Mula sa Aming mga Mambabasa
Mga Sari
Kababasa ko lamang ng artikulong “Angaw-Angaw na mga Sari” sa Hulyo 8, 1988, na labas ng Gumising!, at ako’y natutuwa. Tiningnan ko ang larawan ng babaing nagsusot ng sari at naisip ko, ‘Anong gandang kasuotan!’ Ito’y isinulat sa isang paraan na ang mambabasa ay nakadarama ng paborable at magalang sa mga kababaihan ng India. Binabawi ng ganitong uri ng artikulo ang anumang bakas ng pagtatangi ng lahi na maaaring nasa ating mga puso. Binanggit nito na ang karaniwang babaing Indian ay nagsusuot ng mas lumang ‘pambahay na sari’ upang gawin ang kaniyang pang-araw-araw na gawaing-bahay. Ito’y nakatulong sa akin, dito sa malayong Hapón na gumagawa ng gayunding gawain, na makadama ng paggalang-sa-sarili. Natulungan din akong pag-isipan ang ‘pambabaing katangian ng damit.’ Kaya mula ngayon, kung ako’y nasa loob ng bahay at kailangan kong bumili ng isang bagay sa groseri sa aming pook, binabalak kong isaalang-alang kung baga ang aking damit ay pambabae at maayos bago ako umalis ng bahay.
N. I., “Isang babaing nagnanais magsuot ng isang sari,” Hapón
Pagligtas sa Ngipin
Ang aking anak na lalaki, 16-anyos nang panahong iyon, ay natanggalan ng isang ngipin samantalang nagbibisikleta. Natandaan kong nabasa sa Awake! (Hunyo 8, 1983) ang alin sa ibalik ang ngipin sa saket nito o hawakan ito sa dati nitong lugar sa bibig o ilagay ito sa gatas, subalit hindi ko matandaan kung alin ang pinakamabuti, kaya’t tinawagan ko ang emergency room ng ospital. Sinabi nilang ibalot ko ito sa yelo, na kabaligtaran ng nabasa ko. Kaya ako’y tumawag sa isa pa, sinabi ko sa kanila kung ano ang natatandaan ko, at sinabi nila na hangga’t maaari ibalik ko ito sa saket. Kaya gayon nga ang ginawa namin, dinala namin siya sa emergency room, pagkatapos sa seruhano sa bibig, saka sa endodontist, at silang lahat ay nagsabi na kung ibinalot namin ito sa yelo na gaya ng sinabi ng unang emergency room, baka naiwala niya ang ngipin. Kaya ginagawa ninyo kaming edukadong mga tao; ikinalulungkot ko lang na isipin kung ano ang nakaligtaan ko sa hindi pagbabasa nang lubusan sa bawat labas noon.
P.L., Estados Unidos
Artipisyal na Karunungan
Ang artikulo tungkol sa artipisyal na karunungan sa Hulyo 8, 1988 na labas ng Gumising! ay lubhang nahuhuli sa balita; alin sa ang autor ay walang-alam sa ilang mga pag-unlad sa larangan o kung may kabatiran man ay hindi ito lubos na pinaniniwalaan sa ilang kadahilanan . . . Ganap na winawalang-bahala ng artikulo ang neutral networks, na nagbibigay sa mga computer ng halos iisang kakayahan na gaya ng mata o tainga ng tao upang makilala ang mga padron o huwaran. Sa kasalukuyan, maaari lamang tularan ng mga neutral network na ito ang nukleo ng hindi gaanong masalimuot na mga nilikha . . . Hindi nito tiyak kung maaabot nito ang kasalimuotan ng neuron ng utak ng tao, subalit baka hindi na ito kailangan . . . Ikinatatakot ko na ang artikulong ito ay katulad ng marami na nabasa ko sa popular na mga limbag, itinataguyod ang ideya na “ayos naman, mga tao, kayo ay laging magiging nakatataas sa talino sa anumang bagay sa lupa.” Sa palagay ko ito ay isang walang katuwirang takot ng mga tao, na makatagpo ang isang mas intelihenteng tao, at labis na kasakiman din.
J.O., Estados Unidos
Tinalakay ng “Gumising!” ang kasalukuyang mga pag-unlad sa artipisyal na karunungan, kung ano ang praktikal na gamit sa ngayon. Ang mambabasang si J. O. ay pangunahing nababahala sa eksperimental na mga pag-asa sa hinaharap, na inaamin niyang walang katiyakan pa. “Ipinakikita ng isang pag-aaral ng Lincoln Laboratory ng M.I.T. na sa limang taon dapat ay posible nang magtayo ng isang neutral network na kasinsalimuot ng utak ng bubuyog,” sabi ng isang editoryal kamakailan sa “New York Times.” (Setyembre 7, 1988) Ang kapurihan ay dapat ibigay sa kinauukulan—anumang antas ng artipisyal na karunungan ay totoong napakababa pa rin kung ihahambing sa gawa ng Maylikha.—ED.