Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 11/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Rio de Janeiro—Maganda at Kaakit-akit
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Isang Punungkahoy na Umaawit
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 11/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pananamit Ako ay sumulat sa inyo may kaugnayan sa artikulong “Ang Uri ng Ating Pananamit​—Talaga Bang Mahalaga Ito?” (Pebrero 8, 1999) Pinahahalagahan ko ang inyong ginagawang paglalaan sa amin ng “pagkain sa tamang panahon.” (Mateo 24:45) Subalit ang ilan sa mga komento sa artikulo ay waring nagpapahayag ng personal na mga opinyon. Hindi makatuwiran na ilathala na “ang mga kamisetang nag-aanunsiyo ng iyong paboritong artista o manlalaro . . . ay maaaring magtulak sa iyo sa pagsamba sa iyong hinahangaan​—sa idolatriya.” Posible na maibigan, o hangaan pa nga, ang isang atleta nang hindi nilalabag ang anumang utos sa Bibliya.

M. D., Pransiya

Pinahahalagahan namin ang prangkahang mga komentong ito, ngunit hindi namin hangarin na gumawa ng mga regulasyon o magtatag ng mga tuntunin sa pananamit. Pinasisigla ng aming artikulo ang mga mambabasa na gumamit ng ‘matinong pag-iisip’ sa kanilang personal na pagpili ng mga damit. (1 Timoteo 2:9, 10) Ang komento hinggil sa T-shirts ay hindi dogmatiko kundi kinikilala ang posibilidad na ang pagsusuot ng gayong mga istilo ay maaaring makapinsala sa mismong nagsusuot. Bagaman maaaring walang masama sa paghanga sa kasanayan o talento ng isang indibiduwal, katalinuhan ba para sa isang Kristiyano na magsuot ng isang bagay na maaaring magbigay ng impresyon sa iba na hinahangaan niya ang istilo ng pamumuhay at moralidad ng isa na hindi namumuhay ayon sa mga pamantayan ng Bibliya?​—ED.

Pagkatapon sa Siberia Labis akong naantig ng makapigil-hiningang kasaysayan ni Lembit Toom, “Kalahating Siglo sa Ilalim ng Totalitaryong Kalupitan” (Pebrero 22, 1999), anupat hindi ko na mapigil na hindi ipahayag ang aking pagpapahalaga. Kinailangan niya ang malaking pananampalataya sa Diyos na Jehova para makaligtas sa gayong mga panahong mapanghamon. Ang bagong kalayaan na natatamasa ng ating mga kapatid sa dating Unyong Sobyet ay karapat-dapat lamang.

J. D., Estados Unidos

Punungkahoy na Umaawit Taimtim kong pinasasalamatan ang paglalathala ninyo ng mga artikulo hinggil sa kalikasan. Lalo kong napahalagahan ang artikulong “Isang Punungkahoy na Umaawit.” (Marso 8, 1999) Wala akong kaalam-alam tungkol sa sumisipol na tinik. Matapos mabasa ang tungkol sa melodyang pinalalabas nito sa pamamagitan ng kaniyang mahahabang tinik at hungkag na mga umbok na pinanginginig ng hangin, nagunita ko ang Awit 96:12, 13: “Bumulalas nang may kagalakan ang lahat ng mga punungkahoy sa kagubatan sa harapan ni Jehova.” Sa sarili nitong paraan, pinupuri ng pambihirang punungkahoy na ito si Jehova.

M. D., Italya

Rio de Janeiro Bilang isang Carioca, isang naninirahan sa Rio, nasumpungan kong kawili-wili at nakapagtuturo ang inyong artikulong “Rio de Janeiro​—Maganda at Kaakit-akit.” (Marso 8, 1999) Ang pangmalas sa Rio ay labis na nasira dahil sa pangit na paglalarawan ng media.

O. D. C., Brazil

Gaya sa tuwina, ang inyong impormasyon ay maingat na inihanda. Iniwasan ninyong iharap ang maling akala sa mga mahihirap, na malimit sisihin sa mga panlipunang suliranin ng Rio.

V. R. L., Brazil

Liham sa mga Magulang Lubha akong napatibay-loob sa artikulong “Isang Natatanging Liham sa Kanilang mga Magulang.” (Marso 8, 1999) Ganoon ang dapat na isinulat ko sa aking mga magulang. Sila’y mabubuting halimbawa sa pagdalo sa mga pulong Kristiyano, sa pagiging regular sa ministeryo, at sa pagpapamalas ng pagkamapagpatuloy. Ang aking ama ay isang ministeryal na lingkod; tiyak na abalang-abala siya sa mga pananagutan sa kongregasyon. Gayunman, siya ay madalas na nagsasaayos ng paglilibang para sa amin, at kailanman ay hindi kami nainggit sa aming mga kaklase. Namatay siya sa isang aksidente sa sasakyan nang pauwi siya galing sa isang Kristiyanong kombensiyon, at nagbago nang malaki ang aming buhay. Ngunit ang paggunita sa kaniyang istilo ng pamumuhay na laging inuuna ang Kaharian at sa pananampalataya ng aking ina, napakilos ako na magpatuloy sa paglilingkod kay Jehova.

S. K., Hapon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share