Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 3/22 p. 3-4
  • Pag-unawa sa Henetiko ng Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-unawa sa Henetiko ng Tao
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pagkalaki-laking Atas
  • Kung Paanong Ikaw ay Nagiging “Ikaw”
    Gumising!—1995
  • Pag-isipan ang Ebidensiya
    Gumising!—2011
  • Aling Pananaw ang Mas Makatuwiran?
    Gumising!—2011
  • Ang Iyong Kinabukasan—Ano Kaya Ito?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 3/22 p. 3-4

Pag-unawa sa Henetiko ng Tao

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

“ANG unang ‘malaking [proyekto] ng siyensiya’ sa biyolohiya,” ikaanim sa “pitong kababalaghan ng modernong daigdig”​—ito kapuwa ay mga paglalarawan sa Human Genome Project, isang internasyonal na pagsisikap upang maunawaan ang tao! Ano ba ang isang genome? Ito ang kabuuang bilang ng iyong henetikong kayarian, isang bahagi na namana mo buhat sa iyong ama at ang isang bahagi naman ay buhat sa iyong ina subalit ngayo’y natatanging iyo na.

Binansagan ng mga dalubhasa sa henetiko na sina Sir Walter Bodmer at Robin McKie ang proyektong genome na “ang Aklat ng Tao.” Subalit ang pagbasa rito ay hindi madaling atas. “Ang mas mahalagang kalipunan ng mga aklat ng tagubilin ay hindi kailanman masusumpungan ng mga tao,” sabi ni James Watson, isa sa mga siyentipiko na binigyan ng kredito sa pagtuklas sa kayarian ng ngayo’y kilalang molekula ng DNA. “Nang sa wakas ay mabigyan ng interpretasyon,” aniya, “ang henetikong mga mensahe na nakakodigo sa loob ng ating mga molekula ng DNA ay maglalaan ng ultimong mga kasagutan sa kemikal na mga kaugnayan sa pag-iral ng tao.”

Katulad sa anumang malaki at magastos na proyekto sa siyensiya, ang Human Genome Project ay may mga naniniwala at mga nag-aalinlangan. “Ang Proyektong Genome ay maaaring maging ang ultimong paglabag sa pribadong buhay ng isa,” babala ng manunulat sa siyensiya na si Joel Davis, “o maaari itong maging isang pambihirang pintuan tungo sa panibagong buhay, sa kalusugan, sa paggaling.” Subalit anuman ang maisakatuparan nito, siya’y naniniwala na “babaguhin nitong lubha ang larangan ng henetiko” at na “ganap na muling-huhubugin nito ang kalikasan ng mga Homo sapien.” Noon pa mang 1989, si George Cahill, isang bise presidente sa Howard Hughes Medical Institute, ay positibo. “Ang pag-unawa sa genome ng tao ay magsasabi sa atin ng lahat ng bagay,” aniya. “Ang ebolusyon, sakit, ang lahat ay ibabatay sa kung ano ang nasa loob ng kahanga-hangang pangkat na iyon na tinatawag na DNA.”

Isang Pagkalaki-laking Atas

Noong 1988 isang internasyonal na pangkat ng mga siyentipiko ang nagtatag ng HUGO (Human Genome Organization) upang pagtugmain ang mga gawa ng mga mananaliksik ng genome sa nakikibahaging mga bansa. Taglay ang badyet na humigit-kumulang $3.5 bilyon, ipinadadala ng HUGO ang kanilang mga resulta sa isang computer data base. Bagaman nababasa na ngayon ng computer ang libu-libong bahagi nito araw-araw, gayon na lamang kasalimuot ang genome anupat hindi inaasahan ng mga siyentipiko na makompleto ang pag-unawa rito hanggang sa ika-21 siglo. Tinataya ng magasing Scientific American na kung ang genome ay ilalathala sa anyong aklat, gugugol ka ng “sangkatlo ng buong buhay” mo upang mabasa ito.

Pagkatapos ng maraming pagtatalo ang mga siyentipiko ay nagpasiya sa sumusunod na estratehiya. Una, binabalak nilang ayusin ang genome upang hanapin ang posisyon ng 100,000 gene. Pagkatapos, sa pamamagitan ng isang proseso na kilala bilang pag-aayos sa genome nang sunud-sunod, inaasahan nilang matutuklasan ang kaayusan ng mga building block na gumagawa sa bawat gene na ito. Ang kanilang pangwakas na tunguhin ay pagsunud-sunurin ang iba pang 95 hanggang 98 porsiyento ng ating henetikong materyal.

Isisiwalat kaya ng pagsasakatuparan ng tunguhing ito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa buhay ng tao? Ang genome ba ay naglalaman ng ‘pinakamahalagang kalipunan ng mga aklat ng tagubilin’ na kailanma’y natuklasan ng tao? Ang Human Genome Project ba ay nangangahulugan ng lunas para sa lahat ng karamdaman ng tao? Isinasaalang-alang ng sumusunod na mga artikulo ang mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share