SEKSIYON 3
Palugdan ang Diyos sa Pamamagitan ng Iyong Paggawi at mga Pakikitungo
Paano mo sasagutin ang tanong na: “Ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova?” (Mikas 6:8) Ang mga akda ng 12 propeta ay nagbibigay ng kaunawaan hinggil dito. Gaya ng makikita mo sa mga Kabanata 8 hanggang 10 ng aklat na ito, makatutulong sa iyo ang mga akdang iyon upang maharap mo ang mga problema hinggil sa kung paano magiging tapat sa lahat ng iyong sinasabi at kung paano iiwasan ang karahasan. Malalaman mo rin ang praktikal na payo na ibinibigay ng mga akdang ito tungkol sa buhay pampamilya, payo na magagamit mo.