Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Amasai”
  • Amasai

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Amasai
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Elkana
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mahat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jeroham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Amasai”

AMASAI

[pinaikling anyo ng Amasias].

1. Isang Levita na mula sa pamilya ni Kohat; anak ni Elkana at ninuno ng propetang si Samuel at ng mang-aawit sa templo na si Heman na nabuhay noong panahon ni David.​—1Cr 6:25, 33, 35.

2. Ang ulo ng 30 lalaking mula sa mga tribo nina Juda at Benjamin na pumaroon kay David sa Ziklag upang sumama sa kaniya. Para mapawi ang pangamba ni David na baka pagtaksilan nila siya, “espiritu mismo ang bumalot kay Amasai” habang nanunumpa ito na buong-puso nila siyang susuportahan anupat kinikilalang si Jehova ang tumutulong kay David.​—1Cr 12:16-18.

3. Isa sa pitong saserdote na “nagpapatunog nang malakas sa mga trumpeta sa harap ng kaban ng tunay na Diyos” noong iutos ni David na dalhin ito sa Jerusalem.​—1Cr 15:24.

4. Isang Levita na mula sa pamilya ni Kohat; ang kaniyang anak na si Mahat ay tumulong sa paglilinis at pagpapabanal ng templo noong mga araw ni Hezekias.​—2Cr 29:12-18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share