Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • “Sadyang Isinulat ang Gumising! na Ito Para sa Amin”!
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkabahala sa Impormasyon Sumulat ako upang pasalamatan kayo sa seryeng “Pagkabahala sa mga Impormasyon​—Paano Ka Naaapektuhan Nito?” (Enero 8, 1998) Palabasa ako, pero ngayon ko lamang napagtanto na ako’y nagiging labis na nababahala sa aking pagnanais na alaming lahat ang maaari kong malaman. Ang mga artikulong ito ay nakatulong sa akin na magkaroon ng timbang na pangmalas.

M. E., Italya

Nais kong batiin kayo sa gayong kumpletong mga artikulo. Lubos kong pasasalamatan kung pahihintulutan ninyong kopyahin ko ang pambungad na artikulo para sa isang magasin ng aming samahan ukol sa edukasyon at teknolohiya sa media. Ang tinatawag na information superhighway ay nagsisikip na, at sa pamamagitan ng gayong mga artikulo, ang isa’y tapat na mabibigyan ng impormasyon at sa gayo’y mahaharap niya ang panahon ng impormasyon.

G. D., Ghana

Ibinigay ang pahintulot na kopyahin ang artikulo.​—ED.

Natatakot sa Diyos? Naudyukan akong ipahayag ang aking kasiyahan sa artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Bakit Ka Matatakot sa Isang Diyos ng Pag-ibig?” (Enero 8, 1998) Noon ko pa pinag-iisipan ang mismong tanong na iyan. Naunawaan ko na ang pagkatakot sa Diyos ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na pagkatakot na hindi siya mapaluguran. Gayunman, nadama ko na kailangang maunawaan ko pang lubusan ang paksang ito. Saka ko naman nabasa ang artikulong iyan. Sa wakas, dumating din ang isang nakasisiyang pagtalakay sa kahulugan ng pagkatakot sa Diyos!

M. J. T., Estados Unidos

Itinuwid ang Kawalan ng Katarungan Salamat sa artikulong “Itinuwid ng Isang Europeong Korte ang Isang Pagkakamali.” (Enero 8, 1998) Nang marinig ko ang tungkol sa ating mga kapatid na dumudulog sa korte upang hindi mapilit na magserbisyo sa militar, naalaala ko kung paano naipanalo ng ating mga kapatid ang karapatang mangaral sa bahay-bahay tuwing Linggo. Ang ganitong mga ulat ay tumutulong sa akin upang huwag kailanman ipagwalang-bahala ang pribilehiyong ito.

S. V., Estados Unidos

Mga Inca Matapos kong basahin ang artikulong “Kung Paano Naiwala ng mga Inca ang Kanilang Ginintuang Imperyo” (Enero 8, 1998), nais kong ipaabot ang aking lubusang pasasalamat sa napakagagandang larawan at makabagbag-damdaming kuwento. Ang pagsisikap ninyong mga Saksi na ipaabot ang inyong nakagiginhawang mensahe sa mga inapo ng mga Inca ay walang-pagsalang magdudulot sa kanila ng labis na kaaliwan. Salamat, Gumising!, sa pagsasabi ng katotohanan.

S. B., Nigeria

Ako po’y sampung taóng gulang, at nais ko pong pasalamatan kayo sa artikulong ito. Nagulat po ako sa haba ng daan na ginawa ng mga Inca. Nagustuhan ko rin po ang paraan nila ng pagdadala ng mga mensahe.

F. C., Estados Unidos

Mga Anak na Bumubukod Na Nagpapasalamat ako sa seryeng “Kapag Bumukod Na ang mga Anak.” (Enero 22, 1998) Masakit at mabagal ang pagtanggap ko sa pagbukod ng aking pinakatatanging mga anak. Pero, tama kayo. Ang pamumuhay sa isang bakanteng pugad ay bumubuti sa paglipas ng panahon at pagpapakita ng pang-unawa. Napanunumbalik naming mga magulang ang buklod ng pakikisama sa aming mga sariling asawa.

A. E., Canada

Naging sagot sa aking mga panalangin ang mga artikulong ito. Ang pagbukod ng mga anak ay maaaring pagmulan ng sama ng loob at pag-aalitan. Ngunit dahil sa mabuting payo mula sa artikulong ito, maaaring magtagumpay ang kapayapaan at pag-ibig.

P. N., Pransiya

Nadama kong pantanging isinulat ang mga artikulong ito para sa akin. Kabubukod ko pa lamang upang maglingkod sa isang lugar na nangangailangan ng mga pambuong-panahong ebanghelisador. Nakatulong sa akin ang mga artikulong ito upang maunawaan ang nadarama ng aking mga magulang at upang mapagtagumpayan ang panunumbat ng aking budhi nang lisanin ko sila. Isa pa, susundin ko ang payo na nasa bahaging “Isang Mungkahi sa Malalaki Nang Anak​—Tulungan ang mga Magulang na Tanggapin ang Pagbukod.” Kahit malayo na ako, madarama ko pa rin na ako’y malapit sa aking mga magulang. Salamat sa ganitong mga artikulo na palaging dumarating sa tamang panahon.

G. U., Italya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share