Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 2/22 p. 3
  • Pagsisiwalat ng mga Lihim Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsisiwalat ng mga Lihim Nito
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Pagharap sa mga Hamon ng Menopause
    Gumising!—2013
  • Pagharap sa Ménopós
    Gumising!—1995
  • Pagkakaroon ng Higit na Pagkaunawa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 2/22 p. 3

Pagsisiwalat ng mga Lihim Nito

HABANG nagkakaedad ang mga babae, ang ménopós ay isang pangyayari sa kanilang buhay. Gayunman, ito ay lubhang hindi nauunawaan. Ayon sa aklat na The Silent Passage​—Menopause, ang mga dalubhasa sa pagpapaanak noong ika-19 na siglo ay naniniwala na ang ménopós “ay lubhang nakaaapekto sa sistema nerbiyosa ng babae at nagkakait sa mga babae ng kanilang personal na kagandahan.”

Ang gayong maling idea ay nananatili. Bunga nito, maraming babae ang natatakot at nangangamba tungkol sa pagdating ng ménopós. Ang pagtatagumpay sa sikolohikal na mga problemang nauugnay rito ay tinukoy bilang “isa sa pinakamahirap na atas sa buhay ng isang babae,” sa aklat na Natural Menopause​—The Complete Guide to a Woman’s Most Misunderstood Passage.

Sa mga lipunan kung saan labis ang pagdiriin sa pagiging bata at mukhang bata, ang pagdating ng mga sintoma ng ménopós ay maaaring magpahiwatig ng isang maling idea: isang biglang wakas ng kabataan at ang pasimula ng pagtanda. Sa gayon, kinatatakutan ng ilang babae ang ménopós sapagkat waring kinakatawan nito ang pasimula ng isang bago, hindi gaanong kaayaayang yugto ng buhay. Minalas pa nga ito ng ilan bilang “bahagyang kamatayan.”

Ang modernong kababaihan ay hindi kailangang pahirapan ng kawalang-alam habang dumaraan sila sa yugtong ito ng buhay. Ang mga lihim ng ménopós ay isinisiwalat. Higit na pananaliksik ang ginagawa, at pinasusulong ang mga paggamot upang gawing madali ang pagbabagong ito ng kalagayan. Ang mga magasin, pahayagan, at mga aklat ay nagtutuon ng pansin sa paksang ito, nagbibigay ng mga paliwanag sa mga tanong na dati-rati’y nahihiyang itanong ng ilan. Ang medikal na propesyon din naman ay higit na nakababatid tungkol sa mga problemang nakakaharap ng mga babae.

Bakit ang pagtutuon ng lahat ng pansin sa paksang ito? Sapagkat ang higit na pagkaunawa sa ménopós ay makaaalis sa mga pangamba, pamahiin, at mga kabiguan na nararanasan ng maraming babae. Ang mga babae sa maraming bansa ay nabubuhay nang mas mahaba, at nais nilang wakasan kung ano ang sa wari’y isang sadyang katahimikan tungkol sa paksang ito at magkaroon ng kabatiran tungkol dito. Nais nila ng madaling maunawaan, prangkang mga sagot. Makatuwiran naman, yamang marami sa kanila ay may mahigit na sangkatlo pa ng kanilang buhay na ipamumuhay pagkatapos ng ménopós.

Hinuhulaan ng demograpikong mga padron sa Estados Unidos ang 50-porsiyentong pagsulong sa susunod na dekada sa bilang ng mga babaing nasa edad ng pagmeménopós. Nais malaman ng mga babaing iyon ang tungkol sa mga panganib sa kalusugan, mga pag-iinit ng katawan (tinatawag ding mga hot flush), ang mga sumpong, ang mga kahirapan, at ang pisikal at emosyonal na mga pagbabago. Bakit nangyayari ang mga bagay na ito? Ang mabungang buhay ba ng isang babae ay natatapos sa ménopós? Binabago ba ng ménopós ang personalidad ng isang babae? Susuriin ng sumusunod na mga artikulo ang mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share