Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 1/22 p. 31
  • Mga Halaman Laban sa Polusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Halaman Laban sa Polusyon
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
  • Ang Kahali-halinang Paghanap ng Bagong mga Gamot
    Gumising!—1994
  • Radyaktibidad—Paano Ka Isinasapanganib Nito?
    Gumising!—1992
  • Pagbagsak ng Radyaktibong Materya—Isang Bagay na Dapat Ikabahala
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 1/22 p. 31

Mga Halaman Laban sa Polusyon

ANG pag-aalis ng maruruming bagay mula sa kontaminadong lupa at tubig ay isang matagal, magastos, at kadalasang mahirap na trabaho. Gayunman, kayang gawin ng karaniwang mga halaman ang trabahong iyan sa ganang sarili nito.

Isinasaalang-alang ng mga siyentipiko ang paggamit ng karaniwang damong-lawa at sitsirika upang linisin ang dating mga dako ng munisyon at tambakan ang lupain. Sa mga eksperimento, lubusang nakuha ng sterilized parrot feather at ng sitsirika ang TNT anupat sa loob lamang ng isang linggo wala nang bakas ng eksplosibo ang natira sa mga himaymay ng halaman, ni sumabog man ito nang sunugin ang mga ito! Natuklasan ng iba pang mga mananaliksik na nasisipsip at nababawasan ang sangkap ng nitroglycerin sa pamamagitan ng mga selula at katas ng karaniwang sugar beet.

Kumusta naman ang tubig na lubhang kontaminado ng radyaktibidad? Waring nakatutulong ang mga sunflower. Ginamit ang anim-na-linggong-gulang na mga sunflower upang lutasin ang kontaminadong itinatapong tubig sa isang abandonadong pagawaan ng uranium sa Ohio, E.U.A. Ang resulta? Ang kontaminasyon ng uranium ay nabawasan mula sa katamtamang 200 microgram sa bawat litro hanggang sa mababa pa sa ligtas na antas ng 20 microgram sa bawat litro. Ipinakikita ng iba pang pagsubok sa Chernobyl reactor, malapit sa Kiev, na sinipsip ng mga sunflower ang 95 porsiyento ng radyaktibong strontium at cesium sa loob lamang ng sampung araw!

Magagamit na ng mga magsasaka sa lalong madaling panahon ang dilaw na iris at ang bulrush sa kanilang pagsisikap na maiwasang madumhan ng pestisidyo at pamatay-damo ang mga daluyan ng tubig. Ang prosesong ito ng pag-aalis ng kontaminasyon ay pangunahin nang isinasagawa ng maliliit na organismo sa mga sistema ng ugat ng mga halaman na sumisira sa mga tagapagparumi at naglilinis sa tubig.

Ipinakikita ng mga nabanggit na halimbawa ang kamangha-manghang kakayahan ng lupa na maglinis sa sarili.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share