Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 30
  • Ang Nagniningas na Puno

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Nagniningas na Puno
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Nag-aapoy na Halaman
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kung Bakit Tumakas si Moises
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Moises—Kung Paano Ka Naaapektuhan ng Kaniyang Buhay
    Gumising!—2004
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 30

KUWENTO 30

Ang Nagniningas na Puno

NAKARATING si Moises hanggang sa bundok ng Horeb sa paghahanap ng damo para sa kaniyang mga tupa. Dito ay nakakita siya ng isang puno na nagniningas, pero hindi ito nasusunog!

Nang lumapit siya, isang boses mula sa puno ang nagsabi: ‘Huwag ka nang lalapit. Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagka’t nakatayo ka sa lupang banal.’ Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng isang anghel, kaya tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha.

Sinabi ng Diyos: ‘Nakita ko ang paghihirap ng aking bayan sa Ehipto. Palalayain ko sila, at ikaw ang papupuntahin ko para ilabas ang aking bayan mula sa Ehipto.’

Pero sinabi ni Moises: ‘Hindi ako karapatdapat. Papaano ko ito gagawin? At sino ang sasabihin kong nagpapunta sa akin?’

‘Ito ang sasabihin mo,’ sagot ng Diyos. ‘ “Si JEHOVA, ang Diyos ni Abraham, at Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob ang nagpapunta sa akin dito.” ’ At idinagdag pa ni Jehova: ‘Ito ang pangalan ko magpakailanman.’

Si Moises ay binigyan ni Jehova ng kapangyarihan na gumawa ng mga himala, kasi baka hindi siya paniwalaan ng mga Israelita. Una ay inihagis ni Moises ang tungkod niya sa lupa, at ito’y naging ahas. Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises na ipasok ang kamay niya sa loob ng kaniyang damit. Sumunod siya, at nang ilabas niya ito, para itong dinapuan ng nakadidiring sakit na tinatawag na ketong. Binigyan ni Jehova si Moises ng kapangyarihan na gawin ang pangatlo pang himala. Sa wakas ay sinabi ni Jehova: ‘Kapag ginawa mo ang mga himalang ito, ay maniniwala ang mga Israelita na pinapunta kita.’

Umuwi si Moises at nagpaalam kay Jetro: ‘Payagan mo akong bumalik sa mga kamag-anak ko sa Ehipto para kumustahin sila.’ Kaya nagpaalam si Jetro kay Moises, at si Moises ay bumalik sa Ehipto.

Exodo 3:1-22; 4:1-20.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share