Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/11 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2011
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagguho ng Tiwala sa Simbahan
  • Tapós sa Kolehiyo Pero Walang Trabaho
  • Kinakalawang na Tulay Dahil sa Dura
  • Bakit Nawawalan ng Impluwensiya ang Simbahan?
    Gumising!—1996
  • Calcutta—Masiglang Lunsod ng mga Pagkakaiba
    Gumising!—1998
  • Ang Iglesya Katolika ng India—Saan Ito Patungo?
    Gumising!—1987
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—2011
g 3/11 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

Unang divorce fair sa Italya. Ang mga bisita ay komunsulta sa mga marriage agency para sa bagong partner, mga travel agency para sa bakasyon ng mga single, at mga divorce-planning agency para sa mga abogado, accountant, psychologist, at mga tagapamagitan sa pamilya.​—CORRIERE DELLA SERA, ITALYA.

Ang “kawalan ng kredibilidad” ng Simbahang Katoliko dahil sa “maling pagharap sa krisis sa pang-aabuso sa sekso ng mga klero” ay humantong sa “pinakamalalang krisis ng simbahan sa nakalipas na mga siglo, malamang na sa buong kasaysayan pa nga ng simbahan.”​—NATIONAL CATHOLIC REPORTER, E.U.A.

Matapos pagsunud-sunurin ang DNA mula sa nagyelong buhok ng isang taga-Greenland na namatay mga 4,000 taon na ang nakalilipas, natuklasang siya ay “tila nagmula sa Siberia.”​—REUTERS NEWS SERVICE, E.U.A.

Pagguho ng Tiwala sa Simbahan

“Wala nang tiwala ang karamihan ng mga tao sa Simbahan [ng Katoliko],” ang sabi ng ulo ng balita sa The Irish Times. Ayon sa ulat, ang Simbahang Katoliko ay kapareho ng ibang institusyon​—ang gobyerno at bangko​—na hindi na pinagtitiwalaan ng mga taga-Ireland. Sa bansang kilalang-kilala sa katapatan nito sa simbahan, mahigit sa kalahati ng ininterbyu sa isang surbey kamakailan ang nagsabi na “walang-wala” silang tiwala sa simbahan (32 porsiyento) o ‘hindi sila gaanong’ tiwala sa simbahan (21 porsiyento). Isinisisi sa mga iskandalong yumanig sa simbahan ang “pagguho” ng tiwala ng mga tao rito.

Tapós sa Kolehiyo Pero Walang Trabaho

Garantiya ba ng trabaho ang pagtatapos sa kolehiyo? Ayon sa Manila Bulletin, hindi ito totoo para sa marami. Sinipi nito ang sinabi ng alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista: “Taun-taon, milyun-milyon ang nagtatapos sa aming mga kolehiyo at unibersidad, pero walang trabaho dahil hindi bagay ang kanilang kurso sa maaaplayang mga trabaho.” Marami ang nagiging mga crew sa fast food o mga clerk. Hinihimok ng gobyerno ang mga nagtatapos sa haiskul na kumuha ng maiikling teknikal o praktikal na kurso na mas madaling hanapan ng trabaho.

Kinakalawang na Tulay Dahil sa Dura

Sa Calcutta, India, ang Howrah Bridge na may habang 457 metro ay nanganganib masira dahil sa pagdura ng mga dumaraan dito. Bakit? Ang gutkha​—popular na pinaghalu-halong dahon ng betel, areca nut, at apog, na nginunguya at idinudura ng marami​—ay napakabilis makakalawang. Ayon sa pahayagang The Telegraph sa Calcutta, “ang naipong dura ng mga biyahero ay nagpapanipis sa bakal na nakabalot sa mga haligi [ng tulay], mula anim na milimetro ay naging tatlo na lang simula noong 2007.” Mga 500,000 tao at 100,000 sasakyan ang dumaraan dito araw-araw.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share