Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 8-11
  • Droga—“Ang AIDS ng Isport”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Droga—“Ang AIDS ng Isport”
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Medisinang Olimpiks”
  • Iba’t Ibang Anyo ng “Doping”
  • Isang Malubhang Problema
  • Ang Panganib sa mga Manlalaro
  • Manalo sa Anumang Paraan—Ang Diwa ng Olimpik?
    Gumising!—1989
  • Ang mga Mithiin ng Olympic ay Nanganganib
    Gumising!—1985
  • Ang Olimpiyada sa Barcelona—Bigong Kabantugan?
    Gumising!—1993
  • Steroids—Kung Ano ang Ginagawa Nito Para sa Iyo at sa Iyo
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 8-11

Droga​—“Ang AIDS ng Isport”

“Ang steroids ay isang lumalagong banta sa ating pambansang kalusugan at kaligtasan.”​—Opisyal ng U.S. Drug Enforcement Administration

ANGAW-ANGAW na mga manonood sa Seoul Olympics ay nabigla. Ang kanilang bayani, ang manlalaro na pinakamabilis tumakbo ng 100-metrong takbuhan, ay inalisan ng kaniyang medalyang ginto, inalisan ng karapatan dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Kaya isa pang salot ang nakahawa sa isports​—ang doping, napakahirap alisin anupa’t ito’y binansagang “ang AIDS ng isport.”

“Ang Medisinang Olimpiks”

Wari bang pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na ang ilang manlalaro ay nagsimulang gumamit ng mga droga sa isports. Gayunman, ngayon, sang-ayon sa mga dalubhasa, ang paggamit ng mga droga sa gitna ng mga manlalaro ay napakalaganap anupa’t kailangan nito “ang masalimuot at magastos na mga organisasyon, na karaniwang tatag ng mga pederasyon ng isports mismo, taglay ang malinaw na layunin na magtamo ng prestihiyosong mga resulta, na umaakit ng mga tagapagtaguyod, kumikita ng salapi, nagtatamo ng kapangyarihan.” Ang palatandaan ay napakalaganap anupa’t ang Corriere Medico, isang medikal na babasahin ng Italya, ay tinawag ang laro noong 1984 sa Los Angeles na “ang Medisinang Olimpiks.”

Sa katunayan, ang paggamit ng mga droga at iba pang ipinagbabawal na mga terapi upang magkaroon, sa di-makatuwirang paraan, ng kalamangan ay sumasalot sa maraming isports sa lahat ng bansa. Ang bawat bansa ay nagnanais na higitan ang iba, kaya walang nagnanais na huminto sa pagbibigay ng droga sa mga manlalaro. Sa isang napapanahong paraan, tinukoy ng Parlamentong Europeo na “ang ambisyosong mga inaasahan at ang madalas na mga laro ay nagpapangyari sa isang manlalaro na pasailalim ng panggigipit anupa’t sumisidhi ang tukso na gumamit ng humigit-kumulang legal na paraan upang panatilihin ang mabuting katatagan ng katawan at isipan. Tumitindi rin ang panggigipit sa bagay na ang mga tagasanay sa isports ay may ilang pag-aalinlangan.” Ang “doping” ay isinasagawa pa nga sa mga batang lalaki.

Iba’t Ibang Anyo ng “Doping”

Iba’t ibang anyo ng “doping” ang umiiral. Halimbawa:

Steroids, ang drogang nasangkot sa kung ano ang tinatawag na “pinakagrabeng pangyayari sa kasaysayan ng Olimpik,” ang pag-aalis ng karapatan sa mayhawak ng rekord ng 100-metro takbuhan sa Seoul, si Ben Johnson. Ang mga ito ay mga sangkap na, sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa produksiyon ng mga amino acid, ay nakatutulong sa paglaki at paglakas ng kalamnan gayundin ng higit na pagkaagresibo. Halimbawa, sinasabing ang lahat ng mga rekord na naitala sa weight-lifting sa nakalipas na sampung taon ay maipalalagay sa paggamit ng mga sangkap na ito.

Stimulants, gaya ng caffeine at strychnine, na ginagamit upang maging higit na alisto at iantala ang pagod.

Narcotic analgesics, upang sugpuin ang kirot at maging kalmante.

Beta blockers, mga sangkap na, sa pamamagitan ng pagpapabagal sa tibok ng puso at pagpapakalma sa katawan, ay ginagamit lalo na ng mga mámamanà at mga mamamaril.

Diuretics, para sa mabilis na pagpapapayat at sa pagkukubli sa pagkanaroroon ng iba pang ipinagbabawal na mga sangkap sa panahon na ginagawa ang pagsubok.

Ilan lamang ito sa kilalang mga sangkap na ginagamit sa “doping,” subalit ang International Olympic Committee ay gumawa ng listahan ng halos isang daang ipinagbabawal na droga. Ang problema nga lang ay na kapag ang isa sa mga ito ay ipinagbawal o kaya’y nakagawa ng mga paraan upang matunton ang pagkanaroroon nito, ang buong pangkat ng mga doktor at mga kemiko ay nagtatrabaho upang gumawa ng iba pang droga.

Gayunman, may iba pang paraan kung saan sinisikap ng mga manlalaro na pagbutihin ang kanilang pagganap sa madayang paraan. Upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa tubig, ang ilang manlalangoy ay pinupuno ang kanilang mga bituka ng gas na helium.

Inamin ng maraming manlalaro na sila ay tumanggap ng mga pagsasalin ng dugo upang pagbutihin ang kanilang pagtitiis. Sang-ayon sa iba, sa pamamagitan ng pagsasalin ng kanila mismong pulang selula ng dugo, na kinuha sa kanila, ang daloy ng oksiheno sa lahat ng bahagi ng katawan, pati na sa kalamnan, ay bumuti.

Isiniwalat kamakailan ng mga pinagkukunan ng balita na ang ilang mga manlalarong babae ay ginagamit ang pagdadalang-tao bilang isang anyo ng “doping.” Ang mga babaing nagdadalang-tao ay dumaranas ng pagdami ng dugo, at ito naman ay naghahatid ng mas maraming oksiheno sa kalamnan. Ang ibang manlalarong babae, lalo na yaong nakikibahagi sa isports kung saan kinakailangan ang malaking pisikal na lakas, ay sinasamantala ang panimulang mga yugto ng pagdadalang-tao upang pagbutihin ang kanilang pagganap. Pagkatapos ng laro, sila ay nagpapalaglag.

Isang Malubhang Problema

Subalit gaano kalaganap ang problema? Kung hahatulan ang pambihirang mga pangyayari kung saan ang mga manlalaro ay naalisan ng karapatan dahil sa paggamit ng mga droga, baka isipin ng ilang mga tagahanga na maliit na porsiyento lamang ng mga manlalaro ang bumabaling sa “doping,” at tiyak na ang kanilang mga idolo ay hindi gagawa ng gayong bagay. Subalit nakikita niyaong pamilyar na sa daigdig ng isports ang mga bagay na kakaiba.

“Ang paggamit ng mga anabolic ay mas malaganap kaysa karaniwang akala,” sabi ng isang dating discus thrower mula sa Italya. At sang-ayon kay Propesor Silvio Garattini, isang dalubhasa sa parmakolohiya, ang problema tungkol sa “doping” ay malamang na mas malala kaysa inaakala. Sang-ayon sa ilang pinagmumulan, 50 porsiyento ng mas malalaking katawan na mga manlalaro ay gumagamit ng ipinagbabawal na mga sangkap.

Ang Panganib sa mga Manlalaro

Subalit ang problema ng doping ay hindi lamang sa bagay na ang mas mabuting pagganap ay maaaring tamuhin sa madayang paraan. Ang manlalaro ngayon, at lalo na ang isa na gumagamit ng droga, ay bahagi ng mas malaki, bagaman natatagong, pangkat, na kinabibilangan ng mga doktor na nakarereseta ng ipinagbabawal na mga sangkap kung kinakailangan. Gayunman, ang manlalaro ang nagbabayad ng mga kahihinatnan​—ang kahihiyan na masumpungan o alisan ng karapatan at, higit sa lahat, ang malalang panganib sa kalusugan.

Pinaniniwalaang maaaring sirain ng anabolic steroids ang atay at ang cardiovascular na sistema gayundin gumawa ng iba’t iba pang pangalawang epekto sa katawan. Ang mga droga ring ito ang may pananagutan sa pinsala sa urogenital na sistema, at sa marahas na personalidad ng ilang manlalaro.

Ang pag-abuso sa ibang droga, gaya ng mga stimulant, ay lumilikha ng “kalituhan, pagkaumaasa sa lason, mga nakikitang guniguni.” Kung tungkol naman sa pagsasalin ng dugo, binabanggit ng siyentipikong babasahin na Doctor na ang pagpapasok ng sariling pulang mga selula ng dugo ay mapanganib. Isa na rito ay ang “labis na pagkakarga at pagbabawas ng daloy ng dugo sa ilang dako na dahil sa lubhang paglapot ng dugo” at ang pagdami ng iron “na may negatibong resulta sa parenchyma (ng atay, bato, puso, endocrine glands, atb.).”

Ang mga biktima ng doping, sa paano man yaong mga kilala, ay marami. Ang ilan sa kilalang mga kaso ay yaong siklistang Danes na si Jensen, na namatay noong 1960 sa Olimpiks sa Roma; ang Britanong siklistang si Tom Simpson, na namatay noong 1967 Tour de France; ang Olandes na medya-distansiyang mananakbo na si Augustinus Jaspers, na namatay pagkatapos na pagkatapos ng takbuhan sa Olimpiks sa Los Angeles noong 1984; ang taga-Kanlurang Alemanyang si Birgit Dressel, isang manlalaro sa pitong laro na namatay, ay nalason ng mga gamot na inireseta sa kaniya sa loob ng mga taon ng isang doktor sa isports.

“Ang isports ay walang habag,” sabi ni Carl Lewis, ilang beses na kampeon ng Olimpik. “Ang doping ay sumawi na ng mga biktima nito. Nalalaman ito ng mga tagapag-organisa gayunma’y wala silang sinasabi tungkol dito.”

Gayunman, kahit na batid nila ang nakababahalang mga katotohanang ito, paano sinasagot ng mga manlalaro ang tanong na: “Kung mabibigyan kita ng isang gamot na gagawa sa iyong maging isang kampeon sa Olimpik subalit papatay naman sa iyo sa loob ng isang taon, kukunin mo ba ito?” Sa mga manlalaro ng E.U. na kinapanayam, 50 porsiyento ang nagsabi ng oo. At ang kasagutan ring ito ang malamang na ibibigay ng maraming manlalaro sa iba pang bahagi ng daigdig.

Maaasahan kayang magtagumpay ang mga hakbang laban sa droga sa pagsawata sa salot na ito? Bueno, sang-ayon sa mga eksperto, iilang mga sentro ang nasasangkapan upang gawin ang wastong pagsubok, at ang mga pagsubok mismo ay masyadong magastos. At, ang mga resulta ng pagsubok ay kadalasang pinapalsipika. Isa pa, sa kabila ng natamo sa Olimpiks sa Korea kamakailan, ang bagong mga paraan sa doping ay laging isang hakbang na adelantado sa mga paraan ng pagtuklas dito. Gayunman, may mabuting dahilan na umasang ang doping at ang karahasan sa isports ay magwawakas.

[Blurb sa pahina 9]

“Kung mabibigyan kita ng isang gamot na gagawa sa iyong maging isang kampeon sa Olimpik subalit papatay naman sa iyo sa loob ng isang taon, kukunin mo ba ito?” Sa mga manlalaro ng E.U. na kinapanayam, 50 porsiyento ang nagsabi ng oo

[Blurb sa pahina 10]

Sa Unyong Sobyet, 290 mga manlalaro at mga tagasanay ang pinagmulta dahil sa paggamit ng droga sa pagitan ng 1986 at 1988.​—Leninskoye Znamya, isang magasing Sobyet

[Blurb sa pahina 11]

“Ang mga manlalarong gumagamit ng steroids ay nagiging mabangis at agresibo.”​—Dr. Robert Voy, punong opisyal sa medisina ng U.S. Olympic Committee

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share