Kung Bakit Nagpapatuloy ang Digmaan at Kaguluhan
Sinasabi ng Bibliya ang pinakadahilan ng mga digmaan at kaguluhan at kung bakit patuloy itong nangyayari.
KASALANAN
Ginawa ng Diyos ang unang mga magulang natin, sina Adan at Eva, ayon sa larawan niya. (Genesis 1:27) Ibig sabihin, kaya nilang ipakita ang mga katangian ng Diyos, gaya ng kapayapaan at pag-ibig. (1 Corinto 14:33; 1 Juan 4:8) Pero hindi sumunod sa Diyos sina Adan at Eva at nagkasala. Bilang resulta, nagmana tayo ng kasalanan at kamatayan. (Roma 5:12) Dahil dito, nakakapag-isip at nakakagawa tayo ng masama.—Genesis 6:5; Marcos 7:21, 22.
GOBYERNO NG TAO
Hindi tayo nilalang ng Diyos para pamahalaan ang sarili natin. Sinasabi ng Bibliya: “Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Kaya hindi talaga lubusang maaalis ng mga gobyerno ng tao ang digmaan at karahasan.
SI SATANAS AT ANG MGA DEMONYO NIYA
Sinasabi ng Bibliya: “Ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isa na masama.” (1 Juan 5:19) Ang “isa na masama” ay si Satanas na Diyablo, at mamamatay-tao siya. (Juan 8:44) Iniimpluwensiyahan niya at ng mga demonyo niya ang mga tao na magsimula ng digmaan at karahasan.—Apocalipsis 12:9, 12.
Hindi natin kayang alisin ang pinakadahilan ng digmaan at karahasan, pero kaya itong gawin ng Diyos.