Binago ng mga Cassette ang Kaniyang Buhay
ISANG Saksi sa Barbados ang nakikipag-aral ng Bibliya sa isang lalaking ang kapatid na lalaki ay isang marinero. Ang marinerong ito ay naglakbay sa ibang bansa at nawalan ng tiwala sa kung ano ang nakikita niya sa relihiyon. Tinuya niya ang interes ng kaniyang kapatid na lalaki sa Bibliya. Bagaman mapag-alinlangan, tinanggap niya ang ilang literatura sa Bibliya at ilang cassette tape ng Bibliya, na dinala niya sa kaniyang sumunod na paglalayag. Pagdating niya sa Australia, nabasa na niya ang lahat ng literatura at napakinggan na niya ang mga tape. Nais niyang malaman ang higit pa. Ang Australianong mga Saksi ay nagkataong dumalaw sa kaniyang barko, at maligayang tinanggap niya ang higit pang literatura sa Bibliya.
Pagkatapos ng ilang buwan sa dagat, siya ay nagbalik sa Barbados—isang taong nagbago. Inihinto niya ang paghitit ng tabako at marijuana, hindi na siya nagsusugal at umiinom, at iniwan niya ang kaniyang imoral na pamumuhay. Siya sa wakas ay nabautismuhan. Ano ang nag-udyok ng kaniyang pagbabago? Sa paggunita sinabi niya: “Ito’y ang mga tape sa Bibliya na nagbukas sa akin ng Kasulatan at ginawa nitong totoong napakadali para sa akin na tanggapin ang mga katotohanan ng Bibliya.”