Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 22 p. 56-p. 57 par. 3
  • Ang Himala sa Dagat na Pula

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Himala sa Dagat na Pula
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtawid sa Dagat na Pula
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • ‘Si Jah ang Naging Aking Kaligtasan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • “Tumayo Kayong Matatag at Tingnan Ninyo ang Pagliligtas ni Jehova”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Iniligtas ng Diyos ang Israel
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 22 p. 56-p. 57 par. 3
Ang Paraon at ang kaniyang hukbo

ARAL 22

Ang Himala sa Dagat na Pula

Nang malaman ng Paraon na nakaalis na sa Ehipto ang mga Israelita, nagbago na naman ang isip niya. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo: ‘Ihanda ninyo ang lahat ng karwaheng pandigma at habulin natin sila! Hindi natin sila dapat pinaalis.’ Hinabol nila ang mga Israelita.

Ginabayan ni Jehova ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng isang ulap kapag araw at apoy naman kapag gabi. Inakay niya sila sa Dagat na Pula, at pinagkampo doon.

Nakita ng mga Israelita na hinahabol sila ng Paraon at ng mga sundalo niya. Nasa harap nila ang dagat at nasa likod naman ang mga sundalong Ehipsiyo. Sinabi nila kay Moises: ‘Mamamatay tayo! Sana iniwan mo na lang kami sa Ehipto.’ Pero sinabi ni Moises: ‘Huwag kayong matakot. Ililigtas tayo ni Jehova. Maghintay lang tayo.’ Talagang nagtitiwala si Moises kay Jehova, ’di ba?

Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na maghanda sila. Noong gabing iyon, inilagay ni Jehova ang ulap sa pagitan ng mga Ehipsiyo at ng mga Israelita. Madilim sa lugar ng mga Ehipsiyo, pero maliwanag sa lugar ng mga Israelita.

Sinabi ni Jehova kay Moises na itaas ang kamay nito sa ibabaw ng dagat. Sa utos ni Jehova, humihip ang isang napakalakas na hangin buong gabi. Nahati ang dagat at nagkaroon ng daan sa gitna. Naglakad ang milyon-milyong Israelita sa tuyong lupa, sa pagitan ng mga pader na tubig hanggang sa makatawid sila.

Naglakad ang mga Israelita sa tuyong sahig ng dagat sa pagitan ng mga pader ng tubig

Sinundan ng hukbo ng Paraon ang mga Israelita sa tuyong lupa. ’Tapos, nilito ni Jehova ang hukbo. Natanggal ang mga gulong ng mga karwaheng pandigma nila. Sumigaw ang mga sundalo: ‘Umalis na tayo dito! Si Jehova ang nakikipaglaban para sa kanila.’

Sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat.’ Biglang bumagsak sa hukbong Ehipsiyo ang mga pader na tubig. Namatay ang Paraon pati na ang lahat ng sundalo niya. Walang nakaligtas sa kanila.

Sa kabilang panig ng dagat, umawit ang mga nakalaya para purihin ang Diyos: “Umawit kay Jehova, dahil lubos siyang naluwalhati. Ang kabayo at ang sakay nito ay itinapon niya sa dagat.” Kasabay ng mga nag-aawitan, ang mga babae ay nagsasayaw at nagpapatugtog ng tamburin. Masayang-masaya ang lahat kasi malaya na sila.

“Kaya lalakas ang loob natin at masasabi natin: ‘Si Jehova ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?’”—Hebreo 13:6

Tanong: Ano ang nangyari sa Dagat na Pula? Paano iniligtas ni Jehova ang mga Israelita?

Exodo 13:21–15:21; Nehemias 9:9-11; Awit 106:9-12; 136:11-15; Hebreo 11:29

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share