Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 3/8 p. 31
  • Isang Pagsamo Mula sa Puso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pagsamo Mula sa Puso
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-ampon—Ito ba’y Para sa Iyo?
    Gumising!—1996
  • Pag-ampon—Bakit at Paano?
    Gumising!—1996
  • Kapag Nagkaanak Na Kayo
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 3/8 p. 31

Isang Pagsamo Mula sa Puso

ANG Gumising! ng Mayo 8, 1996, ay nagtataglay ng serye ng mga artikulo tungkol sa pag-aampon. Tuwang-tuwa kami na makita ang pagtugon ng mambabasa na natanggap namin mula sa buong daigdig. Ang sumusunod na sulat ay totoong nakaaantig.

“Naudyukan ako na sabihin na marami sa amin na nagpaampon ng aming mga anak ang talagang ibig na sila’y arugain. Ako noo’y isang tin-edyer na hindi pinakasalan, na nag-aaral pa. Nang malaman ng aking mga magulang na ako’y nagdadalang-tao, ipinagbigay-alam nila sa akin na dapat kong isipin ang kapakanan ng bata kaysa sarili ko kung kaya ipinaampon ko ito. Sinabi sa akin na ‘kailangan ng sanggol kapuwa ang isang ina at isang ama,’ na hindi ko maibibigay. Ayaw ng aking mga magulang na arugain ko ang sanggol​—walang lugar sa kanilang tahanan para sa akin kung nasa akin ang sanggol. Ano ang aking magagawa? Ang pangangatuwiran nila ay: ‘Magagalit ka sa iyong sanggol dahil inalisan ka nito ng iyong kalayaan.’

“Nang mahalata na ang aking pagdadalang-tao, pinatigil na ako sa pag-aaral at ipinadala ako sa isang kamag-anak upang makitira roon. Nang umalis ako sa bahay namin, alam kong hindi ako tatanggapin sa amin hanggang sa makapanganak ako at maipaampon ko ang sanggol.

“Ako’y ipinadala sa isang institusyon para sa mga dalagang-ina. Nang tanungin ako ng social worker kung tiyak ako sa aking desisyon na ipaampon ang sanggol, batid ko na hindi niya nalalaman na wala na akong magagawa pa. AYAW KONG IPAAMPON ANG AKING ANAK! Lagi kong inaasam-asam na makita siyang tumatawa at masaya. Kailangang malaman ng inyong mga mambabasa na nadarama ng maraming tunay na ina ang tulad ng nadarama ko.

“Hindi ako talaga nagkaroon ng pagkakataong mamili. Kaya ginawa ko ang ayon sa sinabi sa akin na ‘pinakamabuti’ para sa bata. At sapol noo’y nakadama na ako ng kirot ng damdamin. Inaalala ko na baka isipin ng aking anak na lalaki na hindi ako kailanman nagmalasakit sa kaniya at ayaw ko sa kaniya.

“Ngayon, bilang isang Kristiyano, napahahalagahan kong lagi ang payo ng Bibliya hinggil sa mas mahirap na mga kalagayan na idinudulot natin sa ating mga sarili dahil sa hindi pagkakapit ng Salita ng Diyos sa ating buhay. Ipinakikita nito ang masakit at malaking epekto ng makasanlibutang pangangatuwiran. Subalit kailangang malaman ng mga ampon na hindi dahil sa sila’y ipinaampon, ito’y nangangahulugan nang hindi sila kailanman minamahal. Pakisuyong ipaalam ito sa kanila!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share