Isang Kuwelyo ng Buháy na Sora?
Huminto ako sa aking paglakad sa pangunahing lansangang pamilihan ng Cheltenham, Inglatera. Ako ba’y nakakakita ng mga bagay-bagay? Ang babae kaya ay nakasuot ng isang kuwelyo na sora? O ito kaya’y tunay na isang buháy na sora?
Ang muli kong pagtingin ay nabigyan-matuwid. Naroon ang babae, sa harap ng isang tindahan ng mga bulaklak, mahinahon, na nakasuot ng isang tunay at buháy na sora sa paligid ng kaniyang leeg! Dahil sa pag-uusyoso, tinanong ko siya kung paano niya naturuan ang mabalahibong nilikha na maging napakatahimik at mahinahon sa isang abalang lansangan na punô ng tao at sasakyan sa lahat ng dako. Ipinaliwanag niya sa akin na isang araw nahuli ng aso niya ang tutang ito ng sora. Kinuha niya ito at inalagaan ito, at ito ay naging alagang hayop ng pamilya. Hindi ko matanggihan ang pagkakataon na kunan sila ng larawan.
Subalit pinag-isip din ako nito na karamihan ng mga tao ay nananabik na magkaroon ng magandang kaugnayan sa mga hayop. At sang-ayon sa hula ng Bibliya, darating ang panahon kapag “ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; ang guya at ang batang leon ay lalakíng magkakasama, at papatnubayan sila ng munting bata.”—Isaias 11:6, The New English Bible.—Isinulat.