Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 29
  • Kung Bakit Tumakas si Moises

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Tumakas si Moises
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Moises—Kung Paano Ka Naaapektuhan ng Kaniyang Buhay
    Gumising!—2004
  • Ang Nagniningas na Puno
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Nag-aapoy na Halaman
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 29

KUWENTO 29

Kung Bakit Tumakas si Moises

TINGNAN mo! Tumatakas si Moises mula sa Ehipto. Nakikita mo ba ang mga lalaking humahabol sa kaniya? Alam mo ba kung bakit gusto nilang patayin si Moises? Tingnan natin kung bakit.

Lumaki si Moises sa bahay ni Paraon. Naging bantog at matalino siya. Alam ni Moises na hindi siya taga-Ehipto, at na ang tunay niyang mga magulang ay mga aliping Israelita.

Isang araw, nang apatnapung taon na siya, umalis si Moises para dalawin ang mga kababayan niya. Nakita niya na sinasaktan ng isang taga-Ehipto ang isang aliping Israelita. Walang ibang nakakakita, kaya hinampas ni Moises ang taga-Ehipto at ito ay namatay. Pagkatapos ay ibinaon ni Moises ang bangkay sa buhangin.

Kinaumagahan dinalaw uli ni Moises ang kaniyang mga kababayan. Nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway, kaya sinabi ni Moises sa may kasalanan: ‘Bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?’

Sumagot ang lalaki: ‘Sino ka bang hari at hukom? Papatayin mo ba ako gaya ng ginawa mo sa taga-Ehipto?’

Kaya natakot si Moises. Nabalitaan na ng mga tao kung ano ang ginawa niya. Pati si Paraon ay nakaalam nito, at nag-utos na patayin siya. Kaya tumakas si Moises mula sa Ehipto.

Tumakas si Moises tungo sa malayong lupain ng Midian. Doo’y nakilala niya ang pamilya ni Jetro. Napangasawa niya ang isa sa mga anak nito na nagngangalang Zippora at naging isang pastol siya doon. 40 taon siyang tumira sa Midian. Isang araw may nangyari na nagpabago sa buong buhay ni Moises. Buksan mo sa susunod na pahina, at tingnan kung ano ang pambihirang bagay na ito.

Exodo 2:11-25; Gawa 7:22-29.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share