Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/22 p. 22-24
  • Tumubo ang Espirituwal na mga Bulaklak sa Brewery Gulch

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumubo ang Espirituwal na mga Bulaklak sa Brewery Gulch
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Karbón—Isang Mainit na Isyu Noong Una
    Gumising!—1985
  • Karbón—Isa Pa Ring Mainit na Isyu
    Gumising!—1985
  • Kailangang Sagipin ang Tao!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 7/22 p. 22-24

Tumubo ang Espirituwal na mga Bulaklak sa Brewery Gulch

SA MALAON na panahong nagdaan ang ikinikilos ng bulkan ay nakatunaw sa tanso, pilak, at ginto sa kailaliman ng lupa. Ang mga presyon ng singaw ang nagpasiksik sa napakaraming mineral na ito sa mga bitak at idineposito ang mga ito sa tinatawag ngayon na Mule Mountains sa katimugan ng Arizona, E.U.A. Noong 1877, si Jack Dunn, isang armi iskawt na nagtatrabaho sa kalapit na Fort Huachuca, ay naghahanap ng tubig at natuklasan ang kapansin-pansin na pagkarami-raming mineral na kayamanang ito. Sinuportahan niya sa pinansiyal ang isang manggagalugad ng mineral, si George Warren, upang pakinabangan ang lupang ito.

Naiparehistro ni George Warren ang maraming lupain na nagtataglay ng mineral subalit hindi niya ipinaalam sa kaniyang kasama, si Jack Dunn. Ang mga lupaing ito ay maaari sanang nakapagpayaman kay Warren, subalit dahil lango sa whiskey, may kahangalan niyang ipinusta ang kaniyang mga natuklasan sa isang karera, tumaya na kaya niyang talunin ang kakayahan ng kabayo. Mangyari pa, naiwala niya ang lahat. Ang mga lupain na ito nang maglaon ay naging ang Queen Mine. Sa loob ng mga taon, ang malakihang mga pagmimina ay nakakuha ng halos apat na milyong tonelada ng tanso at gayon na lamang karaming ginto at pilak mula sa Mule Mountains bago nagsara ang minahan noong 1975.

Ang pagmimina sa matitigas na batuhan ay nangangailangan ng mga minerong bihasa sa matitigas na bato. Sila’y kinuha mula sa Inglatera, Alemanya, Ireland, Italya, at Serbia. Dahil sa mga programa sa karagdagang mga pakinabang na inialok ng karamihan ng minahan, ang mga minerong bihasa sa matitigas na bato ay masisipag na mga minero rin naman. Dahil ang mga minerong ito ay libu-libong milya ang layo sa kani-kanilang pamilya, sila rin naman ay naging mga minerong malakas uminom ng alak​—kaya isang negosyanteng Aleman na gumagawa ng serbesa ang nagtayo ng serbesahan malapit sa minahan. Ang mga pagawaan ng serbesa ay nakagawa ng serbesa na nangangailangan ng kaunting pagpoproseso bago ito mainom. Mas gusto ng marami na ito’y idulot na malamig na malamig, sa isang masayang kapaligiran, at may kaunting aliwan. Kaya, itinayo sa isang lansangan na malapit sa pagawaan ng serbesa, ang napakaraming mga bar. Ang mga ito’y napunô ng masisipag, malakas uminom na mga minero ng matitigas na bato. Inilaan ang libangan, gaya ng, prostitusyon at pagsusugal na kasama ng alak​—isang halo na gaya ng dinamita. Ang kalyeng ito ay nakilala bilang Brewery Gulch at natamo nito ang reputasyon ng pagiging mapanganib kaysa kilala sa kasamaan na bayan ng Tombstone, halos 40 kilometro lamang ang layo.

Hindi nagtagal, ang karamihan ng minero ay nagsipag-asawa at nagtayo ng mga bahay kung saan sila’y nagpamilya. Ang mga minero mula sa Inglatera ay nagtayo ng mga bahay na tinitirhan ng mga Ingles na minero noong ika-19 na siglo; ang mga taga-Serbia, nagtayo ng mga bahay ng mga minerong taga-Serbia; mula sa Alemanya, ang sa Aleman; sa Italya, ang sa Italyano; at sa Ireland, ang sa Irlandes. Ang pinakaunang lunsod, ang dating Bisbee, ay itinayo sa tabi ng matarik na canyon, kaya ang mga bahay nito ay nakatayo sa buong paligid ng canyon, kung saan may lugar na mauuka mula sa mabatong lupa. Ang naiibang kalipunan ng mga bahay na ito di-nagtagal ay tinirhan ng mahigit 20,000 katao, karamihan ay mga minero at ang kani-kanilang pamilya, at ngayon ay umaakit sa mga turista mula sa buong daigdig. Ang bayan ay ipinangalan sa isang taong nagngangalang Bisbee na namuhunan nang malaki sa minahan subalit hindi kailanman nagpunta sa bayan na taglay ang kaniyang pangalan.

Habang lumalaki ang bayan, dumarami rin naman ang mga bar sa Brewery Gulch. Minsan mahigit na 30 bar ang bukás sa dalawang bloke, at isang napakalaking lugar ng prostitusyon ang naglipana rin sa banda pa roon ng gulch.

May ilang pamilyang Saksi ang lumipat sa Bisbee noong mga 1950. Ang kanilang pangangaral ay humantong sa pagkabuo ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova, na may 12 miyembro noong 1957. Kailangan nila ng lugar na mapagpupulungan, kaya umupa sila ng isang lugar na kaya nilang bayaran​—isang gusaling ang harap ay tindahan sa Brewery Gulch, sa tapat ng inuman na St. Elmo’s. Kakaunti ang naging problema nila sa mga tao na madalas magtungo sa mga imoral na mga bahay-aliwan na nakapaligid sa kanila. Paminsan-minsan isang nakainom ang napapagawi sa pulong kung gabi subalit makikiupo at makikinig lamang​—ang ilan ay nag-aabuloy pa nga bago umalis.

Pagsapit ng panahon nakabili ang kongregasyon ng lupa para sa Kingdom Hall​—labing-isang kilometro ang layo mula sa Brewery Gulch at sa imoral na kapaligiran nito. Ang bulwagan ay itinayo at inialay noong 1958. Ang gusali ay binago at pinalaki nang tatlong ulit at nagagamit pa rin ng kongregasyon.

Nang magsara ang minahan noong 1975, ang bayan ay halos nagsara kasama nito. Ang mga minero at ang kani-kanilang pamilya ay lumipat sa mga bayan na may minahan na bukas pa rin. Karamihan sa mga residente na nanatili ay retiradong mga minero at ang kanilang mga pamilya.

Ang kilalang Brewery Gulch ay isa na ngayong lugar na dinarayo ng turista. Isang bar na lamang ang bukas dito, at ang gusali ng pagawaan ng serbesa ay kinaroroonan sa kasalukuyan ng isang pampamilyang restawran. Ang lugar ng mga taong nagbibili ng aliw ay giray-giray na, bagaman ang mga bakas nito ay maaaring makita pa rin sa nakapalibot na bakuran sa ilang bahay sa lugar na iyon. Ang mga ito’y yari sa kinalawang na spring ng kama at mga balangkas. Ang minsang napakahalay na Brewery Gulch ay isang naiibang bagay na lamang sa ngayon na umaakit sa mga mausyoso.

Ang kongregasyon sa ngayon ay may 48 mamamahayag at dumarami pa. Ang pangangaral sa bahay-bahay ay talagang nakasisiya. Nakilala ng mga Saksi ang retiradong mga minero na nagmula sa Inglatera, Alemanya, Ireland, Italya, at Serbia at gayundin ang maraming pintor, ang ilan ay nagtatanghal ng kanilang mga gawa sa balkon ng kanilang bahay.

Ang bahagi ng pagsulong ay dahil sa isang babae na dating nagbababad sa nag-iisang nananatiling napakaingay na bar sa Brewery Gulch, tinatawag na St. Elmo’s, ay hindi na gayon ang ginagawa. Ang pangalan niya ay Julie. Hindi lamang nagtutungo roon si Julie kundi isa siya sa maiingay na suki roon. Dati-rati’y nasasangkot siya sa iba’t ibang anyo ng imoral na libangan na iniaalok, gayundin sa madalas na pakikipag-away, kung minsan sa mga lalaki. Si Julie ay naakit sa mensahe ng mga Saksi ni Jehova dahil sa kitang-kitang pagkakaiba sa mga tao na pumaparoon sa kaniyang pinto. Kailangang gumawa ng napakalaking pagbabago si Julie, at gumugol ito ng ilang taon, subalit siya ngayon ay isang aktibo, bautisadong Saksi. Ang kaniyang asawang lalaki at tatlong anak ay regular din na dumadalo sa mga pagpupulong at sumusulong.

Ang Bisbee ay naging isang nayon dahil sa kayamanang matatagpuan sa lupa na nakadeposito sa loob ng napakatagal na panahon. Hindi na hinahanap ng mga tao iyan, subalit marami ang naghahanap sa tunay na kayamanan, ang kaalaman ng tunay na Diyos, si Jehova, at ang kaniyang Kaharian. Ang kapaligiran sa lumang Kingdom Hall sa Brewery Gulch ay ang labis na kabulukan sa moral, subalit ang espirituwal na mga bulaklak ay lumaki sa loob ng bulwagang iyan. Mula sa unang 12 mamamahayag na nagtipon sa lumang bulwagan, 7 ang regular payunir. May pito ring bata. Wari bang nadaig ng positibong espirituwal na kapaligiran na tinamasa ng maliit na masigasig na grupong ito sa loob ng bulwagan ang imoral na kapaligiran sa labas.

Anim sa mga batang ito ang pumasok sa buong-panahong paglilingkuran bilang mga ministro ng mga Saksi ni Jehova. Si John Griffin ay nagtungo sa Watchtower Bible School of Gilead. Bagaman wala na sa misyonerong paglilingkuran, nananatili pa rin siyang naglilingkod kay Jehova bilang isang elder sa iniatas na bansa sa kaniya, sa Costa Rica. Ang kaniyang kapatid na babae, si Carolyn (ngayon ay Jasso), ay isang regular payunir sa Sierra Vista, Arizona. Si Nancy Pugh ay nagtungo rin sa Gilead, naglingkod bilang isang misyonera sa Chile, at naroroon pa rin, bagaman hindi na isang misyonera. Ang kaniyang kapatid na lalaki, si Peter, ay nagpayunir at nagtungo sa Espanya upang maglingkod kung saan malaki ang pangangailangan. Sina Susan at Bethany Smith ay naging mga regular payunir sa Bisbee sa loob ng may kabuuang 50 taon na pinagsama at naglilingkod pa rin doon.

Tunay na ang Salita ng Diyos ay “may lakas,” at umabot pa nga hanggang sa pagtubo ng espirituwal na mga bulaklak sa Brewery Gulch. (Hebreo 4:12)​—Inilahad.

[Larawan sa pahina 23]

Ang Kingdom Hall ay dating nasa itaas na palapag ng gusaling ito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share