Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 10/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paghihirap ni Maggy at ang Aking Pagpapala
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 10/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagsasaayos ng Pananalapi Labis-labis ang pasasalamat ko sa seryeng “Paano Mo Maisasaayos ang Iyong Pananalapi?” (Disyembre 22, 1996) Napakagastadora ko at halos hindi ko mapigil ang aking sarili. Gayunman, pagkabasa ko ng mga artikulo, sinimulan kong kontrolin ang aking gastos. Sa ngayon kapag may nagustuhang isang bagay ang aking mata, tinatanong ko muna ang aking sarili kung talagang kailangan ko ang aking nakikita.

J. B., Brazil

Limang buwan nang walang trabaho ang aking asawa, at may tatlong anak kaming dapat alagaan. Kaya sinimulan kong ikapit ang ilang mungkahing ibinigay sa mga artikulo. Kumuha ako ng isang kuwaderno, gumuhit ng ilang linya, at gumawa ng isang badyet. Sa paraang ito ay naisaayos namin ang aming pananalapi sa nakaraang tatlong buwan at may natira pa ngang kaunti para sa mga di-inaasahang okasyon. May nagagawa talaga ang pagbabadyet!

L. S., Czech Republic

Pagharap sa mga Pagsubok Nadama kong kailangan kong magkomento hinggil sa artikulong “Pinalakas Upang Maharap ang mga Pagsubok sa Hinaharap.” (Disyembre 22, 1996) Nabagbag ang aking damdamin sa ginawang pagtitiyaga ni Edward Michalec sa ilang pinakamahihirap na kalagayan. Ang kaniyang pag-ibig kay Jehova, sa kaniyang kapuwa, at sa katotohanan ay maliwanag na nakita sa kaniyang tapat na paggawi at matiyagang pagbabata.

K. B., Estados Unidos

Ang Paghihirap ni Maggy Nagpapasalamat ako dahil sa inyong paglalathala ng artikulong “Ang Paghihirap ni Maggy at ang Aking Pagpapala.” (Disyembre 22, 1996) Hindi ko mapigil ang pagluha habang binabasa ko ang sakripisyong ginawa ng inang ito sa mga huling araw ng kaniyang buhay upang maisilang nang malusog ang kaniyang anak na babae. Pinahalagahan ko rin ang komento ng kaniyang asawa na aniya’y unti-unting nababawasan ang sakit habang ipinakikipag-usap niya ang pagkawala ng kaniyang asawa​—isang paksang karaniwan nang ayaw nating ipakipag-usap sa mga kamag-anakan ng namatay. Sana’y makilala ko si Maggy sa pagkabuhay-muli.

L. S. C., Espanya

Ipinamamalas ng artikulo kung paanong tayo sa loob ng kongregasyon ay makapagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa isa’t isa. Tinustusan ng pagkain ng kapuwa niya mga Kristiyano ang asawa ni Maggy sa loob ng maraming buwan at binigyan din siya ng mga damit para sa kaniyang sanggol. Tunay na isang napakagandang aral para sa atin na gumawa ng higit pa kaysa magpadala lamang ng isang kard o basta makatawag lamang sa telepono!

P. L., Estados Unidos

Nais kong buong puso kayong pasalamatan dahil sa artikulong ito. Ang aking asawa ay namatay sa aksidente sa sasakyan tatlong linggo pagkamatay ni Maggy, anupat naiwan sa akin ang walong anak. Nauunawaan ko ang sakit na nadama at patuloy pa ring nadarama ni Lorne Wilkins. Salamat sa paglalathala ninyo ng ganitong mga karanasan para sa amin. Tunay na ang mga ito’y pang-alalay at pampatibay-loob para sa mga dumaranas ng ganitong paghihirap.

B. B., Pransiya

Ang Paglisan ng Matalik na Kaibigan Nais kong ipaabot ang aking lubos na pasasalamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Lumisan ang Aking Matalik na Kaibigan?” (Disyembre 22, 1996) Dumating ito sa tamang panahon. Di-magtatagal, isa sa aking mga kaibigan ang lilisan; siya at ang kaniyang asawa ay maglilingkod sa isang kongregasyong nangangailangan ng higit pang tagapangaral. Bagaman ako’y natutuwa para sa kaniya, alam kong hahanap-hanapin ko siyang mabuti. Salamat sa inyong napakagaling na payo.

R. A., Italya

Hindi ninyo alam kung paano nakaapekto sa akin ang artikulo nang lisanin kami ng aming tagapangasiwa ng sirkito, ang naglalakbay na ministro, upang maglingkod sa panibagong lugar. Gayon na lamang ang pangangalaga niya sa aking espirituwal at emosyonal na mga pangangailangan. Gaya ng ipinakikita ng larawan sa artikulo, tunay na isang masakit na karanasan ang pagpapaalaman. Talagang napapanahon ang inyong mga mungkahi sa pagtulong sa akin na mapagtagumpayan ang kalungkutan.

J. D., Nigeria

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share