Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 6/8 p. 3
  • Isang Batang Pinanganlang Mahirap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Batang Pinanganlang Mahirap
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bihag ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Mga Pagsisikap na Wakasan ang Kahirapan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Di-magtatagal, Wala Nang Magiging Dukha!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 6/8 p. 3

Isang Batang Pinanganlang Mahirap

SA ISANG maliit na nayon sa Aprika, tuwang-tuwa ang isang lalaking nagngangalang Okot at ang kaniyang asawa, si Matina, sa pagsilang ng kanilang panganay na anak, isang babae. Naglakbay patungo sa nayon ang mga kamag-anak at kaibigan nila upang magdala ng mga regalo at upang ipahayag ang kanilang hangarin na ang bata’y mabuhay nang matagal at maligaya.

Ang mag-asawa ay dumaranas ng napakahirap at abang pamumuhay. Sinasaka nila ang isang maliit na pitak ng lupa, at ang kanilang bahay, na pinanganakan ni Matina, ay yari sa mga bloke ng putik na ang bubong ay kugon. Buo na ang kanilang pasiya na sila’y magtatrabaho nang husto upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang panganay at di-matulad sa kanila. Upang maipagunita sa kanila ang tunguhing ito, pinanganlan nila ang kanilang anak ng Acan, na nangangahulugang “Ako’y Mahirap.”

Ano kaya ang magiging kinabukasan ni Acan? Kung ang buhay niya’y matutulad sa takbo ng buhay ng marami sa kanilang bansa, baka hindi siya kailanman matututong bumasa’t sumulat. Pagsapit niya sa hustong gulang, kung makapaghahanapbuhay siya, maaaring kumita lamang siya ng mga $190 bawat taon. At sa kanilang bansa, ang haba ng buhay ay 42 taon lamang.

Hindi lamang si Acan ang may ganitong problema. Sa halos 6 na bilyong tao sa lupa, mga 1.3 bilyon ang kumikita ng wala pang $370 bawat taon. Ang aberids sa mayayamang bansa ay $21,598. Sa bawat araw, 67,000 pa ang napapabilang sa malaking pangkat ng mahihirap, anupat mga 25 milyon bawat taon. Karamihan ay nakatira sa nagpapaunlad na mga bansa​—sa Aprika, Asia, at Latin Amerika. Ngunit maging sa mayayamang bansa, mayroon ding mga grupo ng mahihirap. At 7 sa 10 mahihirap sa daigdig ay babae.

Karamihan sa mga tao ay hindi kailanman makatakas sa kahabag-habag na karalitaan. Pinagkakaitan sila nito ng pinakamahahalagang pangangailangan​—pagkain, damit, at tuluyan. Inaalisan sila nito ng kalayaan, dignidad, edukasyon, at mabuting kalusugan. Sabi ng World Health Organization: “Ginamit ng karalitaan ang mapangwasak na impluwensiya nito sa bawat yugto ng buhay ng tao, mula sa oras ng paglilihi hanggang sa hukay. Ito’y nakipagsabuwatan sa pinakamababagsik at pinakamasasakit na karamdaman upang dulutan ng kahabag-habag na kalagayan ang lahat ng dumaranas nito.”

Ngunit hindi ba sumusulong naman ang pamantayan ng pamumuhay sa nagpapaunlad na mga bansa? Para sa ilan, oo. Para sa marami pang iba, hindi. Ang palagay na “nakahahabol na ang mahihirap” ay inilarawan ng magasing nauukol sa pag-unlad ng tao na Choices bilang ‘isang mapanlinlang na alamat.’ Sa halip ay sinabi nito: “Tayo’y nabubuhay sa isang daigdig na sa totoo’y nagiging lalong nagkakabaha-bahagi sa ekonomiya, kapuwa sa mga bansa at sa mga naroroon.”

Patuloy bang sasalutin ng karalitaan ang sangkatauhan magpakailanman? Sa susunod na dalawang artikulo, susuriin ng Gumising! ang masalimuot na paksang ito at ipakikita kung paano lulutasin ang mga ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share