Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 3/22 p. 24
  • Kalusugan at ang Kapaligiran

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kalusugan at ang Kapaligiran
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Kapaligiran—Ang Epekto Nito sa Iyong Kalusugan
    Gumising!—1999
  • Sumulong Na ang Kalusugan sa Buong Globo—Ngunit Hindi Para sa Lahat
    Gumising!—1999
  • Mga Bihag ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Anong Pag-asa Para sa mga Bata?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 3/22 p. 24

Kalusugan at ang Kapaligiran

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Nigeria

Bawat taon sa buong daigdig, 49 na milyon katao ang namamatay. Halos 75 porsiyento ng mga kamatayang ito ay hindi napapanahon, ang sanhi ay nauugnay sa hindi mabuting kapaligiran at istilo ng buhay, ayon sa isang ulat ng World Health Organization (WHO). Isaalang-alang ang ilang halimbawa:

◼ Ang kanser ay pumapatay ng limang milyon sa isang taon. Karamihan dito, ulat ng WHO, “ay tuwirang dahil sa lubhang pagdami ng paninigarilyo sa nakalipas na 30 taon.”

◼ Ang mga sakit na diarrhea, na pumapatay ng mahigit na tatlong milyong bata taun-taon, ay kadalasang dahil sa maruming pagkain at tubig, gayundin sa kawalan ng wastong sanitasyon.

◼ Ang tuberkulosis, na pumuputi ng tatlong milyon taun-taon, ay dumarami sa maralita at siksikang kalagayan, lalo na kung saan hindi mabuti ang sanitasyon.

◼ Ang mga impeksiyon sa palahingahan, pangunahin na ang pulmunya, ay pumapatay ng tatlo at kalahating milyong bata na wala pang limang taóng gulang sa bawat taon. Ang maraming nakatira sa lungsod ay nalalantad sa matataas na antas ng polusyon sa hangin.

Bukod sa mga namatay na ito, taun-taon mga dalawa at kalahating bilyon​—halos kalahati ng populasyon ng daigdig​—ang pinahihirapan ng mga sakit na nagmumula sa di-sapat o maruming tubig at hindi mabuting sanitasyon. Karagdagan pa, ang mga problema sa ngayon na gaya ng pag-ulan ng asido, ang numinipis na ozone layer, at pag-init ng globo ay iniuugnay ng WHO sa humihinang kalusugan ng marami. Sa pangkalahatan, binanggit ng ulat ng WHO, mahigit na dalawang bilyong tao ang nakatira sa mga kapaligiran na nagsasapanganib-sa-buhay o nagsasapanganib-sa-kalusugan.

Si Dr. Hiroshi Nakajima, panlahat na patnugot ng WHO, ay nagbababala: “Kung hindi tayo kikilos ngayon, ang krisis para sa Lupa at sa mga maninirahan nito ay magiging napakatindi, na ang kapaligiran ay hindi na maaaring matagalan.”

Ang Bibliya’y nangangako na darating ang panahon na “walang mamamayan ang magsasabing: ‘Ako’y maysakit.’” (Isaias 33:24) Ito’y matutupad, hindi sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tao, kundi sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos, na siyang mag-aalis ng mga sakit at ng sanhi nito.​—Apocalipsis 21:3, 4.

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Godo-Foto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share