Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 2/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 2/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Aksidente o Disenyo? Katatapos ko lamang basahin ang seryeng “Paano Tayo Umiral? Sa Aksidente ba o Disenyo?” (Mayo 8, 1997) Nawili ako rito sa ilang kadahilanan: (1) Ang pagiging simple ng inyong paghaharap ng isang malalim at masalimuot na paksa gaya ng ebolusyon, gayundin ang pananalig na taglay ninyo sa inyong pagtatanggol sa pangmalas ng Bibliya tungkol sa ating pinagmulan. (2) Ang mga ilustrasyon na inyong ginamit upang maabot ang inyong kapuri-puring layunin. Ako ay isang mananaliksik at estudyante sa isang malaking paaralan sa larangan ng komunikasyon. Pinatutunayan ng gayong mga artikulo na LAGI kayong masusing nagsasaliksik bago kayo maglathala. Tiyak na ito ang dahilan kung bakit laging nagbabasa at nasisiyahan sa Gumising! ang lahat ng aking mga kasamahang peryodista, editor, at mga mananaliksik.

D.S.T., Cameroon

Bakit Nagkakasakit Nang Malubha? Nararanasan ko ang lahat ng damdaming ipinahayag ni Jason sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Kailangang Magkasakit Ako Nang Malubha?” (Abril 22, 1997) Tuwing binabasa ko ang artikulo, parang nakikipagkuwentuhan ako sa isang nakauunawa, nagpapahalaga, at nagmamalasakit sa aking kalagayan. Maraming salamat sa pagpapagaan ninyo sa aking pasanin. Batid ko na si Jehova ay nagmamalasakit at sa kaniyang itinakdang panahon, papawiin niya ang lahat ng karamdaman.

O. A., Ghana

Nasuri na ako’y nagkaroon ng mga atake ng karamdaman dalawang linggo bago lumabas ang artikulong ito. Katutuntong ko pa lamang sa 18, at dahil sa sakit ay lubhang nabawasan ang lahat ng kalayaang katatamo ko pa lamang. Napakaraming pag-iingat na dapat gawin at pildoras na dapat tandaan. Nagdusa rin nang malaki ang aking mga magulang, na namatayan na ng dalawang anak. Tunay na naantig ako sa artikulo anupat napaiyak ako. Tinalakay nito ang mismong mga kaisipan na kinikimkim ko, at pakiramdam ko’y naging normal akong muli. Nauunawaan kong may iba pa na may katulad na suliranin at álalahanín. Sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon, inilimbag ni Jehova ang impormasyon na kailangan ko upang makapanatiling malakas.

D. S., Estados Unidos

Nang mabasa ko ang artikulo, natanto kong higit na nagdurusa ang aking mga magulang kaysa kaninuman sa pagkakasakit ko. Sinasabi nila sa akin na namana ko ang aking sakit, at nanlulumo sila. Kapag nakikita ko silang ganiyan, labis akong nalulungkot para sa kanila.

Y. H., Hapon

Malusog ako nang ako’y bata pa. Ngunit sa aking pagbibinata ay sunud-sunod ang pagkakasakit ko. Pumasok ako sa buong-panahong ministeryo, at sa unang dalawang buwan, hindi ko naabot ang aking mga tunguhin dahil sa mahinang katawan. Masyado akong nanlumo, anupat (buong-kamaliang) inisip na may nagawa akong masama kay Jehova at pinarurusahan sa pamamagitan ng sakit. Nakatulong sa akin ang artikulo upang wastong makibagay sa aking kalagayan at huwag masiraan ng loob.

C. K., Ghana

Ang aking siyam-na-taong-gulang na anak na babae ay may diperensiya sa kakayahang matuto at may cerebral palsy. Siya ay napakatalino at nakababatid na limitado ang kaniyang nagagawa dahil sa kaniyang kapansanan. Bagaman siya’y laging masigla at masaya, sa pana-panahon ay medyo nanlulumo siya. Nakapagpasigla nang husto sa kaniya ang artikulong ito, pati na ang gabi-gabing pakikipag-usap niya sa kaniyang ama tungkol sa Paraiso sa hinaharap kung saan magiging kagaya na siya ng ibang mga bata.

Y. P., Estados Unidos

Sa loob ng mga sampung taon, nakikipagpunyagi ako sa isang ‘hindi nakikitang sakit,’ isa na nakaaapekto sa aking sistema sa panunaw. Dahil dito, kinailangan kong huminto sa buong-panahong ministeryo. Nang mabasa ko ang artikulong ito, nadama ko, sa unang pagkakataon, na waring may nakauunawa sa aking pakikipagpunyagi. Nakagiginhawang malaman na hindi ako nag-iisa. Para bang natanggal sa akin ang isang mabigat na pasan. Kulang ang aking pasasalamat. Ang nakapagpapatibay at napapanahong mga artikulong ito ay nakatutulong upang makapagtiis tayo sa matandang sistemang ito.

L. C., Canada

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share