Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/14 p. 6
  • Bakit Pa Kailangang Mabuhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Pa Kailangang Mabuhay?
  • Gumising!—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pandaigdig na Problema
    Gumising!—2001
  • Pagpapatiwakal—Isang Salot sa mga Kabataan
    Gumising!—1998
  • Kung Bakit Sumusuko sa Buhay ang mga Tao
    Gumising!—2001
  • Pagpapatiwakal—Ang Nakakubling Epidemya
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2014
g 4/14 p. 6
Lalaking desperado at nag-iisip magpakamatay

TAMPOK NA PAKSA

Bakit Pa Kailangang Mabuhay?

KUNG titingnan mo si Diana,a mukha naman siyang matalino, palakaibigan, at masayahin. Pero sa likod nito, dumaranas pala siya ng matinding depresyon na tumatagal nang mga ilang araw, linggo, o mga buwan pa nga. “Araw-araw, lagi kong naiisip na sana’y mamatay na ako,” ang sabi niya. “Mabuti pang mawala na ako sa mundo.”

“Ipinakikita ng ilang pag- aaral na sa bawat natuloy na pagpapakamatay, 200 ang nagtangkang gawin ito at 400 katao naman ang nag-isip nito.”​—THE GAZETTE, MONTREAL, CANADA.

Sinasabi ni Diana na hinding-hindi naman siya magpapakamatay. Pero may mga panahong wala na siyang nakikitang dahilan para mabuhay pa. “Sana maaksidente na lang ako at mamatay,” ang sabi niya. “Ang tingin ko sa kamatayan ay kaibigan​—hindi kaaway.”

Marami ang kagaya ni Diana, at ang ilan sa kanila ay nakapag-isip, o nagtangka nang magpakamatay. Pero sinasabi ng mga eksperto na karamihan sa mga nagtatangkang magpakamatay ay hindi naman talaga gustong mamatay; gusto lang nilang tapusin ang kanilang pagdurusa. Sa madaling salita, naniniwala silang may dahilan sila para mamatay; ang kailangan nila ay dahilan para mabuhay.

Bakit pa kailangang mabuhay? Isaalang-alang ang tatlong dahilan.

MALING AKALA: Kapag pinag-uusapan ang pagpapakamatay​—o binabanggit man lang ang salitang iyan​—natutukso ang mga tao na subukan iyon.

ANG TOTOO: Kapag pinag-uusapan ang pagpapakamatay, madalas na natutulungang mag-isip-isip muna ang isang nagbabalak na gumawa nito.

a Binago ang pangalan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share