Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 5/8 p. 3-4
  • Tumataas na Halaga ng Bilihin—Ang Epekto sa Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumataas na Halaga ng Bilihin—Ang Epekto sa Tao
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kaguluhan Dala ng Kahirapan sa Kabuhayan
  • Sino ang Dapat Sisihin?
  • Pagtaas ng mga Bilihin sa Buong Mundo—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Bakit ang Krisis ng Pagtaas-ng-Bilihin?
    Gumising!—1989
  • Bahagi 1a—Kontrolado ng mga Problema sa Pera
    Gumising!—1992
  • Harapin ang Realidad
    Gumising!—2025
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 5/8 p. 3-4

Tumataas na Halaga ng Bilihin​—Ang Epekto sa Tao

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Espanya

“Huminto na kami sa pagkain ng kamatis sapagkat napakamahal nito. Kung tungkol naman sa prutas, hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon na bumili ako nito,” hinagpis ng isang maybahay sa India.

“Hindi kami makabili ng sapatos o damit,” panangis ng isang Mexicanong manggagawa ng tela, na binubuhay ang isang pamilya na binubuo ng lima. “Apat na taon ang nakalipas, mayroon kaming kaunting pera, subalit ang lahat ng bagay ay mas mura. Ngayon ang pera ay wala nang halaga.” Sa kaniyang bansa ang lakas ng peso sa pagbili ay bumaba ng 35.4 porsiyento sa pagitan ng 1982 at 1986.

Si Muhammed el-Ghani ay isang panggabing bantay sa Cairo, Ehipto, kung saan ang presyo ng ilang mga pangangailangan ay dumoble sa loob lamang ng 12-buwang yugto ng panahon. “Kami’y nabubuhay sa araw-araw,” sabi niya, “at may mga araw na hindi namin kayang kumain.”

Sa Brazil isang kaawa-awang biktima ng aksidente-sa-perokaril ay kinailangang maghintay ng 20 taon bago napagpasiyahan ng hukuman ang kaniyang bayad-pinsala. Sa wakas siya ay tumanggap ng buwanang bayad-pinsala na katumbas ng kalahati ng pambansang sahod noong panahon ng aksidente. Gayunman, dahil sa implasyon, marahil ang halagang ito ay hindi pa sapat upang ibayad sa bus kapag kinukuha niya ito.

Si Bala mula sa Nigeria, na isa nang ama ng tatlong anak, ay hinimatay nang marinig niya ang balita na ang kaniyang misis ay kapapanganak lamang ng triplets. Sa kabila na siya ay may dalawang pinapasukang trabaho, ang kita ng pamilya ay hindi halos sapat sa pangunahing pangangailangan, at ang halaga ng pagkain ay patuloy na tumataas. Nalalaman niya na imposibleng ilaan kahit na ang pangunahing pangangailangan para sa kaniyang mga anak. Handa niyang ipaampon ang mga bata.

Ang mga detalye ay maaaring naiiba, subalit ang istorya ay pareho sa buong daigdig. Ang halaga ng bilihin ay walang-lubag na tumataas. Para sa marami, ang tinapay at gatas ay naging luho, at ang pagkain na tatlong beses sa isang araw ay naging pambihira. Isang report mula sa Nigeria ay nagsasabi: “Ang tinapay, ang hanggang ngayo’y pangunahing pagkain para sa karamihan ng mga taga-Nigeria, ay kinakain lamang ng mga nakaririwasa. Ang kanin ay kinakain lamang kung mga kapistahan.”

Binabawasan ng iba ang problema sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng mas mahabang mga oras, subalit ang iba ay nahihirapang humanap ng trabaho o imposible pa ngang makakuha ng trabaho. Napipilitan silang italaga ang bawat araw sa walang-katapusan at madalas ay walang saysay na atas na paghahanap ng pagkain. Para sa kanila, hindi ito isang problema lamang ng pakikitungo sa halaga ng pamumuhay kundi, bagkus, ng pagpupunyagi upang mabuhay.

Ang kontrabida sa karamihan ng mga kaso ay ang implasyon, o ang tumataas na halaga. Ang sahod ay maaari ring tumaas, subalit ito ay bihirang nakaaagapay sa pagtaas ng halaga. Lalo nang apektado yaong may suweldong piho, gaya ng mga pensiyonado o yaong mga walang trabaho. Sa maraming di gaanong maunlad ng mga bansa sa daigdig, nagkaroon ng lubhang pagbaba sa pamantayan ng pamumuhay nitong nakalipas na mga taon. Sa buong daigdig na lawak tunay na masasabing bagaman ang mayayaman ay wari bang lalo pang yumayaman, ang mahirap ay tiyak na lalo pang naghihirap. Ganiyan ba ang kalagayan sa inyong bansa?

Kaguluhan Dala ng Kahirapan sa Kabuhayan

Hindi kataka-taka, marami ang tumutol. Halimbawa, ang naghihirap na mga guro sa mga lalawigan ng Chiapas at Oaxaca ay nagtayo ng mga tolda sa pangunahing plasa sa Mexico City sa pag-asang ang kanilang pagtatanod ay magdadala ng katarungan sa kabuhayan. “Ang mga tao ay pinagsasamantalahan,” giit ng isa sa kanila. Sa ibang bansa nagkaroon ng mga kaguluhan o riot nang ang presyo ng bilihin ay tumaas na lubha.

Ang krimen, inilalarawan ng ilan na isang tahimik subalit mapanganib na pag-aalsa ng mahihirap laban sa mayayaman, ay nagiging palasak din. Ipinalalagay ng isang seminar ng mga pulis na ang internasyonal na daluyong ng delingkuwensiya ay bunga ng malubhang suliraning pangkabuhayan ng napakaraming mamamayan. Kung minsan ang mga kabiguan sa kabuhayan ay nagkakaroon ng pangit na resulta. Noong 1987 mahigit na 50 tao mula sa mas mataas na lipunan ay pinatay ng daan-daang mga nagugutom na mambubukid na nakadarama na sila ay pinagsasamantalahan ng mayayamang may-ari ng lupa.

Sino ang Dapat Sisihin?

Noong ika-20 siglo, mas maraming kayamanan ang nagawa kaysa kailanman. Subalit balintuna, habang ang dantaon ay papatapos, angaw-angaw ang nababaon sa walang-katapusang karukhaan. Mga pangako tungkol sa isang mas magandang kinabukasan, ang pagbuti ng ekonomiya, isang desenteng sahod para sa lahat, ay kadalasang pawang mga pangarap ng pulitiko.

Sino o ano ang dapat sisihin? Sinisisi ng marami ang kanilang mga gobyerno. Sinisisi naman ng mga gobyerno ang mga patakaran sa ekonomiya ng ibang bansa. Ang kaayusan tungkol sa pandaigdig na ekonomiya ay lubha ring binatikos. Maliwanag, ang mga suliranin ay masalimuot at ang mga lunas ay mailap. Sa susunod na artikulo, isasaalang-alang namin ang ilan lamang sa pangunahing mga dahilan ng pagtaas-ng-bilihin at kung bakit napakahirap lunasan nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share