Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 3/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 3/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Suliranin sa Pagbabakasyon Talagang nasiyahan ako sa artikulong “Kung Paano Mo Maiiwasan ang mga Suliranin sa Pagbabakasyon.” (Hunyo 22, 1998) Marami akong natutuhan. Halimbawa, hindi ko alam na lumalaki pala ang panganib na mamuo ang iyong dugo kapag nakaupo ka sa kulong na lugar sa loob ng mahabang panahon.

L. G., Estados Unidos

Mga Tao​—Nakahihigit Lamang na mga Hayop? Nais kong magpasalamat nang marami sa serye ng mga artikulo na “Mga Tao​—Nakahihigit Lamang na mga Hayop?” (Hunyo 22, 1998) Pinag-isipan nang husto at mahusay ang pagkakasulat ng mga artikulong ito. Angkop itong basahin ng mga eksperto dahil sa aktuwal na pagsipi sa sinabi ng mga kilalang awtoridad. Sa katapus-tapusan, talagang imposibleng tutulan​—tayo ay nilalang ng Diyos.

A. D., Slovakia

Kawili-wili ang mga artikulong ito. Talagang nauunawaan ng Gumising! kung paano paiikliin ang malalalim at masalimuot na mga katotohanan upang maging simple at di-mapasisinungalingang mga pangungusap.

C. L. D., Alemanya

Napakabisa ng larawan sa pabalat para sa mga artikulo, at gayundin ang mga nilalaman. Salamat sa inyong patuluyang pagsisikap na ipagtanggol ang katotohanan sa Bibliya laban sa mapanlinlang na mga teoriya. Sa gawaing pangangaral, pumukaw ng matinding interes ng mga kabataan ang isyung ito ng Gumising!; tinanggap ito ng maraming taong bukás ang pag-iisip.

M. M., Italya

Ginalugad ng Isang Robot ang Mars Pagkatapos na pagkatapos na mabasa ko ang serye ng mga artikulo na bumabalangkas sa malaking agwat na naghihiwalay sa tao at sa mga hayop, nabuklat ko ang artikulo sa isyu ring iyon na pinamagatang “Ginalugad ng Isang Robot ang Mars.” (Hunyo 22, 1998) Tunay na maikli ngunit malinaw at di-matututulan ang pagsuhay ng artikulong iyan sa paksa tungkol sa malaking agwat sa pagitan ng talino ng tao at ng mga hayop!

G. D. M., Estados Unidos

Paano Kung Hindi Niya Sinusuklian ang Aking Pag-ibig? Natanggap ko ngayong araw na ito ang Hunyo 22 na isyu ng Gumising!, at nang makita ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kung Hindi Niya Sinusuklian ang Aking Pag-ibig?,” agad kong pinasalamatan si Jehova sa pagsagot niya sa aking mga panalangin. Determinado akong talakayin ang artikulong ito kasama ng aking inay at ikapit ang payo sa aking buhay. Ang serye ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” ay talagang isang maibiging paglalaan ng Diyos na Jehova.

K. M., Kenya

Ako’y isang babaing 22-taóng-gulang, at nasisiyahan akong magbasa ng bawat isyu ng inyong magasin; pero ito ang unang pagkakataon na lubhang nakaantig sa akin ang isang artikulo. Nang basahin ko iyon, napaluha ako. Kamakailan, nadama ko ang eksaktong mga damdamin na inilarawan ninyo, at marami akong tanong tungkol sa mga ito. Nakatulong sa akin ang artikulong ito upang lalong maunawaan ang mga bagay-bagay.

R. B., Lithuania

Nang basahin ko ang artikulong ito, ang reaksiyon ko ay, ‘Paanong may nakakaunawa sa nadarama ko?’ Tuwang-tuwa akong malaman na may-kabaitang inuunawa ni Jehova ang lahat ng bagay. Dumating ang magasin ngayong araw na ito, at kahit hatinggabi na, gusto kong sumulat kaagad.

A. N., Hapon

Bagaman inihanda ang artikulo para sa mga babae, nakatulong ito sa akin. Isang linggo pa lamang ang nakalilipas, ako’y tahasang tinanggihan, at masakit iyon. Natulungan ako ng inyong artikulo na suriin ang aking damdamin. Naaliw ako at, higit sa lahat, nakita ko na kapag pumipili ng mapapangasawa, dapat kong isipin ang pagbibigay, hindi ang pagtanggap.

P. H. S., Brazil

Lubhang idiniriin sa lipunan ng mga Koreano ang pag-aasawa ng isang babae sa oras na nasa edad na siya. Talagang isang hamon para sa isang Kristiyanong babae ang maghintay hanggang sa siya ay “lampas na sa kasibulan ng kabataan” bago mag-asawa. (1 Corinto 7:36) Salamat sa mahusay na payo.

S. C., Korea

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share