Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 6/8 p. 14
  • Palabasin ang Nakamamatay na Usok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Palabasin ang Nakamamatay na Usok
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Usok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ano ang Masama sa Paninigarilyo?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Ano ba ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Paninigarilyo?
    Gumising!—2011
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 6/8 p. 14

Palabasin ang Nakamamatay na Usok

NAKABABAHALA ang mga estadistika: Tatlo katao ang namamatay sa loob ng kanilang tahanan bawat minuto sa araw-araw. Ang sanhi​—usok mula sa nasusunog na biomass.

Ano ba ang biomass? Ito ay maaaring pinatuyong dumi ng hayop, tuyong kahoy, maliliit na sanga, damo, o mga labí ng mga pananim na maaari pang mapakinabangan. Sangkatlo ng populasyon sa daigdig, mahigit dalawang bilyon katao, ang gumagamit ng biomass bilang panggatong sa pagluluto at pagpapainit, ang ulat ng The Kathmandu Post ng Nepal. Kadalasang ito ang tanging panggatong na makukuha ng mga lubhang nagdarahop.

Nakalulungkot, ang nasusunog na biomass ay naglalabas ng nakamamatay na mga gas. Kaya ano ang maaaring gawin? “Simple lamang ang lunas sa polusyon sa hanging nasa loob ng bahay: alinman sa hadlangan ang pagpasok ng usok sa tahanan o palabasin ito mula sa tahanan,” ang sabi ng Intermediate Technology Development Group (ITDG), isang organisasyong tumutulong sa mga tao sa maraming bansa na mapabuti ang kanilang buhay.

Ang unang mungkahi ay ang pagluluto sa labas ng bahay. Subalit paano kung hindi ito puwede o hindi ito kanais-nais? Paghusayin ang bentilasyon ng tahanan, ang mungkahi ng ITDG. May dalawang paraan upang magawa ito​—sa pamamagitan ng pagbutas sa dingding malapit sa kisame o bubong (lagyan ng iskrin na pangharang sa maliliit na hayop) at paglalagay ng mga bintana (magagamit na pantabing ang mga persiyana). Tumutulong ito upang makapasok ang hangin at makalabas sa bahay ang usok. Gayunman, hindi praktikal ang mga butas sa dingding kung sinusunog ang panggatong para sa pagpapainit, kaya makatutulong ang isa pang simpleng pamamaraan.

Ang mga smoke hood ang isa sa pinakamagaling at pinakamabisang paraan ng pag-aalis ng usok sa bahay, ang sabi ng ITDG. Makamumura kung gagawa ng mga hood na yari sa yero o maging sa laryo at putik. Ang malalapad na kulandong na ito ay inilalagay sa ibabaw ng apuyan at may tsiminea upang makalabas sa bubong ang usok mula sa bahay. Sinasabi ng mga eksperto na kapag mahusay ang bentilasyon malapit sa kisame o bubong at gumamit ng mga smoke hood, mababawasan nang 80 porsiyento ang mapanganib at nagpaparuming mga gas sa tahanan. Sinasabi ng mga taong gumagamit ng smoke hood na naging mas malusog sila, mas malinis, mas maraming nagagawang trabaho, at higit na nasisiyahang mamalagi sa bahay​—katibayan ito na maging ang isang bagay na napakasimple ay makapagpapabuti ng buhay.

[Larawan sa pahina 14]

Isang kusina sa loob ng bahay sa Kenya na may “smoke hood,” malaking espasyo sa medya-agwa, at bintana

[Credit Line]

Dr. Nigel Bruce/www.itdg.org

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share