Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/22 p. 15
  • “Kung Mababago Ko ang Isang Sandali ng Panahon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Kung Mababago Ko ang Isang Sandali ng Panahon”
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Si Jesus ay Nagliligtas—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Bakit Namamatay ang mga Tao?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Bakit May Kasamaan at Pagdurusa?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Kung Bakit Nagpapatuloy ang Digmaan at Kaguluhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2025
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/22 p. 15

“Kung Mababago Ko ang Isang Sandali ng Panahon”

ANG mga estudyante sa isang paaralan sa California, E.U.A., ay hiniling na sumulat ng isang sanaysay tungkol sa nabanggit na paksa. Isa sa mga finalist sa timpalak sa sanaysay ay si Eric, isang 11-taóng-gulang na anak ng isang pamilya ng mga Saksi ni Jehova. Kinatha niya mismo ang sumusunod na salig-Bibliyang sanaysay.

“Ang Digmaang Pandaigdig II ay isang nakamamatay na digmaan. Maraming walang-malay na tao ang namatay. Subalit ang sandali ng panahong napili kong baguhin ay hindi sana nangyari ang digmaang ito at sa gayo’y hindi napasulat sa mga aklat ng kasaysayan. Isip-isipin ang tungkol sa pataksil na pagpatay kay John F. Kennedy. Ang taong ito ay namatay sa kahindik-hindik na paraan, subalit ang sandali ng panahong napili kong baguhin ay hindi rin sana ito nangyari at hindi rin napaulat sa mga aklat ng kasaysayan. Si Martin Luther King, Jr., ay namatay noong 1968 dahil sa pagsisikap na baguhin ang pag-iisip ng daigdig, subalit ang sandaling napili ko ay paaagahin din ang petsang ito. Kung mababago ko ang sandaling ito ng panahon, ang daigdig ay magiging iba, ang lahat ng bagay gaya ng nalalaman natin ay mababago, at ang lahat ng bagay, pati na ang mga panahon at tao, ay magiging iba. Ang panahong iyon sa takbo ng kasaysayan ay nagbago na gumawa sa daigdig na gaya ng pagkakilala natin dito ngayon​—nakamamatay, marahas, maysakit, at balakyot.

“Buweno, maaaring nagtatanong ka, ‘Ang sandali bang ito ay isang sakit? Ang sandali bang ito ay isang pamahalaan? O ang sandali bang ito’y isang digmaan?’ Tanungin ang iyong sarili, ‘Kung ito’y isang sakit, paano nito mahahadlangan ang mga kilos ng mga tao sa pagiging balakyot?’ ‘Hindi maaari,’ sasabihin mo. Pagkatapos ay naisip mo, ‘Tiyak na ito’y isang pamahalaan na lulutas sa lahat ng ating mga problema.’ Subalit ang isang pamahalaan ay pinatatakbo ng mga tao, at lahat ng tao ay di-sakdal at namamatay. Kaya hindi ba’t kasama nilang mamamatay ang kanilang mabubuting gawa? Pagkatapos ay sasabihin mo, ‘Tiyak na ito’y isang digmaan na gaya ng Digmaang Pandaigdig II.’ Hindi! Hindi maaari iyan sapagkat sa digmaan ang isang panig ay nananalo, at kasabay niyan, ang kabilang panig ay natatalo. Wala sa mga bagay na ito na nabanggit ang permanenteng magwawakas sa kamatayan, karahasan, sakit, at kabalakyutan. Maaaring nagtataka ka kung ano ba itong babaguhin ko.

“Kasalanan. Kamatayan. Ang kasalanan at kamatayan ang babaguhin ko. Subalit paano? Taglay na natin ang kasalanan at kamatayan sa lahat ng panahon. Ang kasalanan at kamatayan ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Kung gayon paano mo maaaring baguhin kung ano ang lagi nang narito? Kailangang ihinto mo ito sa mismong sandaling nagsimula ito. Ang paghihimagsik nina Adan at Eva laban sa pamahalaan ng Diyos ang dahilan kung bakit ang mga bagay ay gaya ng nangyayari sa ngayon. Pinili ng mga nasangkot na gawin ang mga bagay sa kanilang paraan, kaya tayo dumanas ng kasalanan at kamatayan.

“Kaya ang eksaktong sandali na dapat baguhin ay nang sabihin ni Satanas na Diyablo ang unang kasinungalingan laban sa sakdal na pamahalaan. Dahil sa kasinungalingang ito, lahat tayo ay naghihirap dahil sa ginawa ng ating unang mga magulang, sina Adan at Eva. Sila’y nagkasala laban sa tanging tunay na Lider ng pamahalaan, ang Diyos.”

Noong Sabado, Agosto 12, 1995, binasa ni Eric ang sanaysay na ito sa isang pantanging araw na asamblea ng mga Saksi ni Jehova sa Norco, California. Ang mga tagapakinig ay tuwang-tuwang marinig ang tungkol sa isang kabataan na sinasamantala ang pagkakataon sa paaralan na magbigay ng isang pumupukaw-kaisipan na patotoo tungkol sa sanhi ng paghihirap ng tao. Anong pagkadaki-dakilang panahon nga iyon kapag pinuksa na ng Diyos na Jehova “ang orihinal na serpyente” at alisin ang lahat ng paghihirap na ang Diyablo ang may kagagawan!​—Apocalipsis 12:9; 21:3, 4; Genesis 3:1-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share