Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 7/22 p. 31
  • Nakakita Ka Na ba ng Stilt Palm?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakakita Ka Na ba ng Stilt Palm?
  • Gumising!—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Pagdalaw sa Isang Kakaibang Hardin
    Gumising!—1999
  • Palma, Puno ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Puno ng Palma
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2004
g04 7/22 p. 31

Nakakita Ka Na ba ng Stilt Palm?

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA PERU

ANG mga stilt palm (isang uri ng palma) ay karaniwang tanawin sa ilang bahagi ng daigdig. May kakaiba itong hitsura. Ang unang ugat ng palma ay tumitigil sa paglaki kapag umabot na ito sa isang partikular na laki, samantalang ang iba pang bahagi ng tanim na ito ay patuloy pang lumalaki. Kaya naman, ang mga bukó ng katawan nito ay tinutubuan ng mas maraming ugat, na lumalaylay sa lupa at nagmimistulang mga tayakad.

Ang mga stilt palm ay hindi lamang kawili-wiling mga tanim. Naglalaan ang mga ito ng kanlungan sa maliliit na hayop na nagtatago sa mga ugat nito. Nakikinabang din ang mga tao rito. Sa ilang bansa, ginagamit ng mga naninirahan doon ang kahoy nito upang gumawa ng kanilang mga bahay, lakip na ang sahig, at ginagamit nila ang mga dahon sa paggawa ng bubong, walis, at hinabing mga basket. Ang ilang tao na nakatira malayo sa tropikal na maulang kagubatan ay maaaring nakagamit na ng eleganteng baston o nakalakad na sa matibay na sahig na parquet na gawa sa kahoy ng mga stilt palm, na may disenyong parang mga ugat na matingkad ang kulay.

Tulad ng maraming palma, ang mga stilt palm ay mapagkukunan din ng pagkain. Marami sa mga ito ay may masarap na ubod na puwedeng kainin. Nakalulungkot, habang lumalaki ang pangangailangan para sa eksotiko at espesyal na pagkaing ito, pinuputol ang ilang uri ng palma dahil lamang sa malambot at masarap na ubod nito, anupat iniiwang nagkalat ang iba pang bahagi ng puno sa lupa.

[Mga larawan sa pahina 31]

Ang mga “stilt palm” ay mapagkukunan ng maraming kapaki-pakinabang na produkto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share