AWIT 47
Manalangin Ka kay Jehova
Printed Edition
1. Manalangin sa Diyos na Jehova,
Pribilehiyo bilang kaibigan niya.
Siya’y lapitan, buksan ang ’yong puso;
Magtiwalang Siya’y tutulong sa ’yo.
Manalangin sa kaniya.
2. Manalangin at magpasalamat.
Pagkakasala ay ipagtapat.
Hingin ang kaniyang kapatawaran
At alam niyang tayo’y alabok lang.
Manalangin sa kaniya.
3. Manalangin ka ’pag may problema,
Dahil si Jehova’y ating Ama.
Iingatan at tutulungan ka;
Huwag kang matakot, magtiwala ka.
Manalangin sa kaniya.
(Tingnan din ang Awit 65:5; Mat. 6:9-13; 26:41; Luc. 18:1.)