabi ninyo ay kapit sa akin. Pinutol ng aking nobyo ang aming malapit na kaugnayan. Siya ay kumilos na katulad na katulad ng sinasabi ng artikulo. Una, hindi niya ako pinapansin bilang kaniyang kasintahan, para bang ang problema ay basta na lamang maglalaho. Nang hindi ito maglaho, saka siya naupo at ipinaliwanag niya ang kalagayan. Sa loob ng mga ilang araw, hindi ko matanggap ang ideya, subalit ngayon, lalo na pagkatapos kong mabasa ang artikulo, ako’y naginhawahan, bagaman hindi pa rin ako maligaya tungkol dito. Talos ko ngayon na hindi ako ang una, ni ako man ang magiging huli, na makaranas nito.

C. V., Brazil

Dumating ako sa punto kung saan ako’y nangailangan ng tulong tungkol sa paksang ito. Nakipag-usap ako sa aking nanay at sa isang kaibigan, at sila kapuwa ay nagsabi na ako ay hangal. Sabi nila ito ay lilipas din. Subalit gaya ng pagkakalarawan ng Gumising!, ako’y talagang wasak at sawi. Para bang wala nang mahalaga pa sa buhay. Ang Gumising! ay nagbigay sa akin ng kinakailangan kong tulong ng higit kaysa anumang bagay.

M. M., Portugal

Ako’y 13 anyos nang panahong iyon. Ito ay tumagal ng isa at kalahating taon. Ako’y lubhang nasaktan at naligalig anupa’t ako’y may sama ng loob laban sa kaninumang lalaki. Hindi ako nakikipag-usap sa kaninumang lalaki maliban na lamang kung talangang kailangan, o malibang siya ay may-asawa. Nauunawaan ko ngayon na iyon ay mali. Tinulungan ako ng inyong artikulo na maunawaan na marahil mayroong darating na mas kanais-nais na kabiyak.

J. W., Estados Unidos

Inaakala ko na ako ngayon ay nasa mas mabuting kalagayan sa emosyonal, mental, at espirituwal na paraan upang maghanap ng isang kabiyak. Ipinaliwanag ng artikulo na walang madali at hindi masakit na pagwawakas sa isang kasunduang pagpapakasal. Ang mga ito at ang nauugnay na mga artikulo ay malaki ang maitutulong sa mga kabataan na maging mas matalino kung tungkol sa kanilang kasunduang pagpapakasal, sa gayo’y binabawasan ang mga sama ng loob at kalungkutan na bunga ng pag-aasawa dahil lamang sa awa.

A.U. I., Nigeria

Pag-aanunsiyo

Ako’y isang suskritor sa inyong mga magasin, bagaman ako ay hindi isa sa mga Saksi ni Jehova. Nais ko kayong pasalamatan sa mga artikulong inyong inilalathala. Mayroon akong mahirap at maselang trabaho sa isang saykayatrik na ospital. Ako’y kumukuha ng tatlong-taong interuniversity na kurso sa saykayatri, at nito lamang nakalipas na mga ilang araw, ako’y kumuha ng aking una- at ikalawang-taóng mga eksamen. Ang mga artikulo tungkol sa pag-aanunsiyo sa Pebrero 8, 1988, na labas ng Gumising! ay lubhang nakatulong sa aking eksamen sa sociology. Ang aking paghahanda ay talagang salig sa inyong magasin! Ako’y nakakuha ng mahusay na mga resulta. Maraming salamat na muli, at binabati ko kayo sa inyong kawili-wiling mga magasin.

P. V., Italya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share