Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/09 p. 3
  • Sekreto 1: Tamang Priyoridad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sekreto 1: Tamang Priyoridad
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Hindi Kayo Magkasundo
    Tulong Para sa Pamilya
  • Kapag Masyado Ka Nang Malapít sa Iba
    Gumising!—2013
  • Pagdidiborsiyo ng mga May-edad—Paano Maiiwasan?
    Tulong Para sa Pamilya
  • Sekreto 6: Pagpapatawad
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2009
g 10/09 p. 3

Sekreto 1: Tamang Priyoridad

“[Tiyakin] ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga.”​—Filipos 1:10.

Ano ito? Sa maligayang pag-aasawa, inuuna ng bawat isa ang pangangailangan ng kaniyang asawa sa halip na ang kaniyang sarili, pag-aari, trabaho, kaibigan, at kahit mga kamag-anak. Malaking panahon ang ginugugol ng mag-asawa sa isa’t isa at sa kanilang mga anak. Pareho silang handang magsakripisyo para sa kapakanan ng pamilya.​—Filipos 2:4.

Bakit ito mahalaga? Ayon sa Bibliya, napakahalaga ng pamilya. Sa katunayan, sinabi ni apostol Pablo na ang hindi naglalaan para sa kaniyang pamilya ay “lalong masama kaysa sa taong walang pananampalataya.” (1 Timoteo 5:8) Pero puwedeng magbago ang priyoridad ng isa. Halimbawa, napansin ng isang tagapayo sa pamilya na marami sa mga dumalo sa komperensiyang idinaos niya ang mas nagpapahalaga sa trabaho kaysa sa pamilya. Ayon sa kaniya, umaasa ang mga ito na matututo sila ng “madaliang solusyon” sa mga problema ng kanilang pamilya, at sa gayo’y mas makakapagpokus sila sa kanilang trabaho. Ang aral? Mas madaling sabihin na inuuna natin ang ating pamilya kaysa ipakita ito.

Subukin ito. Tingnan ang priyoridad mo. Gamitin ang sumusunod na mga tanong.

◼ Kapag gustong makipag-usap ng aking asawa o anak, nakikinig ba ako agad?

◼ Kapag nakikipagkuwentuhan ako sa iba tungkol sa mga ginagawa ko, madalas ko bang banggitin ang mga ginagawa ko kasama ng aking pamilya?

◼ Tumatanggi ba ako sa karagdagang pananagutan (sa trabaho o sa iba pang bagay) kapag kailangan ako ng aking pamilya?

Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, baka isipin mong tama ang iyong priyoridad. Pero ano kaya ang masasabi ng pamilya mo? Hindi lamang ang pangmalas mo ang sukatan kung talagang tama ang iyong priyoridad. Kailangan mo ring malaman ang tingin ng iba sa iyo. Totoo rin iyan sa iba pang sekreto ng maligayang pamilya na tatalakayin sa sumusunod na mga pahina.

Ang dapat gawin. Mag-isip ng isa o dalawang paraan na maipakikita mong priyoridad mo talaga ang iyong pamilya. (Halimbawa: Baka puwede mong bawasan ang mga gawaing umuubos ng iyong oras para magkaroon ka ng higit na panahon sa pamilya mo.)

Bakit hindi mo ito ipakipag-usap sa iyong pamilya? Kapag handang magbago ang isang miyembro ng pamilya, malamang na sumunod din ang iba.

[Larawan sa pahina 3]

Priyoridad ng matagumpay na magulang ang kaniyang asawa’t anak

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share