Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 7 p. 16-17
  • Pakiramdam Mo Ba’y Nag-iisa Ka?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakiramdam Mo Ba’y Nag-iisa Ka?
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Nag-iisa Ka ba at Natatakot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Tumanggap Siya ng Kaaliwan Mula sa Kaniyang Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Tumanggap Siya ng Kaaliwan Mula sa Kaniyang Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Magiging Tapat Ka Ba Tulad ni Elias?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 7 p. 16-17
Isang batang lalaking nalulungkot at natatakot

LEKSIYON 7

Pakiramdam Mo Ba’y Nag-iisa Ka?

Tingnan mo ang bata sa larawan. Parang natatakot siya, hindi ba? Ikaw, natatakot ka din ba?​— Lahat naman tayo, natatakot minsan. May sinasabi ang Bibliya na mga kaibigan ni Jehova na natakot din kasi akala nila nag-iisa sila. Isa na dito si Elias. Alamin natin ang kuwento niya.

Si Reyna Jezebel, sumisigaw at galit na galit

Gustong patayin ni Jezebel si Elias

Nabuhay si Elias sa Israel noong hindi pa ipinapanganak si Jesus dito sa lupa. Ang hari ng Israel na si Ahab ay hindi sumasamba sa tunay na Diyos na si Jehova. Ang diyos-diyosang si Baal ang sinasamba niya at ng asawa niyang si Jezebel. Kaya maraming Israelita ang sumamba na din kay Baal. Napakasama ni Reyna Jezebel. Gusto niyang patayin ang lahat ng sumasamba kay Jehova, pati na si Elias! Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Elias?​—

Tumakas si Elias! Nagpunta siya sa disyerto at nagtago sa isang kuweba. Bakit kaya siya nagtago?​— Oo, natakot siya. Pero hindi naman siya dapat matakot. Bakit? Kasi alam niyang kaya siyang tulungan ni Jehova. Nakita na dati ni Elias kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni Jehova. Minsan, nagpadala si Jehova ng apoy mula sa langit para sagutin ang panalangin ni Elias. Kaya siyempre, kayang-kaya siyang tulungan ni Jehova ngayon!

Nagpadala ng apoy mula sa langit si Jehova bilang sagot sa panalangin ni Elias; si Elias sa kuweba; tuwang-tuwa si Elias matapos patibayin ni Jehova

Paano tinulungan ni Jehova si Elias?

Noong nasa kuweba si Elias, tinanong siya ni Jehova: ‘Ano ang ginagawa mo dito?’ Sumagot si Elias: ‘Ako na lang ang natitirang sumasamba sa iyo. Mag-isa na lang ako. Natatakot ako kasi papatayin din ako.’ Akala ni Elias, pinatay na ang lahat ng iba pang mananamba ni Jehova. Pero sinabi ni Jehova sa kaniya: ‘Hindi totoo ‘yan. May 7,000 pa na sumasamba sa akin. Huwag kang matakot. Marami pa akong ipapagawa sa iyo!’ Natuwa kaya si Elias sa sinabi ni Jehova?​—

Ano ang matututunan mo sa kuwento ni Elias?​— Hindi ka dapat matakot, kasi hindi ka nag-iisa. May mga kaibigan ka na mahal si Jehova at mahal ka din. Isa pa, malakas ang kapangyarihan ni Jehova, at lagi ka niyang tutulungan! Natutuwa ka bang malaman na hindi ka talaga nag-iisa?​—

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • 1 Hari 19:​3-18

  • Awit 145:18

  • 1 Pedro 5:9

MGA TANONG:

  • Noong panahon ni Elias, sino ang sinasamba ng marami sa Israel?

  • Bakit tumakas si Elias at nagtago sa kuweba?

  • Ano ang sinabi ni Jehova kay Elias?

  • Ano ang matututunan natin sa kuwento ni Elias?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share