Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 10/22 p. 17-19
  • Mga Chat Room—Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib Nito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Chat Room—Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib Nito?
  • Gumising!—2005
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Inoorganisa Ayon sa Layunin
  • Nagdudulot ng Katiwalian sa Moral
  • Ang Bitag ng Pagbukod
  • Pag-iwas sa mga Panganib
  • Mga Chat Room—Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol Dito?
    Gumising!—2005
  • Ang Internet—Kung Paano Makaiiwas sa mga Panganib
    Gumising!—2004
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2005
  • Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib sa Internet?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 10/22 p. 17-19

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Mga Chat Room​—Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib Nito?

“Regular akong nakikipag-chat sa Internet nang tatlo o apat na oras araw-araw. Kung minsan ay anim o pitong oras akong tuluy-tuloy na nakikipag-chat.”​—José.a

ANG mga chat room​—tulad ng iba pang lugar kung saan nagkakahalubilo ang mga taong hindi magkakakilala​—ay may mga panganib na dapat mong malaman. Bilang paglalarawan, kung pupunta ka sa isang malaking lunsod, makatuwiran lamang na sisikapin mong alamin at iwasan ang mapanganib na mga lugar upang maging ligtas ka.

Kapit din iyan kung papasok ka sa isang chat room. Sa isyu ng Setyembre 22 ng Gumising!, tinalakay ang dalawang panganib ng mga chat room, samakatuwid nga, ang posibilidad na makilala mo ang mga nambibiktima sa seksuwal na paraan at ang tukso na manlinlang ka. May iba pang panganib na dapat mong isaalang-alang. Pero bago ito, paano ba inoorganisa ang mga chat room?

Inoorganisa Ayon sa Layunin

Karaniwang inoorganisa ang mga chat room ayon sa mga paksa na nakaaakit sa partikular na mga grupo ng tao. Ang ilan ay maaaring para sa mga mahilig sa isang partikular na isport o libangan. Ang iba naman ay talakayan hinggil sa isang palabas sa telebisyon. Ang iba pa ay para sa mga taong nag-aangking kaanib ng isang partikular na relihiyon.

Kung isa kang Saksi ni Jehova, baka dahil sa pagkamausisa ay maudyukan kang pumasok sa chat room na nag-aangking isang lugar kung saan makahahanap ng bagong mga kaibigan ang mga kabataang Saksi mula sa palibot ng daigdig. Magandang tunguhin ang magkaroon ng mga kaibigang kapananampalataya mo. Gayunman, may di-namamalayang mga panganib para sa mga Kristiyano ang mga chat room na ito. Anu-anong uri ng panganib?

Nagdudulot ng Katiwalian sa Moral

“Nasa chat room ako kasama ang isang grupo ng mga tao na inaakala kong pawang mga Saksi ni Jehova,” ang sabi ng kabataang nagngangalang Tyler. “Gayunman, di-nagtagal ay sinimulang pintasan ng ilan sa mga taong ito ang ating paniniwala. Nang maglaon, maliwanag na talagang mga apostata sila.” Mga indibiduwal sila na sadyang sumisira sa moralidad ng mga taong sinasabi nilang kapananampalataya nila.

Nagbabala ang Anak ng Diyos na si Jesu-Kristo na ang ilan sa mga sumunod sa kaniya ay sasalansang sa kanilang mga kasamahan. (Mateo 24:48-​51; Gawa 20:29, 30) Tinatawag ni apostol Pablo na mga bulaang kapatid ang gayong mga indibiduwal noong kaniyang panahon at sinabi pa niya na “pumuslit” ang mga ito upang pinsalain ang mga nasa kongregasyong Kristiyano. (Galacia 2:4) Sinabi ng manunulat sa Bibliya na si Judas na “nakapuslit sa loob” ang mga ito sa layuning “[gawing] dahilan ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Diyos para sa mahalay na paggawi.” (Judas 4) Inilarawan din niya sila bilang “mga batong nakatago sa ilalim ng tubig.”​—Judas 12.

Pansinin na tinukoy kapuwa nina Pablo at Judas ang tusong mga pamamaraan na madalas gamitin ng mga apostata. Binanggit ng mga manunulat na ito ng Bibliya na “pumuslit” ang mga apostatang ito sa layuning sirain ang moralidad ng mga nasa kongregasyong Kristiyano. Sa ngayon, tamang-tamang lugar ang mga chat room upang makapagbalatkayo ang mga tiwaling ito at isakatuparan ang kanilang tusong mga pakana. Tulad ng mga batong nakatago sa ilalim ng tubig, itinatago ng huwad na mga Kristiyanong ito ang kanilang tunay na layunin sa pagkukunwaring nagmamalasakit sila sa mga kabataang Saksi. Subalit ang tunguhin nila ay sirain ang pananampalataya ng mga hindi maingat.​—1 Timoteo 1:19, 20.

Paulit-ulit na nagbababala ang magasing ito, at ang iba pang publikasyong inilathala ng mga Saksi ni Jehova, tungkol sa partikular na panganib na ito.b Kaya naman, ang sinumang makilala mo sa chat room na diumano ay ginawa para sa mga Saksi ni Jehova, hindi man siya apostata, ay isang taong hindi sumusunod sa payong ito. Gusto mo ba talagang maging kaibigan yaong sadyang nagwawalang-bahala sa mga tagubiling salig sa Bibliya?​—Kawikaan 3:5, 6; 15:5.

Ang Bitag ng Pagbukod

Ang isa pang aspekto ng mga chat room na dapat mong isaalang-alang ay ang dami ng oras na kinukuha nito. Ganito ang sabi ni José, na binanggit sa simula ng artikulong ito: “Kung minsan ay abalang-abala ako sa mga talakayan sa chat room anupat nalilimutan ko nang kumain.”

Baka hindi ka naman abalang-abala sa mga chat room na gaya ni José. Gayunman, upang makapag-chat sa Internet, kailangan mong bumili ng panahon mula sa iba pang gawain. Ang kaagad na naisasakripisyo ay hindi ang iyong takdang-aralin o gawaing-bahay. Maaaring ang unang maaapektuhan ay ang pakikipag-usap mo sa iyong pamilya. Sinabi ni Adrian, na nakatira sa Espanya: “Matapos kumain, umaalis ako kaagad sa mesa para makipag-chat sa Internet. Nalulong ako sa mga chat room anupat halos hindi ko na kinakausap ang aking pamilya.”

Kung ginugugol mo na sa mga chat room ang panahon para sa mahahalagang bagay, baka ibinubukod mo na rin ang iyong sarili sa mga taong mahalaga sa iyo. Ganito ang naaangkop na babala ng Bibliya: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin; laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya.” (Kawikaan 18:1) Ang mga taong hindi mo kakilala na nakakausap mo sa maraming chat room ay malamang na hindi magpatibay sa iyo na mamuhay ayon sa praktikal na karunungan sa Bibliya. Mas malamang na himukin ka nilang itaguyod ang iyong pansariling mga kapakanan at tuksuhin kang lumihis mula sa mga pamantayang moral ng mga Kristiyano.

Totoo, maaaring nagiging kaakit-akit sa iyo ang mga chat room dahil mas madaling makipag-usap sa Internet kaysa sa mga kapamilya mo. Waring mas nananabik makinig sa iyong opinyon sa mga bagay-bagay ang mga nakakausap mo sa chat room at baka mas prangka nilang naipahahayag ang kanilang nadarama. Sa kabilang banda, baka parang abalang-abala ang iyong mga kapamilya upang makinig sa iyong mga kinawiwilihan at baka nahihirapan pa nga silang ipahayag ang kanilang damdamin.

Gayunman, tanungin ang iyong sarili: ‘Talaga bang kilala ako ng mga kausap ko sa Internet? Talaga bang interesado sila sa pangmatagalang kapakanan ko?’ Mas malamang na nagmamalasakit sa iyong emosyonal at espirituwal na kalusugan ang iyong mga kapamilya. Kung nagsisikap ang iyong mga magulang na mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Bibliya, gustung-gusto nilang makipag-usap sa iyo. (Efeso 6:4) Kung magalang mong sasabihin sa kanila ang iyong kaisipan at damdamin, baka magulat ka na mas mabait pala ang paraan ng kanilang pagtugon kaysa sa inaasahan mo.​—Lucas 11:11-13.

Pag-iwas sa mga Panganib

Baka may mahigpit ka namang dahilan para pumasok sa isang chat room​—halimbawa, bahagi ito ng iyong proyekto sa paaralan.c Kung gayon, matitiyak mong hindi magiging bitag sa iyo ang mga chat room sa pamamagitan ng pagsunod sa simpleng mga pag-iingat na ito.

Una, iwasang gumamit ng computer na nakakonekta sa Internet sa loob ng sarili mong silid. Ang paggawa nito ay tulad ng pagpapagala-gala nang mag-isa sa madilim na lansangan sa isang di-pamilyar na lunsod​—inilalagay mo sa panganib ang iyong sarili. Sa halip, ilagay ang computer sa isang lugar sa bahay kung saan madali kang masusubaybayan ng iba sa paggamit nito.

Ikalawa, gawing mas bukas ang pakikipag-usap sa iyong mga magulang sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga site na pinapasok mo sa Internet at ng pagpapaliwanag kung bakit mo kailangang pumasok sa isang partikular na chat room. Gayundin, magtakda ng oras na gugugulin mo sa computer, at sundin ito.

Ikatlo, maglagay ng mga programa sa computer na kumokontrol sa dumarating na mga mensahe upang maprotektahan ka mula sa seksuwal na panliligalig sa Internet. Kung makatanggap ka ng mensahe sa Internet na humihiling sa iyo na gumawa ng kahalayan, ipaalam mo kaagad ito sa iyong mga magulang o guro. Sa ilang bansa, isang krimen para sa isang adulto na humiling sa isa na gumawa ng kahalayan sa pamamagitan ng mahahalay na text o iba pang pornograpikong materyal sa kabila ng pagkaalam na menor-de-edad ang kausap niya. Dapat silang isumbong sa pulis.

Bukod dito, huwag na huwag ibigay ang iyong pangalan, adres, pangalan ng iyong pinapasukang paaralan, o numero ng telepono sa sinumang nakilala mo sa chat room. At huwag na huwag kang tatanggap ng paanyayang makipagkita sa isang taong nakilala mo sa Internet!

Bagaman isinulat libu-libong taon na ang nakalilipas, ang mga salita ng matalinong si Haring Solomon ay kapit sa mga panganib sa chat room: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walang-karanasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan.”​—Kawikaan 22:3.

[Mga talababa]

a Binago ang ilang pangalan.

b Tingnan ang Disyembre 8, 2004 na isyu ng Gumising!, pahina 18-21.

c Tingnan ang Enero 22, 2000 na isyu ng Gumising!, pahina 20.

[Larawan sa pahina 18]

Isang katalinuhan na ipakita sa iyong mga magulang ang mga ‘site’ na pinapasok mo sa Internet

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share