Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 3 p. 10-11
  • Makipagkaibigan sa mga Taong Iba sa Iyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makipagkaibigan sa mga Taong Iba sa Iyo
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Problema
  • Prinsipyo sa Bibliya
  • Bakit Mahalagang Makipagkaibigan sa mga Taong Iba sa Atin?
  • Ang Puwede Mong Gawin
  • Naalis Nila ang Diskriminasyon
    Gumising!—2020
  • Magpakita ng Pag-ibig
    Gumising!—2020
  • Kailangan Ko Bang Magpalawak at Makipagkaibigan sa Iba?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Paano Ko Madadaig ang mga Damdamin ng Pagtatangi ng Lahi?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 3 p. 10-11
Nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang apat na babae na magkakaiba ang pinagmulan habang naglalaro ang mga anak nila sa playground.

Makipagkaibigan sa mga Taong Iba sa Iyo

Ang Problema

Kung iiwasan natin ang mga taong mula sa isang grupo na hindi natin gusto, baka lalong lumala ang diskriminasyon natin sa kanila. At kung makikipagkaibigan lang tayo sa mga gaya natin, baka maisip natin na ang paraan lang natin ng pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos ang tama.

Prinsipyo sa Bibliya

“Buksan . . . ninyong mabuti ang inyong puso.”​—2 CORINTO 6:13.

Ang ibig sabihin: Ang ating “puso” ay puwedeng tumukoy sa mga nararamdaman at mga gusto natin. Kung ang gusto lang nating makasama ay ang mga taong gaya natin, magiging sarado ang puso natin. Para maiwasan iyan, dapat tayong makipagkaibigan sa mga taong iba sa atin.

Bakit Mahalagang Makipagkaibigan sa mga Taong Iba sa Atin?

Kung kikilalanin natin ang iba, maiintindihan natin kung bakit iba silang mag-isip at kumilos. At habang napapalapít tayo sa kanila, hindi na natin napapansin ang mga pagkakaiba natin. Mas naa-appreciate natin sila, at nararamdaman na rin natin ang saya at lungkot nila.

Tingnan ang halimbawa ni Nazaré. Ayaw niya noon sa mga taong lumipat sa bansa nila. Ikinuwento niya kung ano ang nakatulong sa kaniya: “Nakasama ko sila at nakatrabaho. Ibang-iba pala sila sa sinasabi ng marami. Kapag naging kaibigan mo ang mga tao mula sa ibang kultura, hindi mo na sila huhusgahan. Mamahalin mo na sila at papahalagahan mo ang mga katangian nila.”

Paalala

May mga tao na may mga bisyo o di- magagandang ugali. Kaya dapat tayong mag-ingat sa mga pipiliin nating kaibigan. Hindi masasabing diskriminasyon ang pag-iwas na makipagkaibigan sa mga taong di-tapat o imoral. Hindi natin sasaktan ang mga taong iba ang pamantayan sa atin, at hindi natin sisikaping alisan sila ng karapatan, pero hindi rin tayo makikipagkaibigan sa kanila.​—Kawikaan 13:20.

Ang Puwede Mong Gawin

Maghanap ng pagkakataon para makausap ang mga tao na mula sa ibang bansa, lahi, o wika. Puwede mong

  • Pagkuwentuhin sila tungkol sa sarili nila.

  • Imbitahan silang kumain.

  • Pakinggan ang mga karanasan nila, at alamin kung ano ang mga bagay na mahalaga sa kanila.

Kung sisikapin mong intindihin ang mga karanasan nila, maiintindihan mo rin ang personalidad nila. At mas magugustuhan mo sila pati na ang iba pa mula sa grupo nila.

Karanasan: Kandasamy at Sookammah (Canada)

“Lumaki kami sa South Africa noong may apartheid doon. Pinaghiwa-hiwalay ang mga tao depende sa pinagmulan nila, kaya tumindi ang diskriminasyon ng lahi. Hindi kami mga puti, at ayaw namin sa mga puti kasi mababa ang tingin nila sa amin. Hindi namin iniisip noon na nanghuhusga kami, kasi pakiramdam nga namin, kami ang hinuhusgahan.

“Para maalis ang negatibong kaisipan namin, nakipagkaibigan kami sa mga tao na may iba’t ibang pinagmulan. Habang nakakasama namin ang mga puti, na-realize namin na halos wala kaming ipinagkaiba sa kanila. Pare-pareho kami ng mga pinagdadaanan at mga problema.

“Inimbitahan pa nga namin ang isang mag-asawang puti na tumuloy sa bahay namin nang matagal-tagal. Mas nakilala namin sila. Di-nagtagal, kaibigan na ang turing namin sa isa’t isa. Nakita namin na walang mas mataas o mas mababa sa amin. At ngayon, mas positibo na ang tingin namin sa mga puti.”

Magkapatid na ngayon

Binabati nina Johny at Gideon ang mga bata sa labas ng Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova.

Kahit na magkaiba sila ng lahi at pinaniniwalaan, naging malapít na magkaibigan sina Johny at Gideon.

Panoorin ang video na Johny at Gideon: Dating Magkaaway, Ngayo’y Magkapatid Na. Hanapin ito sa jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share