Ang Kasaysayan—Dapat ba Natin Itong Pagtiwalaan?
“Ang kaalaman hinggil sa kasaysayan ay nagdudulot . . . ng damdamin na tayo’y bahagi ng isang samahan na sumasaklaw sa malaon nang mga panahon bago pa tayo ipinanganak hanggang sa kalaunan pa pagkamatay natin.”—A COMPANION TO THE STUDY OF HISTORY, NI MICHAEL STANFORD.
ANG mabuhay nang walang kasaysayan ay pamumuhay nang walang anumang alaala. Kung walang kasaysayan, ikaw, ang iyong pamilya, ang iyong tribo, o maging ang iyong bansa ay waring walang pinagmulan, walang nakalipas. Ang kasalukuyan ay waring walang saligan at halos walang kabuluhan.
Ang kasaysayan ay maaaring maging isang malaking imbakan ng mga aral sa buhay. Matutulungan tayo nito na maiwasan ang paggawa ng gayunding mga pagkakamali nang paulit-ulit. Gaya ng sinabi ng isang pilosopo, ang mga tao na nakalilimot sa nakalipas ay nakatalagang umulit nito. Ang pagiging pamilyar sa kasaysayan ay makatutulong sa atin na maunawaan ang nakalipas na mga sibilisasyon, kagila-gilalas na mga tuklas, nakatutuwang mga tao, at iba’t ibang pangmalas sa mga bagay-bagay.
Ngunit yamang ang kasaysayan ay tumatalakay sa mga tao at mga pangyayari noong sinauna, paano natin malalaman kung ito’y mapagkakatiwalaan? Upang matuto tayo ng mahahalagang aral sa kasaysayan, maliwanag kung gayon na ang mga ito’y dapat na nakasalig sa katotohanan. At kapag natuklasan natin ang katotohanan, dapat nating tanggapin ito, hindi man iyon laging kaayaaya. Ang nakalipas ay maihahalintulad sa isang hardin ng kaktus—mayroon itong angking kagandahan at mga tinik; maaari itong magbigay ng inspirasyon, at maaari rin itong makaduro.
Sa sumusunod na mga artikulo, isasaalang-alang natin ang ilang aspekto ng kasaysayan na makatutulong sa atin na pagtimbang-timbangin ang kawastuan ng ating binabasa. Isasaalang-alang din natin kung paano makikinabang sa tunay na kasaysayan ang isang matalinong mambabasa.
[Larawan sa pahina 3]
Reyna Nefertiti
[Larawan sa pahina 3]
Anong mga aral ang matututuhan natin sa kasaysayan?
[Picture Credit Lines sa pahina 3]
Nefertiti: Ägyptisches Museum der Staatlichen Museen Preußischer Kulturbesitz, Berlin
Border: Photograph taken by courtesy of the British Museum