Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 5/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BABALA SA LINDOL
  • PUMUSYAW NA “PERLAS”
  • AKSIDENTE SA TAHANAN
  • HINDI ISANG NAWAWALANG KAWING
  • PAG-IINGAT SA KRIMEN
  • “ISANG PAMBANSANG PANLILINLANG”
  • DUMAMI ANG PAGPAPAKAMATAY SA ITALYA
  • TAGUMPAY NG MGA TALUNAN
  • NAPAKARAMING KUNEHO
  • MGA SENTRONG SUMBUNGAN NG KATIWALIAN
  • MAS MALAPIT SA DIYOS?
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1994
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
  • Ang Mailap na “Coelacanth”
    Gumising!—2002
  • Mga Rabit at Palaka—Mananalakay ng Isang Kontinente
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 5/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

BABALA SA LINDOL

“Kapaha-pahamak na mga lindol,” katulad niyaong mamamatay-taong lindol na naganap sa Armenia noong nakaraang Disyembre, “ay lalo pang dadalas at higit pang kapaha-pahamak sa hinaharap,” babala ng mga seismologo. Bakit? Gaya ng iniulat sa New Scientist, “mahigit na sangkatlo ng pinakamalaki at pinakamabilis-lumagong mga lungsod ay naroon sa mga rehiyon na may malaking seismikong panganib.” Tinataya ng mga dalubhasa na mga 600 milyon katao ang maninirahan sa mga lungsod na ito sa taóng 2035. Karamihan ng mga kamatayan dahil sa lindol ay nangyayari dahil sa pagguho ng mga gusali, at “sa maraming kaso, ang bagong mga lungsod ay naglalaan lamang ng saligang tirahan para sa mga tao, sa halip na mga gusaling lumalaban-lindol,” sabi ng ulat. “Ang mahihirap na bansa ay malamang na magdusa sa mga lindol sa hinaharap, subalit ang mayayamang bansa ay hindi rin ligtas. Kahit na ang mga gusaling pinakamahusay lumaban-sa-lindol ay maaaring gumuho.”

PUMUSYAW NA “PERLAS”

“Ang Espanya, dati-rati’y perlas ng Katolisismo,” ay hindi na isang “malakas na kuta ng relihiyosong paniniwala at paninindigan,” sabi ng pahayagang Aleman na Der Spiegel. “Nakikita ng mga kabataan ang Katolisismo bilang isa lamang tatak.” Napansin ng mga nagmamasid na ito ay naging isang sosyal na ritwal na lamang, ang ‘ornamental na balangkas’ para sa mga pangyayari sa pamilya na gaya ng kasalan at mga libing. “Kahit ang tradisyunal na mga prusisyon ng Semana Santa,” sabi ng artikulo, “ay hindi gaanong kapahayagan ng kabanalan at mas higit na isang uri ng sagradong alamat.” Ang pagbaba ay makikita sa mga estadistika. Ang pagkapari ay umuunti yamang wala pang kalahati ng mga paring namamatay ay hinahalinhan ng bagong mga ordinado. Sangkatlo lamang ng populasyon ang regular na dumadalo ng Misa o nag-aakala na ang papa ay hindi maaaring magkamali. Salungat sa turong Katoliko, karamihan ng mga babae ay gumagamit ng kontrasepsiyon, at mahigit na 100,000 mga paglalaglag o aborsiyon at 29,000 mga diborsiyo ang nangyayari taun-taon sa Espanya.

AKSIDENTE SA TAHANAN

Sa Pransiya 12,000 buhay ang nasasawi taun-taon dahil sa mga aksidente sa tahanan. Karamihan sa mga ito (70 porsiyento) ay nangyayari sa kusina, ang mga sanggol at mga bata na hanggang limang taóng gulang ang bumubuo ng pinakamapanganib na pangkat, sabi ng pahayagang Pranses na Le Figaro. Pagkahulog, paso, pagkakuryente, hindi nakahinga dahil sa plastic bags, at pagkalason buhat sa mga produktong panlinis ay itinala na kabilang sa pinakamadalas na sanhi ng mga aksidente na nauugnay-tahanan. Upang bawasan ang gayong mga panganib “ang payak subalit matatag na utos” tungkol sa kung ano ang dapat iwasan ay dapat na ibigay sa pinakabatang anak. Karagdagan pa, ang artikulo ay nagsasabi: “Hindi laging masasabi ng mga bata ang kaibhan sa pagitan ng positibo at negatibong pangungusap. Nauunawaan nila na ang isang bagay ay ipinababawal pangunahin nang sa pamamagitan ng tono ng tinig.”

HINDI ISANG NAWAWALANG KAWING

Mga 50 taon lamang ang nakalipas na ang unang nabubuhay na coelacanth ay nabingwit ng isang mangingisda. Inaakala ng mga siyentipiko na ito ay lipol na mga 80 milyong taon na, ito ay tinawag na isang “nabubuhay na fossil.” Tinawag rin itong ang “nawawalang kawing” sa pagitan ng mga isda at ng unang mga hayop sa katihan, yamang ito ay may katangian na kahawig ng mga bagà at panimulang mga paa. “Gayunman, ngayon ay may dumaraming palagay sa gitna ng ebolusyunaryong mga biologo na pinag-aralan ang nabubuhay na mga halimbawa na ang mga coelacanth ay hindi ang nawawalang kawing,” sabi ng The Washington Post. Binabanggit ng Post ang babasahing Britano na Nature na nagpapahiwatig na ang “mga katangian ng coelacanth na ipinalalagay na nauugnay sa mga hayop sa katihan ay malamang na nagkataon lamang na magkahawig . . . . Ang nabubuhay na mga coelacanth ay walang mga bagà.”

PAG-IINGAT SA KRIMEN

Sang-ayon sa estadistika ng Kagawaran ng Hustisya ng E.U., ang krimen ay lubhang nakapaligid sa Amerikanong buhay anupa’t 83 porsiyento ng populasyon ay magiging biktima ng marahas na krimen nang minsan sa kanilang buhay, at 40 porsiyento ay masasaktan sa panahon ng pagnanakaw o pagsalakay. Ano ang legal na magagawa ng karaniwang mamamayan upang ingatan ang kaniyang sarili kapag hinarang sa daan? Itinanong ng Daily News Magazine ang tanong na iyan kamakailan sa mga tao sa New York, kung saan ang krimen ay umabot ng bagong rekord noong nakaraang taon. Bagaman ang karamihan ng nakatatawang sagot ay nagsasangkot ng pagkilos nang kakatuwa, kapansin-pansin ang nailimbag na tugong ito: “Laging magdala ng maraming suplay ng Ang Bantayan.” Maliwanag ang mga Saksi ni Jehova ay gumagawa ng isang impresyon sa maraming iba’t ibang tagpo.

“ISANG PAMBANSANG PANLILINLANG”

Ang mga magulang, doktor, at mga opisyal sa paaralan sa Estados Unidos ay pawang “nalinlang ng isang panlilinlang,” ulat ng The New York Times. Kinopya nila at ipinamahagi ang mga liham, may kabulaanang ipinalalagay na autorisado ng kagawaran ng pulisya, na nagbababala sa mga magulang tungkol sa isang bagong problema sa droga sa anyo ng mga tattoo na hinaluan ng LSD. Sinasabing ipinamamahagi sa hugis ng asul na mga bituin o mga tauhan sa cartoon upang makaakit sa mga bata, ito umano’y mapanganib kahit na ang paghipo lamang dito at maaaring makamatay sa bata. “Pinag-aralan ng aming ahensiya ang isyung ito sa nakalipas na tatlong taon at nasurbey namin ang mahigit na 400 mga ahensiyang tagapagpatupad-batas.” Si William Hopkins, direktor ng Street Research Unit ng New York State Division of Substance Abuse Services ay nagsabi sa Gumising! na “Matitiyak namin . . . sa inyo na ang liham tungkol sa Blue Star LSD na ipinamahagi ay isang pambansang panlilinlang na lumilikha ng histirya sa gitna ng mga magulang.”

DUMAMI ANG PAGPAPAKAMATAY SA ITALYA

Sa katamtaman, 12 Italyano ang nagpapakamatay araw-araw, ulat ng pahayagang La Stampa. Sa nakalipas na sampung taon, ang bilang ng mga pagpapatiwakal ay dumami ng 60 porsiyento. Isa sa pinakamataas na bilang ng pagdami sa Europa. Bakit? Sang-ayon sa propesor sa sosyolohiya na si Ferrarotti, ang bilang ng mga pagpapakamatay ay tuwirang kasukat ng pagguho ng mga kaugnayang pantao. Sa lubhang makompetensiyang lipunan ngayon, ang kompetensiya sa pagitan ng mga indibiduwal, at maging sa loob ng mga pamilya, ay dumami, kadalasan nang humahantong sa masidhing kalungkutan. “Sa katunayan,” sabi ni Ferrarotti, “ang nakararaming bilang ng pagpapatiwakal ay aktuwal na tangkang mga pagpapatiwakal na di sinasadyang nauwi sa kamatayan. At ang tangkang pagpapakamatay ay talagang mga paghingi ng tulong, ng pakikipagtalastasan sa iba.” Mayroon bang anumang lunas? “Ang isa ay dapat na umasa sa . . . isang lipunan kung saan ang mga tao ay minsan pang magiging makonsiderasyon sa isa’t isa,” sabi ni Ferrarotti.

TAGUMPAY NG MGA TALUNAN

“Ang aral ay hindi mapabubulaanan: Ang tagumpay sa modernong digmaan sa wakas ay pabor sa talunan,” giit ng magasin sa E.U. na Parade. Ang patotoo? Ang Alemanya at Hapón ay kapuwa natalo sa Digmaang Pandaigdig II. Mula noon, sa mahigit na 43 taon, ang dalawang bansang ito ay nakalibre sa mga gastos ng pakikidigma at sila’y nagtagumpay sa pagpapasulong ng kani-kanilang ekonomiya. “Gayunman, ang E.U. ay nakipagbaka sa Korea, Vietnam, Cuba, Grenada, Libya at Lebanon. Sinalakay ng Unyong Sobyet ang Hungary, Czechoslovakia at Afghanistan. Ibinubo ng Pransiya ang dugo ng militar nito sa Algeria at Vietnam, at ang Gran Britaniya naman ay nakipagdigma sa Argentina dahil sa Falklands,” sabi ng Parade.

NAPAKARAMING KUNEHO

Ang mga magsasaka sa nabubukod na mga lalawigan sa Australia ay sinalakay ng gutóm ng mga kuneho na ang bilang ay angaw-angaw. Sa katunayan, mahigit na 200 milyon ng mabalahibong mga kinapal na ito ang sinasabing nagkukulumpulan sa 220,000 kilometro kuwadradong pook, kinakain ang anumang pananim sa kanilang landas. Ang mga siyentipiko ay puspusang naghahanap ng bagong mga paraan upang sawatain ang pagdami nito. Isang nakamamatay na virus na tinatawag na myxomatosis ay naging matagumpay sa pagsawata sa katulad na salot ng mga kuneho mula nang ipakilala ito 30 taon na ang nakalipas. Subalit ang kasalukuyang populasyon ng mga kuneho ay waring nakakayanan “kahit na ang pinakamabagsik na lason” ng sakit, ulat ng The Australian, isang pambansang pahayagan. Ikinatatakot ng mga siyentipiko ang “malubhang epekto sa katutubong pananim at maiilap na hayop” dahil sa katakut-takot na daluyong ng mga kuneho.

MGA SENTRONG SUMBUNGAN NG KATIWALIAN

Ang Tsina, sa pagsisikap na panatilihing responsable at tapat ang mga opisyal nito, ay nagtatayo ng mga sentrong sumbungan ng katiwalian sa ibayo ng bansa. “Ang layunin ay palakasin-loob ang karaniwang mga tao na pangasiwaan ang gawain ng gobyerno ayon sa batas, at upang bigyan ang publiko ng paraan ng paglalantad sa mga pag-abuso sa kapangyarihan ng mga kagawaran at mga opisyales ng pamahalaan, sabi ng magasing China Reconstructs. “Ang sinuman sa bansa, Intsik o banyaga, ay maaaring magtala ng reklamo.” Ang mga sentro ay nasumpungang kinakailangan sapagkat ang kasalukuyang mga pagbabago ay nagbibigay sa mga opisyales ng mga pagkakataon para sa higit pang katiwalian at masamang mga gawain. Ipinaaalam sa mga nagreklamo ang kinalalabasan ng kaso, at ang kanilang mga pangalan ay iniingatang lihim upang iwasan ang paghihiganti. Ang gayong mga sentro ay nakaiskedyul na itatag sa bawat lalawigan sa bansa sa pagtatapos ng Hunyo.

MAS MALAPIT SA DIYOS?

Ang St. Peter’s Basilica ng Roma ay malaon nang ang pinakamalaking simbahang “Kristiyano” sa daigdig. Hinahamon ito, na may 272 Doric na mga kolumna at 3 ektaryang marmol na esplanada, ay ang Our Lady of Peace of Yamoussoukro, Côte dʹIvoire. Ang basilica lamang ay 190 metro ang taas​—halos 6 na metrong mas mahaba kaysa St. Peter’s​—na may silid na maginhawang mauupuan ng 8,000 at naka-air-condition. Ang orihinal na mga plano ay humiling na taasan pa nito ang 137 metrong taas ng St. Peter’s, na ang krus ay halos 149 metro ang taas. Gayunman, sumusunod sa utos mula sa Roma, ang simbahan ay “magiging mas mababa nang kaunti kaysa 137-metrong-taas na halimbawa ng Roma,” sabi ng pahayagang Aleman na Frankfurter Allgemeine Zeitung. Samantala, sa Casablanca, Morocco, may tumataas na sinasabing ang pinakamalaking nababakurang mosque sa daigdig, na may toreng mahigit na 152 metro ang taas patungo sa langit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share