Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • hf seksiyon 6 mga bahagi 1-3
  • Kapag Nagkaanak Na Kayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Nagkaanak Na Kayo
  • Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1 MGA HAMON SA MGA BAGONG MAGULANG
  • 2 PATIBAYIN ANG INYONG UGNAYAN
  • 3 PAGSASANAY SA INYONG BABY
  • Mga Hamon sa mga Bagong Magulang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kung Ano ang Kailangan at Gusto ng mga Sanggol
    Gumising!—2003
  • Gawing Matagumpay ang Pagpapasuso sa Iyong Sanggol!
    Gumising!—1987
  • Isang Pagsamo Mula sa Puso
    Gumising!—1997
Iba Pa
Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
hf seksiyon 6 mga bahagi 1-3
Dinala ng nars ang baby sa mga magulang

SEKSIYON 6

Kapag Nagkaanak Na Kayo

“Ang mga anak ay mana mula kay Jehova.”​—Awit 127:3

Sabik na sabik at laking tuwa ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang baby. Bilang bagong magulang, baka magulat ka na halos lahat ng panahon at lakas mo ay napupunta sa pag-aalaga ng bata. Maaaring magdulot ng tensiyon sa inyong mag-asawa ang kakulangan ng tulog at mga pagbabago sa emosyon. Kailangan ninyong mag-adjust para maalagaan ang inyong anak at maingatan ang inyong pagsasama. Paano makatutulong ang mga payo ng Bibliya para maharap ninyo ang mga hamong ito?

1 MGA HAMON SA MGA BAGONG MAGULANG

ANG SABI NG BIBLIYA: “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait.” Ito rin ay “hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi napupukaw sa galit.” (1 Corinto 13:4, 5) Bilang bagong nanay, natural lang na nasa anak mo ang iyong atensiyon. Pero baka madama ng mister mo na napapabayaan mo na siya. Tandaan na kailangan din niya ng atensiyon mo. Sa pagiging mabait at mapagpasensiya, maipadarama mo sa kaniya na mahalaga siya, at na kailangan mo siya sa pag-aalaga ng inyong anak.

Tumutulong ang tatay sa pagpapakain sa kanilang anak, inaalagaan ng tatay sa gabi ang baby

“Kayong mga asawang lalaki, patuloy na manahanang kasama nila . . . ayon sa kaalaman.” (1 Pedro 3:7) Unawain mo na mauubos ang halos lahat ng lakas ng misis mo sa pag-aalaga ng bata. May bago siyang mga responsibilidad, at baka ma-stress siya, mapagod, o ma-depress pa nga. Kung minsan, baka mainis siya sa iyo. Pero kalmado ka lang, dahil ang “mabagal sa pagkagalit ay mas mabuti kaysa sa makapangyarihang lalaki.” (Kawikaan 16:32) Unawain siya at suportahan.​—Kawikaan 14:29.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Ama: Tulungan ang iyong asawa sa pag-aalaga, kahit sa gabi. Bawasan ang panahon sa ibang gawain para makapaglaan ka ng mas maraming oras sa iyong mag-ina

  • Ina: Kapag gustong tumulong ng iyong asawa sa pag-aalaga, magpatulong ka. Kapag hindi niya nagawa nang tama, huwag magalit, kundi mabait na ipakita sa kaniya kung paano iyon gagawin

2 PATIBAYIN ANG INYONG UGNAYAN

ANG SABI NG BIBLIYA: “Sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Kahit may bagong miyembro sa inyong pamilya, tandaan na “isang laman” pa rin kayong mag-asawa. Gawin ang lahat para maging matibay ang inyong ugnayan.

Mga asawang babae, pahalagahan ang tulong at suporta ng inyong asawa. Ang pagpapasalamat ninyo ay puwedeng maging “kagalingan.” (Kawikaan 12:18) Mga asawang lalaki, sabihin sa asawa ninyo kung gaano ninyo sila kamahal. Pahalagahan ang pag-aasikaso nila sa pamilya.​—Kawikaan 31:10, 28.

“Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao.” (1 Corinto 10:24) Laging gawin ang pinakamabuti para sa iyong kabiyak. Mag-usap kayo, magbigay ng komendasyon, at pakinggan ang isa’t isa. Huwag sarili lang ang isipin pagdating sa seksuwal na ugnayan. Isipin din ang pangangailangan ng asawa mo. Sinasabi ng Bibliya: ‘Huwag pagkaitan ang isa’t isa, malibang may pinagkasunduan kayo.’ (1 Corinto 7:3-5) Kaya huwag kayong mahiyang pag-usapan ang bagay na ito. Ang pagpapasensiya at pang-unawa ay magpapatibay sa inyong ugnayan.

Naglalaan ng panahon sa isa’t isa ang mag-asawa habang tulog si baby

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Maglaan ng panahon na para sa inyong dalawa lang

  • Ipadama sa iyong asawa na mahal mo siya sa pamamagitan ng maliliit na bagay, gaya ng pagte-text, pagbibigay ng card, o simpleng regalo

3 PAGSASANAY SA INYONG BABY

Binabasahan ng nanay ang baby

ANG SABI NG BIBLIYA: “Mula sa pagkasanggol ay alam mo na ang banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan.” (2 Timoteo 3:15) Planuhin kung paano tuturuan ang inyong baby. Kahanga-hanga ang kakayahan niyang matuto. Kahit bago pa siya ipanganak, nakikilala na niya ang boses ninyo at naaapektuhan ng inyong mga damdamin. Basahan ninyo siya habang sanggol pa. Maaaring hindi pa niya naiintindihan ang binabasa ninyo, pero matutulungan siya nitong masiyahan sa pagbabasa paglaki niya.

Huwag isipin na napakabata pa niya para marinig ang sinasabi mo tungkol sa Diyos. Iparinig sa kaniya ang mga panalangin mo kay Jehova. (Deuteronomio 11:19) Kahit naglalaro kayo, magkuwento tungkol sa mga bagay na ginawa ng Diyos. (Awit 78:3, 4) Habang lumalaki ang inyong anak, madarama niya ang pag-ibig ninyo kay Jehova at matututuhan din niyang mahalin siya.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Espesipikong hingin sa panalangin ang karunungan sa pagsasanay sa iyong anak

  • Ulit-ulitin ang mga salita at ideya na gusto mong matutuhan niya sa murang edad pa lang

ANG NAGAGAWA NG ANAK SA MAG-ASAWA

Darating ang panahon na makakapag-adjust na kayo at masasanay bilang magulang. Ang pagpapalaki ng anak ay tutulong sa inyo na maging mas mapagmahal, mapagpasensiya, at mabait. Kung magtutulungan kayo at susuportahan ang isa’t isa, ang pagkakaroon ng anak ay magpapatibay sa inyong relasyon. Magiging totoo sa inyo ang sinasabi sa Awit 127:3: “Ang bunga ng tiyan ay isang gantimpala.”

TANUNGIN ANG SARILI . . .

  • Ano ang ginawa ko noong nakaraang linggo upang ipakita na nagpapasalamat ako sa ginawa ng asawa ko para sa pamilya namin?

  • Kailan kami huling nag-usap ng asawa ko tungkol sa amin sa halip na tungkol sa aming anak?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share