Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 1/8 p. 26-27
  • “The New Welsh Bible”—Lalo Kayang Mahusay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “The New Welsh Bible”—Lalo Kayang Mahusay?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Aklat na Nagligtas ng Isang Wika
  • Isang Mahalagang Bagay na Hindi Nailigtas
  • Pinupuri ng mga Welsh si Jehova
  • Pinahahalagahan Mo ba ang Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Jehova
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • A4 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • A4 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 1/8 p. 26-27

“The New Welsh Bible”​—Lalo Kayang Mahusay?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Britanya

“Ang layunin ay, hindi upang halinhan ng Y Beibl Cymraeg Newydd [The New Welsh Bible] ang William Morgan Bible [itaas], kundi upang magkaroon ito ng dako sa tabi ng sinundan nitong klasiko,” sabi ng Bible Society. Sino si William Morgan, at ano ang maaaring sabihin tungkol sa wikang Welsh at sa mga pagsasaling ito ng Bibliya?

ANG Wales, isang nakagagalak-pusong bulubunduking lupain ng mga 21,000 kilometro kuwadrado na umaalsang pakanluran mula sa hangganan ng Inglatiyera, ay may dalawang opisyal na wika, Welsh at Ingles. Ang Welsh, mas matanda kaysa Ingles, ay isang sinaunang wikang halaw sa sangang Celtic ng Indo-Europeong pamilya ng mga wika. Sa ngayon, ang populasyon ng bansa ay wala pang tatlong milyong katao, ngunit 1 lamang sa 4 ang nagsasalita ng Welsh. Gayumpaman, sapol lamang noong ika-16 na siglo sila nagkaroon ng Bibliya sa Welsh.

Ang Aklat na Nagligtas ng Isang Wika

Ang pagsasalin sa Welsh ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay natapos noong 1567. Ito pangunahin na’y gawa ng dalawang iskolar, sina William Salesbury at Richard Davies, lakip ang pagsasalin ni Thomas Huet ng aklat ng Apocalipsis. Nang dakong huli, nirebisa ni William Morgan, isang iskolar ng Hebreo, Griego, at Latin, ang kanilang mga pagsasalin, at idinagdag ang kaniyang isinaling Hebreong Kasulatan. Sa wakas ang buong Bibliya ay inilathala noong 1588, at sa pamamagitan nito, ang tunguhin ‘na makaigib ang bawat mamamayang Welsh ng katotohanan ng mga Kasulatan sa mismong bukal sa kaniyang sariling wika’ ay natupad.​—Wales—​A History, ni Wynford Vaughan-Thomas

Pagkatapos ng paglalathala ng Ingles na King James Version noong 1611, may mga pagbabagong ginawa ang humalili kay Morgan, si Richard Parry, na ang edisyon ay ginagamit hanggang sa panahong kasalukuyan. Subalit gaya ng pagkasabi ng The Bible in Wales: “Ipinagkait ng Bibliya ni Parry sa mga mamamayang Welsh ang ilang kabutihan ng pagkasalin ng iskolar na si Morgan.”

Ang pagsasalin ni William Morgan ay isang kahanga-hangang tagumpay. Pinatunayan rin niya ang kaniyang sarili na isang dalubhasa sa prosa. Bagaman wala siyang parisan, yamang halos walang anupaman, liban sa mga tulain, ang napasulat sa wikang Welsh nang panahong iyon. Ang kaniyang masigla, kagalang-galang na istilo at kakinisan ng parirala ay nagsilbing isang pamantayan, kapuwa sa prosa at pananalita, para sa mga mamamayang Welsh na nakaagwanta na ng may 400 taon. Subalit higit pa ang nagawa riyan. “Kung may isa mang aklat na nagligtas ng isang wika,” sabi ng Welsh na historyador na si Wynford Vaughan-Thomas, “ang aklat na iyon ay ang Bibliya sa Welsh.”

Isang Mahalagang Bagay na Hindi Nailigtas

Upang ipagdiwang ang ika-400 na anibersaryo ng Welsh Bible, isang bagong pagsasalin ang lumabas noong 1988, ang katapusan ng 25 taon ng paggawa. Ano ang ilan sa mga katangian nito, at paano ito nakakahawig ng Bibliya ni William Morgan?

Ang Welsh, gaya ng iba pang mga wika, ay nagbago at naging maygulang sa loob ng mga daan-daang taon. Maaasahan kung gayon, na ang Y Beibl Cymraeg Newydd ay masusulat sa “idyomatikong Welsh, nauunawaan ng mga mambabasa sa huling bahagi ng ika-20 siglo.” Ang pag-asa na “ang bagong pagsasaling ito ay magdadala ng isang sariwang kaunawaan sa Salita ng Diyos at aakayin nito ang mga mamamayan ng Wales sa isang bagong kamalayan ng mensahe nito” ay isang dakilang layunin. Gayumpaman, ano naman ang masasabi tungkol sa pag-aangkin na “ang pangunahing layunin ng mga tagapagsalin ay upang maisalin para maihatid, nang tumpak at tapat hanggat maaari, ang kahulugan ng mga orihinal na teksto”? Gaano katotoo ang pag-aangking iyan?

Sa Hebreong Kasulatan, ang pangalan ng Diyos ay lumilitaw sa anyo ng Tetragrammaton, יהוה, na sa Welsh ay isinasalin bilang Jehofa, o Jehofah. Nang tanungin kung anong patakaran ang susundin ng Y Beibl Cymraeg Newydd sa pagsasalin nito sa Tetragrammaton, tumugon ang komite ng pagsasalin: “Tungkol sa Jehofah, ito ay isang artipisyal na pangalan! . . . Ito [ang Jehofah] ay maaaring may maharlikang tunog, subalit hindi ito katumbas ng anuman sa orihinal na wika ng Bibliya . . . Ang salita [Tetragrammaton] ay maaaring nasa Bibliya nang mahigit sa pitong libong beses, subalit sa tuwina ang pagkasambit ng mga Judio ay (ang) PANGINOON.” Kaya, palibhasa’y maliwanag na tradisyong Judio ang kanilang sinunod, hindi nila isinalin ang personal na pangalan ng Diyos kundi hinalinhan ito ng ARGLWYDD (PANGINOON). Bagaman ang mga tagapagsalin ay gumawa ng kataliwasan sa paggamit ng Jehofah, sa kanilang “Panimulang Salita sa Lumang Tipan,” kanilang inamin na may isa pang “tradisyonal na paraan ng pagsasalin ng banal na pangalan . . . Yahweh.” Bakit, kung gayon, hindi nila ginamit kahit iyon?

Sabi ng The New English Bible sa isang talababa sa Exodo 3:​15: “Ang Hebreong mga katinig ay YHWH, marahil ay sinasambit na Yahweh, subalit ang kinagisnang pagbasa ay Jehovah.” Sa makabagong New Jerusalem Bible, ang Tetragrammaton ay isinaling “Yahweh” sapagkat katulad ng inamin ng Paunang Salita ng Patnugot nito: “Ang pagsasabing ‘Ang Panginoon ay Diyos’ ay tunay na isang tautology [di-kinakailangang pag-uulit], subalit ang pagsasabing ‘Si Yahweh ang Diyos’ ay hindi.” Gayumpaman, ganito ang ginawa ng Y Beibl Cymraeg Newydd nang isinalin nito, halimbawa, ang talata 3 ng Awit 100 bilang “Gwybyddwch mai’r ARGLWYDD sydd Dduw [“Alamin na ang PANGINOON ay Diyos”].”

Bagaman sinabi ng komite ng pagsasalin ng Y Beibl Cymraeg Newydd na ang kanilang patakaran na “ang Banal na Pangalan sa Lumang Tipan . . . ay lilitaw bilang PANGINOON,” kataka-takang hindi gayon sa tuwina. Sa Exodo 17:​15, ang kanilang teksto ay kababasahan “Jehofa-Nissi” (“Si Jehova Ang Aking Hudyat [Poste],”) at sa Barnwyr (Hukom) 6:​24, “Jehofa-shalom” (“Si Jehova ay Kapayapaan”). Subalit, para sa kahawig na mga pagpapahayag na gumagamit ng banal na pangalan, tulad ng “Jehovah-jireh” (“Titiyakin [Ito] ni Jehova; Si Jehova ay Maglalaan”) sa Genesis 22:​14, lumilitaw ang “ARGLWYDD,” na walang anumang paliwanag.

Bilang kabaligtaran ng di-pagkakatugma-tugmang ito sa Y Beibl Cymraeg Newydd, naunawaan ng Hebreong iskolar na si William Morgan na ang Tetragrammaton ay nagpapakilala ng personalidad. Ginamit niya ang pangalang Jehofa, halimbawa, sa Exodo 6:​2, 3 at Awit 83:18. Kawili-wiling malaman, rin, ang kaniyang paggamit sa pinaikling anyo ng banal na pangalan, Jah, sa kaniyang pagsasaling “Halelu-Jah” (“Purihin si Jah, ninyong mga bayan”) sa Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Gweledigaeth Ioan (Apocalipsis) 19:​1, 3, 4, at Apoc 19:6.

Pinupuri ng mga Welsh si Jehova

Sa kaniyang kamatayan noong 1604, si William Morgan ay baon pa rin sa utang dahil sa paglalathala ng kaniyang bagong salin ng Bibliya, subalit ang kaniyang layunin ay natamo. Maraming salamat sa kaniyang dalubhasang kakayahan at maibiging pagpapagal, ang Bibliya ay naging isang mayamang pamana para sa mga relihiyosong mamamayan ng Wales.

Sa ngayon, ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos na Jehova ay ipinangangaral sa Wales ng mga 6,500 na mga Saksi ni Jehova, na bumubuo ng mahigit na mga 80 kongregasyon doon. Para sa mga tao na nahihirapan sa wikang Ingles, ilang mga pantulong sa pag-aaral na inilathala ng Watch Tower Society ay makukuha rin sa Welsh. Kaya sa tulong ng anumang salin ng Bibliya na mayroon, ang pangalan ni Jehova at ang kaniyang layunin ay ipinamamalita at pinahahalagahan sa buong Prinsipalidad ng Wales ng kaniyang mga tapat na Saksi.​—Isaias 43:​10-12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share