Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 3/8 p. 9-11
  • Paglaya Mula sa Kawalan ng Trabaho—Paano at Kailan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglaya Mula sa Kawalan ng Trabaho—Paano at Kailan?
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sa Paghahanap ng Trabaho
  • Ang Kahalagahan ng Emosyonal na Alalay
  • Paglaya Mula sa Multo ng Kawalan ng Trabaho
  • Maging Simple at Timbang sa Buhay
    Gumising!—2010
  • Ang Salot ng Kawalan ng Trabaho
    Gumising!—1996
  • Kawalan ng Trabaho—Bakit?
    Gumising!—1996
  • Papaano Ako Makapapasok (at Makapananatili!) sa Trabaho?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 3/8 p. 9-11

Paglaya Mula sa Kawalan ng Trabaho​—Paano at Kailan?

TULAD ng kaniyang Maylikha, maaaring maranasan ng tao ang kagalakan sa trabaho, na matuwid na binigyang-kahulugan bilang isang “kaloob ng Diyos.” (Eclesiastes 3:12, 13; Juan 5:17) Ang isang kawili-wiling trabaho ay maaaring magbigay sa atin ng kaligayahan at magpangyari sa atin na makadama na tayo’y kapaki-pakinabang at naiibigan. Walang sinuman ang nagnanais na mawalan ng trabaho, hindi man siya gaanong nasisiyahan dito. Bukod sa paggarantiya ng isang kabayaran, ang bayarang trabaho ay nagbibigay ng kaayusan, layunin, at isang diwa ng pagkakakilanlan sa buhay. Hindi kataka-taka na karaniwang “ang walang trabaho ay nagnanais ng trabaho higit sa anumang bagay.”

Sa Paghahanap ng Trabaho

Gaya ng nakita na natin, ang kalagayan sa market ng paggawa ay napakasalimuot. Bunga nito, maraming mabisang paraan ng paghahanap ng trabaho. Maaaring gamitin ng sinumang karapat-dapat dito ang tulong ng pamahalaan sa walang trabaho kung mayroon nito; at kung kapit sa kanila, sila’y maaaring magpatala sa mga tanggapan para sa walang trabaho at gamitin ang mga paglilingkod na iniaalok. Ang iba ay nakasusumpong ng trabaho sa pamamagitan ng paglikha ng kanilang sariling trabaho. Subalit kailangan ang pag-iingat. Kadalasan nang kailangang matugunan ng sariling-maypatrabaho ang mabigat na panimulang gastusin na maaaring hindi madaling kumita. Kailangan ding malaman at igalang ang mga batas sa piskal at sa buwis​—hindi madaling gawain sa ilang bansa!​—Roma 13:1-7; Efeso 4:28.

Upang makasumpong ng trabaho, ang ilan ay gumawa ng trabaho ng paghanap ng trabaho, itinatalaga ang kanilang mga sarili rito sa pamamagitan ng pamamaraan at tiyaga. Ang iba naman ay sumulat sa mga kompanya na naghahanap ng mga tauhan, o sila’y nagpaanunsiyo sa lokal na mga pahayagan​—ang ilan ay naglilimbag ng walang bayad na mga anunsiyo ng paghiling ng trabaho. Ang Gumising! ay kadalasang nagbibigay ng kapaki-pakinabang at praktikal na payo tungkol sa paksang ito​—kapuwa para sa mga kabataan at sa mga nasa hustong gulang.a​—Tingnan ang mga kahon, pahina 11.

Dapat kang makibagay​—handang gawin ang lahat ng uri ng trabaho, pati na ang mga trabahong hindi mo naiibigan. Sinasabi ng mga eksperto na kabilang sa unang bagay na tinatanong sa mga panayam sa trabaho ay ang karanasan sa dating trabaho at ang haba ng panahon na walang trabaho. Ang mahabang panahon na walang trabaho ay hindi isang mabuting palatandaan para sa potensiyal na amo.

Ang isang tao na matalinong ginugugol ang kaniyang panahon sa paaralan sa pagtatamo ng mga kasanayan ay mayroong mas mabuting tsansa na makasumpong ng kaniyang unang trabaho. “Ang kawalan ng trabaho,” sabi ni Alberto Majocchi, guro ng financial sciences, “ay nakaaapekto lalo na sa mga manggagawang walang kasanayan.”

Ang Kahalagahan ng Emosyonal na Alalay

Ang isang mahalagang salik ay isang positibong pangmalas. Malaki ang nagagawa nito sa pagkasumpong at hindi pagkasumpong ng trabaho. Lubhang pinahahalagahan ng walang trabaho ang emosyonal na alalay, na tumutulong sa kanila na iwasang ibukod ang kanilang sarili o mahulog sa kawalang-interes. Tumutulong din ito upang madaig ang kawalan ng paggalang sa sarili na maaaring dahil sa paghahambing ng iyong sarili sa iba na hindi nawalan ng kanilang trabaho.

Kung paano mo pagkakasiyahin ang kaunting salapi ay hindi madali. “Gayon na lamang ang pag-aalala ko, nasumpungan kong mahirap samantalahin ang panahong mayroon ako,” sabi ni Stefano. “Ang kalagayan ay nagpangyari sa akin na maging maigting,” gunita ni Francesco, “anupat nagsimula akong pintasan ang ilan sa aking mahal na mga kaibigan.” Dito mahalaga ang alalay ng pamilya. Ang kawalan ng kita ay humihiling ng pakikibagay ng lahat ng miyembro ng pamilya, upang bawasan ang pamantayan ng pamumuhay. Si Franco, na naalis sa trabaho sa gulang na 43 pagkatapos magtrabaho sa kompanyang iyon sa loob ng 23 taon, ay nagsasabi: “Mula nang ako’y maalis sa trabaho, ang aking asawa ay positibo at isang pinagmumulan ng malaking pampatibay-loob.” Si Armando ay lalo nang nagpapasalamat sa kaniyang asawa dahil sa “kaniyang malaking natitipid sa pamimili.”​—Kawikaan 31:10-31; Mateo 6:19-22; Juan 6:12; 1 Timoteo 6:8-10.

Ang mga simulain ng Bibliya ay makatutulong sa atin na mapanatili ang isang positibong espiritu at huwag makaligtaan ang mas mahalagang mga pamantayan. Ang mga kinapanayam ng Gumising!, na nabanggit kanina, ay nakakuha ng nakaaaliw na katiyakan mula sa Bibliya. Ito’y nagpadama sa kanila na maging mas malapít sa Diyos. (Awit 34:10; 37:25; 55:22; Filipos 4:6, 7) Ang pagkakaroon ng malapít na kaugnayan sa Diyos na Jehova ang pinakamahalaga, sapagkat siya’y nangangako: “Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan.”​—Hebreo 13:5.

Ang isa man ay walang trabaho o may trabaho, ang Salita ng Diyos ay humihimok sa lahat na linangin ang mga katangian na kapaki-pakinabang para sa araw-araw na pamumuhay. Hindi nagkataon lamang na ang mga Saksi ni Jehova kung minsan ay hinahanap at pinahahalagahan bilang tapat na mga manggagawa. Sinusunod nila ang payo ng Bibliya na maging masipag at maaasahan, hindi tamad.​—Kawikaan 13:4; 22:29; 1 Tesalonica 4:10-12; 2 Tesalonica 3:10-12.

Paglaya Mula sa Multo ng Kawalan ng Trabaho

Sa ilalim ng kawalan ng trabaho, nariyan ang sanhi​—kasakiman at kaimbutan ng tao. Gaya ng sinasabi ng Bibliya, “dominado ng tao ang tao sa kaniyang ikapipinsala.”​—Eclesiastes 8:9.

Ang problema ng kawalan ng trabaho​—at ng iba pang problema​—ay lulutasin sa pamamagitan ng pag-alis sa pamamahala ng tao, ngayo’y nasa “mga huling araw” na nito. (2 Timoteo 3:1-3) May pangangailangan para sa isang sanlibutan na talagang bago. Oo, isang sanlibutan na doon ang isang matuwid na lipunan ng tao ay maaaring mamuhay at magtrabaho sa ilalim ng matuwid at makatarungang pamamahala, kung saan wala nang kasakiman. (1 Corinto 6:9, 10; 2 Pedro 3:13) Iyan ang dahilan kung bakit itinuro ni Jesus sa mga tao na ipanalanging dumating ang Kaharian ng Diyos at na mangyari ang Kaniyang kalooban sa lupa.​—Mateo 6:10.

Makahulang inilalarawan ang pag-aalis ng ilan sa malalaking problema ng sangkatauhan, inilalarawan ng Salita ng Diyos ang mga epekto ng Kahariang iyon: “Sila nga’y magtatayo ng mga bahay at kanilang tatahanan; sila nga’y mag-uubasan at magsisikain ng mga bunga niyaon. Sila’y hindi magtatayo at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain. . . . Ang aking pinili ay makikinabang na lubusan sa gawa ng kanilang sariling mga kamay. Sila’y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan.” (Isaias 65:21-23) Ang multo ng kawalan ng trabaho ay maglalaho na magpakailanman. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa lunas ng Diyos, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar.

[Talababa]

a Tingnan ang Gumising! ng Oktubre 22, 1994, pahina 16-18; Agosto 8, 1991, pahina 6-10; Hunyo 22, 1983, pahina 13-16; at Nobyembre 8, 1982, pahina 3-8.

[Kahon sa pahina 11]

Paglikha ng Trabaho sa Bahay

• Pag-aalaga ng bata, pangangalaga ng bata

• Pagtitinda ng itinanim na mga gulay o bulaklak

• Pananahi, pagbabago, at pagkukumpuni ng damit

• Paggawa ng mga pirasong gawain para sa mga tagagawa

• Paghuhurno at pagluluto ng pagkain

• Paggawa ng quilt, paggagantsilyo, niting; paggawa ng macramé, paggawa ng palayok; iba pang gawang-kamay

• Pag-aapholster

• Bukkiping, pagmamakinilya, serbisyo para sa home computer

• Serbisyo ng pagsagot sa telepono

• Pag-aayos ng buhok

• Pagtanggap ng mga nangangasera

• Paglalagay ng direksiyon at sulat sa mga sobre para sa mga tagapag-anunsiyo

• Paghuhugas at paglalagay ng waks sa kotse (dinadala ng mga parokyano ang kotse sa bahay mo)

• Pag-aayos at pag-eehersisyo ng alagang hayop

• Pagkumpuni ng kandado at paggawa ng susi (talyer sa bahay)

• Ang mga anunsiyo para sa gawaing ito ay maaaring ilagay nang walang bayad o sa mababang halaga sa mga pahayagan sa pamimili kung dulo ng sanlinggo o sa paskilan ng patalastas sa supermarket.

[Kahon sa pahina 11]

Paglikha ng Trabaho sa Labas ng Bahay

• Pagtao sa bahay (kapag ang mga tao’y nasa bakasyon at nais na may tumingin sa kanilang bahay)

• Paglilinis: ng mga tindahan; tanggapan; tahanan at mga apartment pagkatapos ng konstruksiyon, pagkatapos ng sunog, pagkatapos lumipat ng mga tao; gawaing-bahay (sa bahay ng iba); mga bintana (ng mga tanggapan at bahay)

• Pagkukumpuni: lahat ng klaseng aplayans (ang mga aklatan ay may mga aklat tungkol sa pagkukumpuni na madaling-sundin)

• Mga gawain at pagkumpuni sa bahay: paggawa ng dingding ng mga bahay; paggawa ng mga aparador, pinto, balkon; pagpipintura; paggawa ng bakod; paggawa ng bubong

• Trabaho sa bukid: pagtatanim o pag-aani, pamimitas ng bunga

• Interior landscaping at pangangalaga sa mga tanim sa: mga opisina, bangko, plasa at atrium ng mga pamilihan, mga lobi

• Pangangasiwa ng ari-arian: mga dyanitor, tagapamahala (kung minsan kasama ang libreng tirahan)

• Seguro, bahay at lupa

• Paglalagay, paglilinis ng karpet

• Pagrarasyon ng diyaryo (mga may sapat na gulang at mga bata), iba pang mga serbisyo ng paghahatid: mga anunsiyo, kuwenta para sa mga munisipyo

• Paglilipat, pag-iimbak

• Landscaping, pagtabas ng puno, pangangalaga sa damo, pagputol ng kahoy

• Tsuper ng school bus

• Potograpiya (mga larawan at mga pangyayaring pampubliko)

• Pain para sa mga mangingisda

• Palitan ng trabaho: pagpapalitan ng pagkumpuni ng kotse para sa elektrikal na gawain, pananahi para sa tuberiya, atb.

[Larawan sa pahina 10]

“Ang aking pinili ay makikinabang na lubusan sa gawá ng kanilang sariling mga kamay.”​—Isaias 65:22

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share