Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/13 p. 3
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2013
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Estados Unidos
  • Nigeria
  • Spain
  • Daigdig
  • Bakit Hindi Gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng Krus sa Pagsamba?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Talaga Bang sa Krus Namatay si Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang Krus ba’y Para sa mga Kristiyano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Gumising!—2013
g 12/13 p. 3

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Estados Unidos

Sa isang pag-aaral, halos sangkatlo ng mga tumatawid sa mga abaláng kalsada ang may pinagkakaabalahan​—nakikinig sa musika, nakikipag-usap sa telepono, at iba pa. Ang pinakadelikadong pinagkakaabalahan ay ang pagte-text. Ang mga nagte-text ay 18-porsiyentong mas mabagal tumawid kaysa sa mga walang pinagkakaabalahan. At halos apat na ulit silang mas malamang na hindi sumunod sa traffic light, tumawid sa maling lugar, o tumawid nang hindi muna tumitingin sa kaliwa’t kanan.

Nigeria

Ang mga babaing ipinupuslit ng mga human trafficker mula sa Nigeria patungong Europa ay pinanunumpa sa mga dambana ng mangkukulam na juju para manahimik. Para maging sunud-sunuran ang mga babaing ito bilang mga sex slave, sinasamantala ng mga trafficker ang malaking takot ng mga ito na maparusahan ng mga espiritu.

Spain

Mula 5 hanggang 10 porsiyento ng mga matagal nang walang trabaho ang hindi naglalagay ng kanilang degree at propesyonal na karanasan sa kanilang résumé para hindi sila magmukhang overqualified.

Daigdig

Ang usok mula sa mga kalang de-kahoy ay itinuturing na pangunahing sanhi ng kamatayan sa papaunlad na mga bansa, kung saan apat na milyon katao ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit sa palahingahan na dulot ng usok. Sinasabi ng mga mananaliksik na ang nakalalasong kemikal mula sa kalang de-kahoy o de-uling ay kasintapang ng lasong nasa usok ng sigarilyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share