Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/8 p. 20-21
  • RSD—Di-maipaliwanag, Makirot na Sakit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • RSD—Di-maipaliwanag, Makirot na Sakit
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagbabata Ko sa Sakit na RSD
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Ang Kirot na Mawawala Na
    Gumising!—1994
  • Ang Pagsulong sa Paggamot sa Kirot
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/8 p. 20-21

RSD​—Di-maipaliwanag, Makirot na Sakit

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Canada

ANG REFLEX SYMPATHETIC DYSTROPHY (RSD) ay “isa sa pinakamahirap ipaliwanag na sakit sa larangan ng medisina at isa sa pinakamakirot at totoong nakapanghihinang sakit,” ang sulat ni Allison Bray sa pahayagang Winnipeg Free Press. Ang RSD ay “malimit na hindi nakikilala kung ginagamot dahil sa ito’y hindi talaga maunawaan,” ang sabi ng pasyenteng si Anna Alexander sa British Medical Journal. Ang babasahin ding iyon ang nagsabi na ang RSD ay malamang na hindi narerekunusi sa mga bata. Sa loob ng maraming taon ay ipinalagay pa nga ng mga doktor na ang kirot ay nasa isip lamang, gawa-gawa lamang sa sarili.

Yaong mga pinahihirapan ng di-maipaliwanag na sakit na ito ay nakararanas ng patuloy na kirot at sa ilang kalagayan ay wala man lamang silang maalaala na kanilang ginawa upang maging sanhi ng kanilang paghihirap. Ganito ang isinulat ni Sarah Arnold sa Accent on Living: “Ang sakit ay sanhi ng isang kapinsalaan o trauma sa isang bahagi ng katawan na maraming nerbiyo, gaya ng kamay o paa. Ang kapinsalaan ay maaaring simpleng gaya ng pagkatusok lamang o kasinsalimuot ng operasyon. Ang unang pahiwatig ng sakit ay ang nagtatagal na kirot na mas masakit pa kaysa kapinsalaan. Ang mga sintoma ay napakatindi, nanunuot na kirot sa isang bahagi, labis-labis na pagkasensitibo sa temperatura at liwanag, pagbabago ng buhok at kuko at pagbabago ng kulay sa balat.”

Ang sakit ay dumaraan sa iba’t ibang yugto. Sa una, mamamaga at mamumula ang apektadong lugar at tinutubuan ng buhok ang lugar na hindi naman tinutubuan noon. Ito’y maaaring tumagal nang isa hanggang tatlong buwan. Susunod, ang bahaging ito ay nangingitim at malamig, na may matinding kirot at paninigas ng litid at kasukasuan. Maaaring magkaroon ng osteoporosis. Sa dakong huli, natutuyo ang apektadong kalamnan, umuurong ang litid, at lumiliit ang apektadong braso’t binti.

Ang di-mababagong pinsala ay maiiwasan, ayon kay Dr. Howard Intrater, direktor ng klinika para sa kirot sa Health Sciences Centre sa Winnipeg. Ang sympathetic nerve ay kailangang hadlangan sa paghahatid ng mga hudyat para sa kirot.a Iniuulat ng pahayagan sa Winnipeg na “ang kagamutan ay mula sa pagpapaaktibo sa pamamagitan ng kuryente hanggang sa beta blocker, epidural stimulator (kung saan ang electrode ay inilalagay sa gulugod upang gawing aktibo ang apektadong bahagi) hanggang sa paghadlang sa sympathetic nerve sa pamamagitan ng iniksiyon.” Ginagamit din ang physiotherapy kasama ng acupuncture upang mabawasan ang kirot at mapabuti ang pagkilus-kilos. Sinabi ng British Medical Journal na “kasali sa mabisang paggamot ang pinagsamang pagpapaaktibo sa nerbiyo sa pamamagitan ng kuryente, kemikal na paghadlang sa sympathetic nerve, sikolohikal na terapi, at lubusang pagteterapi sa katawan.”

Totoong makabubuti ang maagang pagrekunusi. Gayunman, ang mga doktor na sumusulat sa The American Journal of Sports Medicine ay nagsasabi na ang resulta ng kanilang paggamot sa mga pasyenteng kanilang narekunusi na may mga sintoma na wala pang 6 na buwan, o mula 6 hanggang 12 buwan, o mahigit sa 12 buwan, “ay halos magkakatulad. Ang pagsusuring ito’y salungat sa kasalukuyang opinyon na ang pagtagal ng mga sintoma na mas mahaba pa sa 1 taon bago ito gamutin ay mahinang panghuhula.”

Inaasahan na habang sumusulong ang kaalaman sa medisina, ang RSD ay magiging di-gaanong mahirap maunawaan at mas mabisang magagamot.

[Talababa]

a Para sa detalyadong pagsusuri tungkol sa kirot, tingnan ang seryeng pinamagatang “Posible ba ang Buhay na Walang Kirot?” ng Hunyo 22, 1994, sa labas ng Gumising!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share