Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 9/8 p. 31
  • Ang “Klipspringers”—Tapat na Pares

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang “Klipspringers”—Tapat na Pares
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Pasipol na Wika—Pambihirang Paraan ng “Pagsasalita”
    Gumising!—2009
  • Kalugud-lugod na Duwetong Mang-aawit
    Gumising!—1999
  • Pambihirang Tambalan
    Gumising!—2005
  • “Rock Badgers”—Kaibig-ibig at Likas na Pantas
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 9/8 p. 31

Ang “Klipspringers”​—Tapat na Pares

ITO ang “klipspringers” mula sa Timog Aprika, mga miyembro ng pamilya ng antelope sa Aprika.

“Isa sa kaibig-ibig na ugali ng mga klipspringer,” ulat ni Peter Norton sa magasing African Wildlife, “ay ang pagkakaroon nito ng matibay at nagtatagal na buklod ng mga pares na tumatagal ng mga ilang taon, marahil hanggang sa mamatay ang isa sa kanila. Ang mag-asawa ay nananatiling malapit sa isa’t isa halos sa lahat ng panahon​—ipinakikita ng aking impormasyon na ginugugol nila ang 97 porsiyento ng kanilang panahon na 15 metro ang layo sa isa’t isa at 77 porsiyento na limang metro ang layo. Kapag namamahinga o natatakot, sila ay halos laging magkatabi.”

Ang mag-asawang klipspringer ay karaniwang naghahalinhinan, na ang isa ay nanginginain ng damo samantalang ang isa naman ay nagbabantay sa isang bato na parang tanod. Pagkatapos sila’y nagpapalit ng posisyon. Sabi ni Norton: “Ang lalaki ay gumugugol ng higit na panahon sa pagbabantay sa mga maninila kaysa mga babae, na nangangailangang kumain nang mas marami upang buhayin ang bilig, o paglaanan ng gatas ang kaniyang batang tupa.”

Kung ihahambing sa iba pang antelope, ang paa ng klipspringer ay pambihira at pinangyayari itong umakyat sa matatarik, makikinis na bato. Mula sa ligtas, mabatong mga dalisdis, binabalaan nito ang mga maninila ng tulad-trumpetang sipol. Ang tawag na alarma ay kadalasang isang dueto, ang sipol ng babae ay wala pang isang segundong kasunod ng sipol ng lalaki. Talagang nagbabantayan sila sa isa’t isa. Tunay na isang tapat na pares.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share