Matatamis na Himagas Galing sa mga Puno
Ang mga Indyan sa Hilagang Amerika ang unang nagpakita sa mga taong puti kung paano gagawin ito—kumuha ng mga matamis buhat sa mga puno. Tinuruan ng mga Indyan ang unang mga maninirahang Europeo sa Canada ng sining ng paggawa ng matamis na arnibal mula sa dagta ng mga punong maple. Subalit noon lamang 1706 nag-umpisa ang unang tunay na rekord ng produksiyon ng arnibal at asukal na mula sa maple sa Canada. Ngayon ito ay isang multimilyon-dolyar na industriya para sa Canada.
Narito ang dalawang matamis na himagas na maaari mong subukin:
MAPLE FUDGE
2 tasang arnibal na maple
1 tasang plain o crunchy na peanut butter
1 kutsaritang vanilla
Initin ang arnibal na maple ng 112° C. hanggang sa ito ay mamuo sa malamig na tubig. Kapag maligamgam na, idagdag ang peanut butter at vanilla. Batihin hanggang sa ito ay mamuo, saka ibuhos kaagad sa isang lalagyan. Kapag lumamig, hiwain sa maliliit na kuwadrado.
MAPLE PUDDING
2/3 tasang bigas
Karampot na nutmeg
2 itlog, binati nang bahagya
1/4 kutsaritang asin
2/3 tasang arnibal na maple
1/2 tasang walang butong pasas
1 1/2 tasang gatas
Lutuin ang bigas sa kumukulong tubig na may asin hanggang lumambot; salain na mainam. Pagsamahin ang mga itlog at ang arnibal na maple at haluing mabuti. Ihalo ang gatas, nutmeg, at asin, pagkatapos ang kanin at ang pasas. Ilagay ang mga sangkap sa isang kaserolang pinahiran ng mantikilya at lutuin sa hurno, 177° C, hanggang sa tumigas (60-70 minuto). Para sa 6 hanggang 8 katao.
[Larawan sa pahina 25]
Bukod sa masarap na, ang arnibal na maple ay mayaman sa carbohydrates at nagtataglay ng kapaki-pakinabang na mga mineral na calcium, phosphorus, iron, at potassium.
[Credit Line]
Kagawaran ng Agrikultura ng E.U.