Paghingi ng Tawad ng Isang Serip
Si Tom Will Lane ang serip na binanggit ni Edward Michalec sa Disyembre 22, 1996 artikulo ng “Gumising!” na “Pinalakas Upang Maharap ang mga Pagsubok sa Hinaharap.” Sa kasaysayan, ganito ang inilahad ni Michalec:
“Ang serip ng Wharton, Texas, E.U.A., ay galit na galit. Palibhasa’y ikaapat na itong pagpiit sa akin, siya’y sumigaw: ‘Bakit hindi ka sumunod sa mga utos?’
“ ‘May karapatan akong gawin ito,’ ang tugon ko. Lalo pa itong ikinagalit ng serip, at pinaghahampas niya ako ng isang panghampas na bakal na kung tawagin ay blackjack. Ang iba pang opisyal ay nakisali sa pagbugbog, kinulata ako sa pamamagitan ng puluhan ng kanilang baril.”
Kamakailan ay sumulat si Mary Perez, isang babaing nagtrabaho kay Serip Lane noong mga unang taon ng 1960: “Alam niya na ako ay isa sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya sa akin kung paano niya pinag-usig si Ed Michalec. Hiniling niya sa akin na sabihin sa ibang mga Saksi na ikinalulungkot niya ang kaniyang mga ginawa. Sinabi niya na hindi niya alam na ang mga Saksi ay mabubuting mamamayan at masunurin sa batas. Talagang nagsisi siya.”
Idinagdag pa ni Mary: “Bagaman ilang taon nang namatay ang serip, umaasa ako na ang liham na ito ay maghahatid ng paghingi niya ng tawad.”
Saka niya inilahad kung paano siya naging isang Saksi: “Nangyari ang pag-uusig kay Brother Michalec noong mga unang taon ng 1940. Dahil dito ay naging determinado akong makinig sa mga Saksi nang dumalaw sila sa aking tahanan. Di-nagtagal at nagsimula kaming mag-aral ng Bibliya. Nabautismuhan kaming mag-asawa noong 1949.”
Ito ay isa pang halimbawa na nagpapakita ng maaaring maging namamalaging epekto sa buhay ng iba ng paninindigan ng isang tao sa mga simulaing Kristiyano. Halimbawa, ilan ang lubhang naantig sa may-lakas-ng-loob na paninindigan ni Pedro at ng iba pang apostol noong unang siglo?—Gawa 5:17-29.
[Mga larawan sa pahina 31]
Sina Ed Michalec at Mary Perez, noong mga taon ng 1940