Mula sa Aming mga Mambabasa
“Masarap” na Artikulo
Nais ko kayong pasalamatan sa “Pagluluto ng Gulay—Istilong Intsik.” (Mayo 8, 1988) Ako’y naghanda ng pagkain na sinusunod ang mga mungkahi sa artikulo at ako ay pinuri ng aking pamilya dahil dito. Sana’y patuloy kayong maghanda ng gayong “masarap” na mga artikulo.
R.G. O., Brazil
Paglayas
Sa “Ang Paglayas ba ang Lunas?” (Marso 22, 1988), hindi kayo nagbago sa inyong tradisyon ng paggamit sa maunlad na mga lipunan bilang tuunan ng pansin. Kailan kaya makukuha ng hindi gaanong mapalad na lipunan na gaya ng Aprika ang inyong pansin? Sa akin, ang inyong mungkahi sa solusyon ay makitid ang sakop at may kinikilingan. Hindi ninyo naituro na itong mabigat na suliraning ito ay nagmumula sa materyalistikong mga hilig at mga ambisyon ng ilang magulang ngayon. Ang sumulat na ito ay isang biktima. Ilang taon na ang nakalipas nang ang aking bulsa ay makapal, ako’y naging paboritong anak ng aking magulang, subalit nang magbago ang mga kalagayan at ito’y naghirap, ako ay hinamak. Sa maikli, ang aking ina ang siyang sumira sa aking kayamanan. Dapat na maliwanag na hatulan ninyo ang materyalistikong saloobin ng ilang magulang ngayon.
T.T., Nigeria
Ang artikulong ito ay ikalawa sa isang serye tungkol sa mga naglalayas. Kinilala ng unang artikulo (Pebrero 22, 1988) na ang di-makatuwirang mga kalagayan ay umiiral at na, kung minsan, ang mga magulang ay dapat sisihin. Sinisikap ng “Gumising!” na panatilihin ang isang internasyonal na katangian nito. Ang aming pabalat na paksa ng Marso 8, 1987, at Hunyo 22, 1988, ay espisipikong tumatalakay sa mga pagkabalisa sa Aprika mula sa Aprikanong pinagmulan. Gayundin ang ginawa ng maraming indibiduwal na mga artikulo.—ED.
Sana po’y basahin ng bawat kabataan ang inyong mga artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” Pinasasalamatan ko po lalo na ang “Dapat ba Akong Lumayas sa Bahay?” (Pebrero 22, 1988) Pinag-isipan ko po ang tungkol dito, at nagbago na po ako ng isip.
C. H., Estados Unidos
Pinahalagahan ang Gumising!
Bilang isang regular na mambabasa ng Gumising!, labis kong hinahangaan ang inyong ekselenteng paraan ng paghaharap ng mga problema upang maunawaan ng lahat. Ito ay lubhang hindi pangkaraniwan sa tinatawag na mga grupong intelektuwal. Hinahangaan ko rin ang inyong pagkabukas-palad, ang inyong pagnanais na makatulong sa kaligayahan ng tao nang walang anumang pakinabang para sa inyong sarili, sapagkat ang inyong mga publikasyon ay ipinamamahagi nang walang tubo, at hindi kayo nangingilak na gaya ng ginagawa ng marami.
J. B., M.D., Pransiya
Ako po’y 16 anyos, at ako’y isang Muslim. Gayumpaman, nasisiyahan po ako sa kawili-wiling mga artikulo para sa mga kabataan at sa kanilang mga magulang. Sana’y mas maraming kabataan na kasinggulang ko ay magbigay-pansin sa mga bagay na sinasabi ninyo. Ginagawa ng inyong mga aklat ang isang malungkot na gabi na higit na matitiis. Salamat sa pagsali ninyo sa amin na mga kabataan.
F. R., Estados Unidos
Pinasasalamatan ko ang malalim na kabatiran na ibinibigay ninyo sa lahat ng uri ng problema na bumabangon sa buhay, pati na ang mahusay na payo. Lahat ng iba pang relihiyon ay pabagu-bago, subalit ang mga turo sa inyong mga publikasyon ay hindi kailanman nagkakasalungatan. Ang mga ito ay makatuwiran at, higit sa lahat, wasto. Ang nakapagpapaligaya pa sa akin ay na unti-unti kong nadarama na ang aking buhay ay nagiging higit na kasiya-siya habang ako’y nagbabago mula sa isang hungkag na paraan ng pamumuhay hanggang sa ngayon tungo sa isa na kapaki-pakinabang.
M. O., Hapón