Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 7 p. 24-p. 25 par. 1
  • Ang Tore ng Babel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Tore ng Babel
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Tore ng Babel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nagtayo ang mga Tao ng Malaking Tore
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Galing ba ang Ating mga Wika sa “Tore ng Babel”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Bahagi 2—2369-1943 B.C.E.—Isang Mangangaso, Isang Tore, at Ikaw!
    Gumising!—1989
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 7 p. 24-p. 25 par. 1
Matapos pag-iba-ibahin ni Jehova ang kanilang wika, hindi na magkaintindihan ang mga tao kaya napahinto ang pagtatayo ng Tore ng Babel

ARAL 7

Ang Tore ng Babel

Pagkatapos ng Baha, ang mga anak ni Noe at ang kanilang asawa ay nagkaroon ng maraming anak. Lumaki ang pamilya nila, at tumira sila sa iba’t ibang lugar sa lupa, gaya ng iniutos ni Jehova.

Pero may ilan sa pamilya na hindi sumunod kay Jehova. Sinabi nila: ‘Magtayo tayo ng isang lunsod para dito na lang tayo. Gagawa tayo ng isang tore na aabot sa langit. At magiging sikát tayo.’

Hindi natuwa si Jehova sa ginagawa ng mga taong iyon, kaya nagdesisyon siyang pahintuin sila. Alam mo ba kung ano ang ginawa niya? Bigla niyang pinag-iba-iba ang wika nila. Dahil hindi sila magkaintindihan, napahinto ang pagtatayo nila. Ang lunsod na itinatayo nila ay tinawag na Babel, na nangangahulugang “Kaguluhan.” Naghiwa-hiwalay ang mga tao at tumira sa iba’t ibang lugar sa lupa. Pero gumagawa pa rin sila ng masama. Mayroon pa kayang nagmamahal kay Jehova? Malalaman natin sa susunod na kabanata.

“Ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, pero ang sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”​—Lucas 18:14

Tanong: Ano ang ginawa ng mga nakatira sa Babel? Paano sila pinahinto ni Jehova?

Genesis 11:1-9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share