Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Kumain Tayo ng Balinghoy!
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Diborsiyo Habang binabasa ko “Ang Pangmalas ng Bibliya . . . Anong Uri ng Diborsiyo ang Kinapopootan ng Diyos?” (Pebrero 8, 1994), ako ay talagang naantig. Dahil sa kadidiborsiyo ko lamang kamakailan pagkatapos ng 20 taóng kasal sa isang di-tapat na asawa, natanto ko na hindi kinapopootan ni Jehova ang aking pasiya na makipagdiborsiyo at hindi ako dapat makadama ng pagkakasala. Totoo, ang panlulumo, kalungkutan, at pagkadama ng pagkakasala ay maaaring “lumitaw mula sa kung saan.” Subalit ang panahon at pagtitiwala kay Jehova ang nagpapagaling na mga salik.

B. M., Estados Unidos

Sa buong panahon ng aking pag-aasawa ang aking asawang lalaki ay totoong salungat sa aking pagiging isang Saksi ni Jehova. Sa dakong huli nakisama siya sa kaniyang girlfriend at nagsampa ng diborsiyo. Totoong nadama ko na ang Diyos ang ‘tumawag [sa akin] sa kapayapaan.’ (1 Corinto 7:15) Ang pakikipaghiwalay ay nakasira ng loob ng aking mga anak, at maraming ulit sa loob ng mga taon, nabasa ko ang Malakias 2:16 at nag-iisip ako kung tama ang ginawa ko. Natulungan ako ng inyong artikulo na magtamo ng isang timbang na pangmalas sa kasulatang ito.

J. C., Estados Unidos

Paglipat Hindi ko masabi sa inyo kung anong laki ng aking pasasalamat na aking natanggap ang mga artikulo ninyo sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” tungkol sa paglipat. (Pebrero 22, 1994, at Marso 8, 1994) Ako’y 16 na taóng-gulang at halos lalayo na nang husto sa lahat ng aking pinakamalalapit na kaibigan. Gabi-gabi ay umiiyak ako, umaasa na sana’y may ilang paraan upang makapanatili ako. Pagkatapos ay nabasa ko ang inyong mga artikulo. Nagpasiya ako na tingnan ang mas positibong panig ng paglipat. Bagaman nalulungkot pa rin ako dahil sa paglipat, malaki na ang naisulong ng aking saloobin.

A. D., Estados Unidos

Ang mga artikulo ang talagang kailangan ko. Ang pinakamabuting payo ay patuloy na lumakad nang maayos sa gayunding kinagawian kung ang pag-uusapan ay espirituwal na mga bagay. Kailangang mabatid ko na saanman ako mapunta, si Jehova ay laging naroroon. Kaya bakit hindi siya kilalanin nang mas malalim sa pamamagitan ng masikhay na personal na pag-aaral? Ang paggawa ng gayon ay isang malaking bahagi ng paglipat ko sa aking bagong bahay.

T. T., Estados Unidos

Kamangmangan Malimit na ibig ko kayong sulatan at pasalamatan pagkatapos na mabasa ang ilang kawili-wiling artikulo. Subalit ang seryeng “Paglaya sa Kamangmangan” (Pebrero 22, 1994) ang sa wakas nakakumbinsi sa akin na gawin ito. Sa susunod na linggo ay magsisimula akong makipag-aral ng Bibliya sa isang babae na hindi marunong bumasa o sumulat. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ito, pero ngayon ay alam ko na, salamat sa mga artikulong ito. Dumating ang mga ito sa tamang panahon!

M. A. C., Italya

Mga Lungsod Ako’y 17-taóng-gulang at ginugol ko ang unang 14 na taon ng aking buhay sa New York City. Kaya talagang nasiyahan ako sa inyong mga artikulo tungkol sa malalaking lungsod. (Enero 8, 1994) Nagustuhan ko ang mapanghamon na mga pagsusulit na laman nito.

S. H., Estados Unidos

Balinghoy Ang artikulo na “Kumain Tayo ng Balinghoy!” (Nobyembre 8, 1993) ay totoong kawili-wili. Bilang isang taga-Nigeria, isa ako sa milyun-milyong Aprikano na lubusang nasisiyahan sa balinghoy, lalo na sa foofoo at gari. Sa katunayan, maipahahayag ko ang pasasalamat sa ating Maylikha dahil sa pagkamadaling makuha ng balinghoy para sa amin. Kung wala ito, milyun-milyong Aprikano ang mamamatay.

O. N. Y. I., Nigeria

Malakas-loob na Misyonero Ako’y talagang naantig ng karanasan ni Annama Abraham sa kaniyang salaysay sa “Pananagumpay sa mga Hamon sa Buhay sa Timog Asia.” (Enero 22, 1994) Namatay ang kaniyang mahal na asawa subalit nagpatuloy pa rin siya sa paglilingkod kay Jehova nang may katapatan. Ibig kong iparating sa kaniya kung gaano ako napatibay ng kaniyang karanasan sa buhay.

I. I. C. S., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share