Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/8 p. 7-9
  • Digmaan—Pagharap sa Suliraning Bunga Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Digmaan—Pagharap sa Suliraning Bunga Nito
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Trauma
  • Ang Suliraning Bunga Nito
  • Paghanap ng Lunas
  • Umasa sa mga Pangako ng Diyos
  • Ang Tingin ng Diyos sa mga Digmaan Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Ang Digmaan na Tatapos sa mga Digmaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Digmaan—Ang Dagok at ang Trauma
    Gumising!—1989
  • Kung Bakit Nawala ang Pagkahibang Ko sa Digmaan
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/8 p. 7-9

Digmaan​—Pagharap sa Suliraning Bunga Nito

PAANO nahaharap ng mga taong matinding naapektuhan ng digmaan ang mga suliranin? Upang maunawaan ang paksang ito, kinapanayam ng Gumising! ang ilang biktima ng digmaan.

Si Bob Honis ay isa sa sampu-sampung libong U.S. Marines na nakipagbaka noong ikalawang digmaang pandaigdig sa digmaan ng Iwo Jima sa kanlurang Pasipiko. Ang kaniyang kuwento ay inilimbag hindi upang makasindak kundi upang ipakita na posible sa ilan na makabawi kahit na sa pinakatraumatikong mga karanasan.

Ang Trauma

“Sinimulan namin ang paglapit sa Iwo Jima ng 8:30 n.u. noong Pebrero 19, 1945. Ang malalaking kanyon ng bapor de gerang Tennessee ay nanahimik sa likuran namin, at pagkatapos ang aming sasakyang panlunsad ay niyugyog ng mga pagbomba mula sa kaaway sa pampang. Matinding mga damdamin, na handa para sa aksiyon na nasa unahan, ako’y sumigaw sa gitna ng lahat ng ingay at pagkakaingay, ‘Magtira kayo ng ilan para sa amin!’ habang sinusundan namin ang unang tropang sumasalakay.

“Nang kami’y nasa dalampasigan na, ang naaamoy ko lamang ay ang nakasusukang amoy ng pulbura, abo ng bulkan, at nasusunog na gamit. Ang aming sasakyang panlunsad ay tinamaan. Ang tsuper ay namatay agad-agad, at lahat ng aming kagamitan ay nasira.

“Hindi ko malilimutan ang tanawin ng iba pang mga marinong patay. Ang isa ay nakasubsob sa buhangin. Ang kaniyang mga botang pandigma, na walang suwelas, ay nakatali hanggang sa kaniyang tuhod, sa mga paa na dati’y bata, matatag. Tumitingin sa aking kanan habang ako ay yumuyukyok sa isang hukay, nakita ko ang isa pang marino na nakahilig pasulong na ang mga kamay ay mahigpit ang kapit sa riple sa kaniyang dibdib, walang ulo hanggang sa balikat. Nagkalat ang mga patay na marino sa dalampasigan, marami ang putol ang mga bahagi ng katawan at hindi mailarawan. Pasimula pa lamang ito.

“Noong ikalawang araw ako ay sinugo upang tingnan ang isa sa aming mga posisyon. Anong kahindik-hindik na tanawin ang sumalubong sa akin! Pinasabog ng isang bomba ang mga paa at kamay ng unang marinong nakita ko. Ang kaniyang helmet at tali sa baba at nakapuwesto pa. Ang kaniyang mga mata ay dilat, nakatitig sa unahan na para bang may malalim na iniisip. Nakakalat sa paligid na parang mga sirang laruan, ang iba pang miyembro ng tripulanteng manganganyon ay wala kundi mga piraso ng luray-luray na mga laman na nagkalat sa malambot, itim na abo ng bulkan.

“Ang patayan ay nagpatuloy hanggang noong ikatlong araw. Nang panahong iyon ang mga patay ay nagsimulang mabilis na mabulok. Ang baho ay nanaig. Ito ay nasa lahat ng dako. Hindi mo ito matatakasan.

“Pagkaraan ng apat na araw na mahigpit na labanan, noong Pebrero 23 ay naganap ang ngayo’y kilalang pagtataas ng bandilang Amerikano sa Bundok Suribachi. Sa halip ng labis na galak, ang nadama ko ay pawang kawalan ng pag-asa. Ang mga patay ay nasa lahat ng dako. Ang buhay ay para bang napakamura. Ang malupit na digmaan ay nagpatuloy hanggang noong Marso 26, nang sa wakas ang Iwo Jima ay makuha, pagkatapos ng mga linggo ng walang-tigil na patayan. Anong daming pagbububo ng dugo​—isang kabuuang 26,000 mga Amerikano at Haponés ang namatay sa isang isla na dalawampung kilometro kuwadrado lamang ang laki!

Ang Suliraning Bunga Nito

“Panahon sana ng malaking kaligayahan nang ako’y palabasin sa Marines at muling makapiling ng aking pamilya. Gayunman, sa halip, ang kinuyum ko sa loob ko ay lumalabas na ngayon​—isang nakatatakot na kahungkagan at pagkadama ng kawalang saysay.

“Ako’y walang tigil na binagabag ng mga katanungan. Kung napakamura ng buhay, ano pa ang halaga ng mabuhay? Talaga bang may isang Diyos na nagmamalasakit? Ako ba’y lagi na lamang dadalawin ng mga karanasan ko habang buhay? Kahit na pagkatapos kong pakasalan ang aking asawa, si Mary, ang pagpapahirap ay nagpatuloy. Wala akong makitang pag-asa tungkol sa isang nagtatagal, maligayang kinabukasan, kundi digmaan lamang at higit pang walang pakiramdam na pagpapatayan hanggang, sa wakas, ang pagkawasak ng lupa at ng lahat ng buhay rito.

Paghanap ng Lunas

“Di pa natatagalan pagkatapos naming makasal, kaming mag-asawa ay dinalaw ng dalawang Saksi ni Jehova. Ito ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na itanong ang ilang mapanuring tanong tungkol sa digmaan, paghihirap, at layunin sa buhay. Ang mga sagot sa aking tanong ay mabilis na nanggagaling sa Bibliya.

“Oo, mayroong maibiging Diyos na nagmamalasakit at na malapit na niyang lunasan ang lahat ng ating hirap at kalungkutan. (Awit 83:18; Apocalipsis 21:1-4) Hindi, hindi ipinahihintulot ng Diyos ang mga digmaan upang makamit ang pulitikal na mga tunguhin ng tao. (Awit 46:9; Isaias 2:4; Juan 18:36) Hindi, ang lupa ay hindi mawawasak sa isang nuklear holocaust. Ito’y mananatili magpakailanman, bilang isang paraisong tahanan para sa lahat ng nakatutugon sa mga kahilingan ng Diyos.​—Awit 37:29; Isaias 45:18; Apocalipsis 11:17, 18.

“Habang ang aking pag-aaral sa nakapagpapagalak sa pusong mga pangako ng Bibliya ay nagpatuloy, ang kahungkagan sa loob ko ay unti-unting napunan. Ako’y nagkaroon ng tiwala na ang Kaharian ng Diyos ang tanging makatotohanang paraan na magdadala ng kapayapaan at katiwasayan sa lupa. Ang digmaan ng Diyos na Armagedon ang sa wakas ay siyang mag-aalis sa lupa ng lahat ng kasamaan.​—Daniel 2:21, 22; Mateo 6:10; Apocalipsis 16:14-16.”

Umasa sa mga Pangako ng Diyos

Pinatutunayan ng iba na ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa layunin ng Diyos sa lupa at ang Kaniyang mga dahilan sa pansamantalang pagpapahintulot ng kabalakyutan ang pinakamalakas na salik sa pagtulong sa kanila na maharap ang mga naiwang trauma ng digmaan.

Hindi naman ibig sabihin nito na ang propesyonal na medikal na tulong ay hindi na kakailanganin kung minsan. Subalit ang tunay na pag-asa, salig sa maaasahang mga pangako ng Diyos sa Bibliya, ay nagbibigay ng panloob na lakas upang matiis ang malulubhang problema.

Gayumpaman, maaaring hindi ka personal na apektado ng trauma ng digmaan. Subalit baka may nakikilala ka na apektado nito. Ano ang magagawa mo upang makatulong? “Maging maunawain at patibayin-loob yaong mga nagdurusa sa ganitong paraan,” sabi ng isang biktima ng trauma ng digmaan, si Mary C  . “Tulungan sila na umasa sa hinaharap, na pag-isipan ang mga pangako ng Diyos, hindi ang nakalipas na kalunus-lunos na mga karanasan,” payo niya. Oo, maging matiyaga at mahabagin. Magbigay ng mga palugit. At sikaping tulungan sila na umasa sa hinaharap.

‘Ngunit,’ baka sabihin mo, ‘paano nga magiging lunas ang isa pang digmaan, ang Armagedon, para sa mga dumanas ng trauma ng digmaan?’ Ang Armagedon, ang digmaan ng Diyos laban sa lahat ng kasamaan, ang magiging isang digmaan na walang mga biktimang walang malay. Hindi nito lalabagin ang mga simulain ng katarungan at kabutihan. Ito ay ‘isasagawa sa katuwiran,’ kung saan ang mga balakyot lamang ang mamamatay.​—Apocalipsis 19:11; Kawikaan 2:20-22.

Ang Armagedon ay hindi magkakaroon ng kakila-kilabot na epekto, walang paulit-ulit na mga bangungot o iba pang mga sugat sa isipan. Tutuparin ng bagong sanlibutan ng Diyos ang makahulang larawan na iginuhit sa Isaias 65:17-19: “Ang mga dating bagay ay hindi na maaalaala, . . . at hindi na maririnig pa . . . ang tinig ng iyakan o ang tinig man ng pagdaing.”

Lahat ng naging mga biktima ng mamamatay-taong digmaan at karahasan, pati na ang kamatayan, ay makikinabang sa digmaang ito. (Awit 72:4, 12-14; Juan 5:28, 29) Isip-isipin ito​—ang pagsasauli ng Paraiso ng kapayapaan na orihinal na nilayon ng Diyos.

“Ang pag-asang ito na ibinibigay ng Bibliya,” sabi ni Bob Honis, “ang susi upang maharap ang mga suliranin na bunga ng digmaan. Lahat ng napinsala ng trauma ng digmaan ay maaaring makinabang sa gayong pag-asa. Ang pag-asang ito, gaya ng sinasabi ng Bibliya, ay ‘isang sinipete ng kaluluwa.’”​—Hebreo 6:19.

[Blurb sa pahina 8]

“Ang kinuyum ko sa loob ko ay lumalabas ngayon​—isang nakatatakot na kahungkagan at pagkadama ng kawalang saysay”

[Mga larawan sa pahina 7]

Papunta sa Iwo Jima, pinag-aralan namin ang mga modelo ng isla

Si Honis ay nasa kanan sa itaas

[Credit Line]

U.S.Marine Corps

[Larawan sa pahina 9]

Sina Bob at Mary Honis ngayon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share