Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 72
  • Tinulungan ng Diyos si Haring Ezekias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tinulungan ng Diyos si Haring Ezekias
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ginantimpalaan ang Pananampalataya ng Isang Hari
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Hezekias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Binigyan Niya Tayo ng Kalayaang Magpasiya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Mabuting Halimbawa​—Hezekias
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 72

KUWENTO 72

Tinulungan ng Diyos si Haring Ezekias

BAKIT nananalangin ang lalaking ito kay Jehova? At ano ang mga sulat na kaniyang inilalagay sa harap ng altar ni Jehova? Siya ay si Ezekias. Siya ang hari ng dalawang tribo ng Israel sa timog. At siya ay nasa gipit na kalagayan.

Winasak na ng mga hukbong Asiryano ang 10 tribo sa hilaga. Pinayagan ito ni Jehova kasi napakasama nila. Ngayon ang mga hukbong Asiryano ay sumusugod laban sa dalawang tribong kaharian.

Katatapos pa lang ipadala ng hari ng Asirya ang mga liham na ito kay Ezekias. Dito’y ginawa niyang katatawanan si Jehova at sinabi niya kay Ezekias na sumuko na ito. Ito ang mga liham na inilalagay ni Ezekias sa harap ng altar ni Jehova. Nananalangin si Ezekias: ‘O Jehova, iligtas mo kami mula sa hari ng Asirya.’

Mabuting hari si Ezekias. Sinunod niya ang mga utos ni Jehova. Kaya, pagkatapos manalangin ni Ezekias, pinadalhan siya ni propeta Isaias ng isang mensahe mula kay Jehova: ‘Ang hari ng Asirya ay hindi makakapasok sa Jerusalem. Ang mga kawal niya ay hindi makapagpapatudla ng kahit isang palaso sa lunsod.’

Tingnan mo ang larawan sa pahinang ito. Ang mga patay na kawal ay mga Asiryano. Sa isang gabi lang, pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sa kanila. Kaya umuwi ang hari ng Asirya.

Nailigtas ang dalawang-tribong kaharian, at ang bayan ay sandaling nagtamasa ng kapayapaan. Pero pagkamatay ni Ezekias, ang dalawang sumunod na hari ay naging napakasama kaya’t ang lupain ay napuno ng kabalakyutan. Pagkatapos ay naghari si Josias na apo-sa-tuhod ni Ezekias.

2 Hari 18:1-36; 19:1-37; 21:1-25.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share