Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g22 Blg. 1 p. 4-6
  • 1 | Ingatan ang Kalusugan Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1 | Ingatan ang Kalusugan Mo
  • Gumising!—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
  • Ang Dapat Mong Malaman
  • Ang Puwede Mong Gawin Ngayon
  • Paraan Para Maging Mas Malusog
    Gumising!—2015
  • Ano ang Puwede Mong Gawin Kapag Bigla Kang Nagkasakit?
    Iba Pang Paksa
  • Kung Paano Iingatan ang Iyong Kalusugan
    Gumising!—1999
  • Manatili sa Iyong Pananampalataya at Espirituwal na Kalusugan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Gumising!—2022
g22 Blg. 1 p. 4-6
Masusustansiyang pagkain sa mesa.

MAGULO ANG MUNDO

1 | Ingatan ang Kalusugan Mo

BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Maraming masamang epekto sa kalusugan ang krisis o sakuna.

  • Nakaka-stress ang mga sakuna, at kapag nagtagal ang stress, mas madaling magkasakit ang isa.

  • Dahil sa krisis, posibleng hindi maalagaan ng mga ospital ang lahat ng maysakit at baka hindi sapat ang suplay ng gamot.

  • Apektado ng mga kalamidad ang pinansiyal na kalagayan ng mga tao. Nahihirapan tuloy silang bumili ng mga kailangan nila gaya ng masusustansiyang pagkain o gamot.

Ang Dapat Mong Malaman

  • Kapag may malalang sakit ka o nai-stress, baka mahirapan kang gumawa ng tamang desisyon. Dahil dito, baka mapabayaan mo ang kalusugan mo at lalo kang magkasakit.

  • Kung ipagwawalang-bahala mo ang sakit mo, lalo itong lalala at baka manganib pa nga ang buhay mo.

  • Kung malusog ka, mas madali kang makakagawa ng tamang desisyon kahit napakaraming problema.

  • Mayaman ka man o mahirap, puwede mong ingatan ang kalusugan mo.

Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

Kadalasan nang pinag-iisipan ng matalino ang mga posibleng panganib at gumagawa ng paraan para maiwasan ang mga ito. Ganiyan din sa pagkakasakit. Kadalasan nang puwede itong maiwasan o hindi na lumala kung malinis tayo sa katawan at sa bahay. Maging maingat para hindi magkasakit.

“Kung malinis tayo sa katawan at sa bahay natin, hindi na natin kailangang magpadoktor at bumili ng gamot.”​—Andreas.a

a Binago ang ilang pangalan sa magasing ito.

ANG PUWEDENG GAWIN​—Mga Tip

Sa panahon ng krisis, maiingatan mo ang iyong kalusugan kung susundin mo ang mga tip na ito

MAGING MALINIS

Lalaking naghuhugas ng kamay gamit ang sabon.

Maging malinis

Ang sabi ng Bibliya: “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago.” (Kawikaan 22:3) Maging alisto at huwag isapanganib ang kalusugan mo.

  • Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, lalo na bago humawak ng pagkain o pagkatapos gumamit ng CR.

  • Regular na maglinis at mag-disinfect ng bahay, lalo na ng mga bagay na palaging hinahawakan.

  • Kung posible, iwasang lumapit sa mga may nakakahawang sakit.

KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN

Masusustansiyang pagkain sa mesa.

Kumain ng masustansiyang pagkain

Ang sabi ng Bibliya: “Walang sinumang napopoot sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at inaalagaan.” (Efeso 5:29) Maipapakita nating mahal natin ang ating katawan kung mag-iingat tayo sa mga kinakain at iniinom natin.

  • Uminom ng maraming tubig.

  • Kumain ng iba’t ibang prutas at gulay.

  • Huwag kumain ng masyadong mamantika, maalat, at matamis na mga pagkain.

  • Iwasan ang paninigarilyo, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sobrang pag-inom ng alak.

“Para hindi magkasakit, sinisikap naming laging kumain ng masusustansiyang pagkain. Kasi kung hindi, mapupunta lang sa doktor at gamot ang kinikita namin. Ibibili na lang namin ito ng masustansiyang pagkain.”​—Carlos.

MAG-EXERCISE AT MAGPAHINGA

Lalaking nagja-jogging sa maalikabok na daan.

Mag-exercise

Ang sabi ng Bibliya: “Mas mabuti ang sandakot na pahinga kaysa sa dalawang dakot ng pagpapakapagod at paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4:6) Kailangan nating balansehin ang trabaho at ang sapat na pahinga.

  • Manatiling aktibo. Puwede mong umpisahan ito sa regular na paglalakad lang. Makakatulong ito para gumanda ang kalusugan mo kahit may-edad ka na, may kapansanan, o nalilimitahan dahil sa sakit.

  • Kabataang babae na umiidlip.

    Magpahinga

    Magpahinga. Kapag kulang ka sa tulog, nakakadagdag ito ng stress at mahihirapan kang mag-concentrate. Kapag nagtagal ito, puwede kang magkaroon ng malalang sakit.

  • Magtakda ng tamang oras ng pagtulog, at sundin iyon. Sikapin mong matulog at gumising sa magkakaparehong oras araw-araw.

  • Iwasang manood ng TV o gumamit ng gadyet kapag oras na ng tulog mo.

  • Iwasang kumain nang marami, at huwag uminom ng may caffeine o alkohol bago matulog.

“Nakita kong may epekto ang pagtulog sa kalusugan ko. Kapag kulang ako sa tulog, sumasakit ang ulo ko kung minsan at nananakit ang katawan ko. Pero kapag sapat ang tulog ko, ang gaan ng pakiramdam ko! Malakas na malakas ako at hindi ako basta-basta nagkakasakit.”​—Justin.

Eksena sa video na “Ang Puwede Mong Gawin Kapag May Kumakalat na Virus.” Pinapapasok ng babae ang virus sa bahay niya.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang video na Ang Puwede Mong Gawin Kapag May Kumakalat na Virus. Basahin din ang “Paraan Para Maging Mas Malusog.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share